disclaimer

lahat ng nilalaman ng website na ito ay pagmamayari ng pnu bse history 05...unless stated otherwise...bawal gamitin nang walang pahintulot...as if may magkakainteres...maaaring maglaman ng mga kwentong di niyo magugustuhan...lalo na kung may atraso KAYO sa amin...sabi nga bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit...hehe...hindi niyo naman pwedeng bawiin ang diploma namin...nga pala ang navigation ay nasa ibaba...kung sisipagin ang webmiss at ang klase ay aabot ito sa limang bahagi...ayan, basa na!

deadveggies

bakit deadveggies??? hindi iyan pagtatangkang maging sosyal...eto ang kwento sa likod niyan...habang kinukumbinse ng 3-14 ang kanilang sarili na "basic" reaserch nga ang kanilang napasukang klase sa isang silid sa ikalong palapag ng CED ay umulan ng teorya...wala silang dalang payong...basang basa... seriously, yan ang itinawag ng aming mahal na ZQR sa majority ng 3-14 dahil sa walang makasagot sa kanyang mga tanong...walang nakabasa sa mga nabasa niyang libro...walang nakakakilala sa kanyang mga sinasabing paham...walang nakakaalam ng kanyang mga paboritong teorya...may kulang pa nga e...mga pa retire na deadveggies... hindi naman nanatiling DV ang ilang 3-14...student factor daw...nahati sa achiever at non-achiever...karamihan naman ay napatunayang di sila pa retire na deadveggie...lumaban pa nga sa mga research forumS...may dalawa kaming cum laude...at ang ilan ay in"enjoy" ang pagiging deadveggie...at nagkamit din ng mga paulit-ulit na parangal...inc, aw, uw...habang nagyayari ito ay mayroon daw silang tagapayo, si ELM na nagaantay ng susunod na party at selebrasyon...nagdaramdam dahil hindi siya pinapansin...at chinichismis sa iba ang kanyang mahal na advisery class...salamat sa tadhana at natapos din ang nightmare on ELM st...nagkaroon ng bago at totoong tagapayo...NST...hinawi ang madilim na usok...naks ...ang responsable sa pagraduate ng mga nalagay sa alanganin...at sa darating na ika-30 ng marso siya rin ang babasa *sisigaw* ng aming mga pangalan pagakyat sa entablado...
kung ang nabuo mong ideya sa aming klase ay napaka-GC at subsob sa akads dahil sa post na iyan...wrong send...nagkakamali ka...isa to sa pinakapasaway na grupong umapak sa normal...lagi niyo kaming makikitang nakatambay sa ilalim ng puno ng mangga sa tapat ng CED...nag-uubos ng oras...

underthemangotree v.02

kilala rin bilang...bahay ni birorang anna...ang pangunahing tambayan ng klase...maliban sa CPHRE at CGED...dito kumakain, nagkakalat, nagiingay, nagrerebyu(?), gumagawa ng proyekto, nagkacramming, nagpapalipas oras kapag late o cutting, tumatawa, natutulog, nalaglagan ng higad, nanggagaya ng mga kaklase at propesor, gumagawa ng MASUSING BANGHAY ARALIN, gumagawa ng visual aids,sharing ng mga kwentong bayan, nagiintayan, nagpipicture taking, nagpapractice,naghahanda para sa report, naghahanap ng respondents, nanglalait ng dadaan, nagwowalk out, nangaaway, nagpaplano...OA na
minsan nakakatawa kapag nagpapaalam ang mga uupo...at magpapasalamat bago sila umalis...titulo na lang talaga ang kulang

bse history 05

binubuo nina... carl, venus, francis, thonie, julye, amapola, kathleen, mark, alvin, racquel, ryan, drew, annaliza, marco, redentor, cecille, jannet, michelle, binus, adi, maia, sylvia at romeo...atbp.:*mga naiwan* aga, rochelle, richard, winter, abner, at sina mike, giordani, at roselle...
ang klaseng dumaan kina...*prof./dr.* sia, mendez, aparijado, manantan, hilbero, briones, sigua, dela cruz, salvador, tabadda, calapardo, cerbo, mendiola, villafuerte, villanueva, delara, varela, san buenaventura, medina, martin, ong, yeban, garcia, magallanes, reyes, at syempre tantengco...(marami pang kulang, di ko maalala ang mga pangalan e)

updates

rain<3mula sa webmiss...sana may magdala ng digicam sa mga huling araw...meron pa tayo hanggang LET review para makompleto ang site na to...kung may reaksyon, o pambabatikos...o kaya mas matinong write-up na pwede niyong usulat...feel free to do so...mail niyo na lang...ang navigation ay nasa ibaba...sige enjoy!!

shoutbox



1