Introduksyon
Klimang Politikal
Aksyon at Adhikain
Tunggalian
Konklusyon
Sanggunian
Mga Lumikha

Iba pang artikulo:
Si Joma Sison

Makilahok sa aming talakayan. I-klik ang mga larawan sa ibaba upang pumasok sa aming forum.


Jose Maria Sison

Ang kaniyang buhay

Noong ika-8 ng Pebrero 1939, isinilang si Jose Maria Sison sa Cabugao, Ilocos Sur (http://www.inps-sison.freewebspace.com/focus.htm).

Siya ay nag-high school dito sa Maynila. Nagtapos siya mula sa Unibersidad ng Pilipinas, o UP, noong taong 1959. Nagtungo sya ng Jakarta noong 1962 upang pag-aralan ang kanilang lingwahe at literatura. Matapos ang isang taon, bumalik sya ng Maynila upang magturo sa (http://www.defendsison.be/archive/pages/0210/021005-01.html; http://www.inps-sison.freewebspace.com/focus.htm).

Taong 1964 nang itatag niya ang Kabataang Makabayan, o KM, at siyang tumayong national chairman nito hanggang 1968. Naging malaki ang kaugnayan ng KM sa mga labor unions, partikular na sa Lapiang Manggagawa, kung saan naging sekretarya rin si Sison (http://www.inps-sison.freewebspace.com/focus.htm).

Noong 1966, siya ay naging founding general secretary ng Movement for the Advancement of Nationalism, o MAN. Bilang isang united front organization, itinaguyod ng MAN ang nasyonal na awtonomiya at demokrasya. Partikular na hinikayat ng MAN ang pagsuporta ng nasyonal na burgesya (http://www.inps-sison.freewebspace.com/focus.htm).

Mula 1963 hanggang 1968, si Sison ang tumayong editor ng isang akademikong journal, ang Progressive Review (http://www.inps-sison.freewebspace.com/focus.htm).

Taong 1969 nang itinatag niya ang Central Committee of the Communist Party of the Philippines (Marxist-Lennninist), o CPP(M-L), matapos ang Congress of Reestablishment of the Communist Party of the Philippines na idinaos sa Tarlac mula ika-26 ng Disyembre 1968 hanggang ika-7 ng Enero 1969. Ang CPP(M-L) ay isang deviation mula sa naunang Partido Komunista ng Pilipinas na nakilala noong mga 1940s sa kanilang pakikibaka sa panahon ng pag-okupa ng mga Hapon, at sa Huk rebelyon. Marso 1969 nang itinatag ang military wing ng CPP(M-L), ang New People's Army, o NPA. Bilang isang chairman, siya ang naging principal theoretician ng CPP(M-L), at tactician ng NPA sa pakikibaka noon laban sa administrasyon ni Ferdinand Marcos. Sa kanyang Philippine Society and Revolution, ibinalangkas niya ang kanyang komprehensibong class analysis at mga strategy para sa isang rebolusyon. Isa sa mga strategy na ipinatupad niya sa CPP(M-L) at NPA ay ang pagkakaroon ng teritoryal na organisasyon, kung saan ang ang Central Committee ang siyang nag-aayos ng general approach, ngunit ang mga lokal na party units ang siyang bahala sa initiative batay sa lokal na kalagayan. Mayroon ding mga "liaison teams" na nagko-coordinate sa pagitan ng NPA at ng masa (http://www.inps-sison.freewebspace.com/focus.htm).

Noong ika-21 ng Agosto 1971, nagkaroon ng pagsabog ng isang granada sa Plaza Miranda habang idinaraos ang proclamation rally ng nga kandidato sa pagkasenador ng Liberal Party, na mga kasapi ng oposisyon sa administrasyon ni Marcos. Siyam ang namatay at marami ang malubhang nasugatan, kabilang na sina Senador Jovito Salonga, John Osmeņa, Eva Estrada Kalaw at Gerry Roxas. Lumabas ang mga alegasyon na nagtutukoy kay Marcos bilang utak sa naganap na pagbomba sa pagnanais daw na mapaslang ang mga kalaban sa pulitika. Ipinasa naman ni Marcos ang sisi sa NPA na may layunin daw na maghasik ng kaguluhan sa Maynila upang magkaroon ng dahilang simulan ang rebolusyon mula sa kanayunan. Nang sumunod na taon, nadiin si Sison, bilang chairman ng NPA, sa naganap na pagbomba, sa pamamagitan na rin ng mga akusasyon ng ilang kasamahan sa NPA. Isa sa mga nagtukoy sa kanya bilang utak sa naganap na pagbomba ay si Danilo Cordero, na siyang napabalitang inatasan ni Sison na maghagis ng granada kasama ang dalawa pang kasamahan. Pinaslang si Cordero ng ilang kasamahang matapat kay Sison matapos ilabas ng kanyang mga akusasyon, nang dahil sa insubordination base na kanyang naging revolutionary trial. Di nagtagal, napawalangsala din si Sison ukol sa naganap na pagsabog sa Plaza Miranda(http://www.inq7.net/brk/2002/aug/21/brkoth_5-1.htm; http://www.inq7.net/nat/2001/jun/17/text/nat_2-1-p.htm; http://www.philsol.nl/A03a/Kintanar-Quimpo-jan03.htm).

