Laging Naro'n Ka

 

Kung alam ko lamang

Ako'y iyong iiwan

Di na sana ako

nagmahal nang lubusan

 

Ngunit ang puso ko

Ay di natuturuan

Tulad ng paglimot

yan ay di ko alam

 

Kung kaya't ikaw ang aking inibig

Yan ay kusang nadama

At di ko pinilit

Sa katunayan nga kahit sa panaginip

Laging naro'n ka at di maalis

 

Sana ay magbalik

Dahil nananabik

Madama ang init

Ng iyong pag-ibig

 

Ngunit hanggang kailan

Ako ay maghihintay

Sana ay sabihing di na magtatagal

 

Kung kaya't ikaw ang aking inibig

Yan ay kusang nadama

At di ko pinilit

Sa katunayan nga kahit sa panaginip

Laging naro'n ka at di maalis

 

Pilit mang limutin kita

Bakit ba hindi makaya

Ano nga bang mayron ka?

 

Kung kaya't ikaw ang aking inibig

Yan ay kusang nadama

At di ko pinilit

Sa katunayan nga kahit sa panaginip

Laging naro'n ka

 

At kung kaya't ikaw ang aking inibig

Yan ay kusang nadama

At di ko pinilit

Sa katunayan nga kahit sa panaginip

Laging naro'n ka at di maalis

 

laging naro'n ka

Pilit mang limutin ka

Laging naro'n ka...

 

Back