Malayo Man, Malapit Din Guiting
Guiting
Ni Rina Tiangco
Umaga’t uulan-ulan, aambon-ambon,
papatak-patak. Sa loob ng tent
ay hihikab-hikab, nagtaklob, salamat
at hindi yata kami tutuloy tuwang daing ng mga lamang nananakit.
"Gising
at aalis tayong alas otso."
Ako’y magtatapang-tapangan para magmukhang matapang. Pagkatapos
ng
dasal, simulang akyatan ng
lahat, akyat din ako. Kalahating katawan’y nagising pilit, mga
kalamnan ay giniling-giling, balintataw ng
mata’y papuwing-puwing, braso’t binti’y
uunat-unat,
tutoo nga yata at kami’y
aakyat.
Silang ng araw’y lumalabas na, hindi maikubling
bundok’y
naghahamon na. Nanghihinang tuhod,
may kasamang kaba, isang hakbang, isang padyak, kami’y paroon
na.
Diyos ko, ano ba itong mga
solidong konkreto na sa amin ay biglang bumabati. Bakit biglang yungib
ang kaharap namin, hindi ba ito
mapanganib? Yapak ko’y huwag dudulas, kapit nang mabuti,
kamay’y humahawak nang mahigpit
na mahigpit. Buong kalooban pilit nang nagigising, kahit kaibigan wala
nang matalik, ito na lang tarik ang aking
iisipin. Batong nanghahamon, ako’y ginagalit. "Mga hayop
kayo ang
aking naiwika." Bawa’t
hakbang aking iniisip kaliwa ba o kanan ang aking uunahin. Sabay pumatak
ang butil ng pawis, mamaya’t
maya’y naligo na sa pawis. Pagkuha ng larawan
siguro’y
mamaya na, aking mga kaibigan, aking
uunahan.
Sa aking pagpapahinga, sa katayugang kakaiba, aking napansin ang
pambihirang ganda ng buong kapaligiran.
Mata’y tumingin hanggang kaitaasan, hindi lang pababa baka
tuluyang malula. Mauna ka na,
ako’y ayaw sumabit sa pamimilipit. Huminga papasok, huminga
palabas, walang katapusan yugto ng
pagtaas at pagbaba. Bawat sanga’y aking nahawakan, pati lupa
nga
aking kinamayan, bato naman ang
humahalik sa akin, kulang pa ba ang yakap mo sa akin. Mga maliliit na
butas sa putik akin na ring nakausap, mga
bonsai, dahon at bulaklak sa akin ay nagtawanan. Kapit tuko ako sa iyo
kaibigan, bakit naman gasgas ang akin
pang aabutin. Mga halamang eletso sariwa pa sa hamog tila ako’y
tinutusok-tusok, mga haring bato sa
aking bumati’y nag-iwan ng isla sa aking binti, pati ang talas
mo’y puwet ko’y tinamaan,
huwag sanang bumigay ang pantalong pabutas na. Buntong hininga, lakas
ko’y hindi bibigay, ngayon pang
mukhang malapit na’t teka’t malayo pa yata.
Lagapak ng pawis, inuuhaw at nanglaglagkit. Salamat na lang at umulan
kahapon, may nanghihintay na tubig na
bumumuhos. Masarap na tubig sa akin ay magpapalakas, inspirasyon naman
ang hatak ng mga kaibigan kong
nauna na. Yabang na lang ang aking palalakarin, para ako ay tuluyang
palarin. Simoy ng hangin para bang
umaawit, iba ang daloy dito sa summit. Akyat, akyat, akyat, tuhod na
lumulutang, utak-pang-isip lumulutang na
rin. Tuloy tuloy lamang huwag lang tutungo. Mga pauna’t halaman
ay
nagbabantay kung kayang antasan
ang sukdulang pagsubok. Dahang-dahan akong hinihigop ng enerhiya. Ang
mga ulap ay sumisilip, dibdib
ko’y umiinit, balat ko’y nangingitim, isip
ko’y
nandidilim. Nauna na ang iba sa tugatung ng
ligaya. Konklusyon nito’y kailangang makatapos. (Peak of
Deception)
At nang maabot ang pangwakas na kuro, sa tinatapakan ay nagpasalamat.
Ang mga nadaanan, parang antas ng
buhay, pagkatapos ng hirap, may ginhawa’t sarap. Sa tuktok ay
nagdiwang, at ang langit ay humalik sa
lupa, ang mga nakasama’y nagyakap-yakap. Kita ang buong
scenario.
Hindi ba ito ang nagpalapit sa atin?
Palaging maaalala ang mga pinagdaanan, kaya Bundok Guiting-guiting huwag
ilalamang, dahil kalikasan nito
nagpayaman ng aming kalooban. Sa iba’y ito’t miminsan
lamang, sa iba’y ito’y
babalikbalikan.
Panandalian gumaan ang dibdib, pansamantalang nalusaw ang pagod. Salamat
ulit sa pagkakataon na itong
maaring hndi na mauulit. Ngayong pagbaba ko’y kaya kong harapin
ang kahit na ano, linta, dulas, bungo,
init, pasa, hirap ng kuko..... Baba, taas baba, minsan pa’y
naliligaw. Naramdaman ang sakit ng
kasukasuan, mga kalamnam ay naramdamang nagbibigatan. Akala
ko’y
pantalon ko’y di na
mapupunit, sa puwet ko’y talas ng bato’y kumakagat
pilit, at
sa putik ako’y dudulas-dulas
na. Bawat yapak, hakbang, padyak, isip ko’y andyan na, palapit
na.......
Sa gabing iyon, mas lalong nangningning ang mga butuin, Silangan,
hilaga, kanluran at timog ay nagbuo ng
magandang larawan. Siyudad man, bundok, dagat, sa malayo’y di
maabot, ngunit sa amin ang galaksiya
ang siya naming naabot. Pati ang buwan ay sa amin bumati, maligayang
akyat, ito’y hindi na bangugot
kundi katotohanan. Akyatin ang Guiting-guiting, malayo man ay malapit
din.
Akyat Guiting-guiting ay binubuo nina: Jane, Mimi, Mockey, Rhoda, Rina,
Tess, Barry, Danny, Ding, Jojoy,
Larry, Mike, Norbert, Pat
Naganap Abril 15, 16, 17, 18 na taong 2000. inilagda ni: Rina Tiangco
For feedback, write to cbrazon@worldtelphil.com
|