Nobyembre 1977 nang si Sison ay inaresto sa akusasyong subversion at conspiracy sa pag-oorganisa ng isang rebelyon laban sa administrasyon ni Marcos. Ang mga "liaison teams" ay inakusahan ng pagkakaroon ng malapit na ugnayan sa masa "through various flexible methods", at ng pag-conduct ng "social investigation" (http://www.inps-sison.freewebspace.com/focus.htm). Si Sison at iba pang kasamahan ay napailalim sa maximum security detention kung saan iba't ibang uri ng torture ang kanilang naranasan (http://www.defendsison.be/archive/pages/0210/021005-01.html).

Sa pagkakaalis ni Marcos noong taong 1986, si Sison ay napakawalan. Muli siyang bumalik sa UP bilang associate professor sa political science. Naging abala siya sa kanyang mga akademikong tungkulin at mga pampublikong talumpati sa bansa. Nang taong ding iyon, siya at ang iba pang dating kasamahan sa maximum security detention ay nagsampa ng kasong human rights violations sa United States, laban kay Marcos. Agosto 1986 nang siya ay lumabas ng bansa para sa isang university lecture tour sa rehiyon ng Asia-Pacific at sa Europe. (http://www.defendsison.be/archive/pages/0210/021005-01.html).

Nang sumunod na taon, inilunsad ng dating kasamahan ni Sison sa CPP(M-L) na si Victor Corpus ang kanyang librong Silent War na tungkol sa communist insurgency sa bansa. Kaalinsabay nito, inakusahan ni Corpus si Sison na siyang nagplano ng pagbomba sa Plaza Miranda. Nasa kanluran na ng Europe ang tour noong 1988 nang akusahan siya ng subversion ng administrasyon ni Corazon Aquino at kinansela ang kanyang pasaporte upang mapilitan siyang bumalik sa bansa. Nag-apply siya na maging political asylum ang Netherlands noong Oktubre ng nasabing taon. Nang sumunod na taon, nagpataw ang administrasyon ni Aquino ng isang milyong gantimpala para sa ulo ni Sison, at kalahating milyon naman para sa kanyang asawang si Julieta de Lima-Sison (http://www.defendsison.be/archive/pages/0210/021005-01.html; http://www.etext.org/Politics/MIM/rail/sison.txt; http://www.oocities.org/afpmuseum/bksilentwar.html; http://www.inq7.net/brk/2001/aug/12/brkpol_10-1.htm; http://www.manilatimes.net/national/2002/aug/14/opinion/20020814opi7.html).

Sa taon ding iyon, inilabas ang librong The Red Revolution na isinulat ni Gregg Jones, isang correspondent ng Washington Post, na pinaghihinalaang isang agent ng Central Intelligence Agency na nagpapanggap na journalist. Ginamit ni Jones na basehan ang kanyang pakikisalamuha sa mga NPA at pakikipag-usap sa matataas na opisyal ng CPP(M-L) at NPA upang tukuyin si Sison bilang utak ng pagbomba sa Plaza Miranda. Matapos mailabas ang libro, nagkaroon ng Senate inquiry ukol sa naganap na pagbomba sa pamamagitan ng Blue Ribbon Committee na pinangunahan ni Senador Wilberto Taņada. Kabilang sa mga nagbigay ng testimonya na may patungkol sa pagiging utak ni Sison sa naganap na pagbomba ay ang mga dating kasamahan sa CPP(M-L) na sina Ruben Guevarra, Ariel Almendral at Pablito Araneta. Natigil ang inquiry nang sumiklab ang kudeta laban sa administrasyon ni Aquino sa pagtatapos ng taong 1989 (http://users.iloilo.net/examiner/opinion/perspective.html; http://www.inq7.net/nat/2001/jun/17/text/nat_2-1-p.htm; http://www.inq7.net/nat/2001/jun/18/nat_5-2.htm).

Mula taong 1990, nilapitan si Sison nang administrasyon ni Aquino para sa usaping peace negotiations. Sumang-ayon naman si Sison, subalit umatras din ang administrasyon ni Aquino eventually. Noong 1991, siya ay kinilala ng United Nations High Commissioner for Refugees bilang isang political refugee sa Netherlands, ngunit ang kanyang asawa ay hindi nabigyan ng legal na permisong manirahan doon (http://www.defendsison.be/archive/pages/0210/021005-01.html; http://www.etext.org/Politics/MIM/rail/sison.txt).

Ilan pang mga impormasyon


Ang mga artikulong mababasa sa website na ito ay isinulat batay sa mga artikulong mababasa sa mga sangguniang aklat at ilang mga websites. Ang mga larawang ginamit ay hiniram din mula sa iba't-ibang mga websites. Ang website na ito ay nilikha para sa isang akademikong layunin.

Disenyo ni Elvin Luciano
para sa PI 100
Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, Lungsod Quezon.
Taong 2003