November 12, 2002
Ni hindi ko man lang naramdaman, tapos na ang tinatawag nilang Sem Break. Registration na naman sa UP Diliman; CRS Online, reg mat, advisers, enlistment, library clearance, checking, assessment, bayaran… in other words, walang kamatayang pagpila. Minsan pumapasok sa isip ko, bakit ako naghihirap mag-enroll sa isang eskwelahan na sobrang hirap? Mahirap in terms of facilities, at mahirap kung sa pag-aaral. Pero hindi naman ako mapapaalis dito. Ayoko lumipat ng ibang eskwelahan, at lalong ayoko rin namang ma-dismiss. Hay… UP nga naman.
So second sem na, ano kaya ang pagkakaiba nito sa mga nakaraang sem ko? Sino kaya magiging mga prof ko? Medyo natatakot na nga ko sa Comm III at sa German 14-15 e. Pati na rin sa English 100. Kung sa inyo, puro math subjects, sa kin, puro languages naman. Nervous, but excited at the same time, gusto ko nang maumpisahan ang isa na namang sem sa aking college life. Two and a half years na lang, gra-graduate na ko ng college, parang kailan lang, isa pa kong di hamak na high schooler sa quesci. Ang bilis nga naman ng buhay natin. Yung iba dyan, pa-birthday-birthday na lang. J Syempre ako 19 na. Ang tanda ko na. May boyfriend na kong bago (taga-UP, Carlo Marasigan CFA Vis Com), may mga bagong friends, mga org (officer pa ko, VP at mem com head), at syempre mga bagong trip sa buhay.
Ah basta, pasukan na! God bless sa ating lahat at sana wala na akong mababalitaan dyan na mga na-di-dismiss ha!
Stay cool and keep safe…