Introduksyon
Klimang Politikal
Aksyon at Adhikain
Tunggalian
Konklusyon
Sanggunian
Mga Lumikha

Iba pang artikulo:
Si Joma Sison

Makilahok sa aming talakayan. I-klik ang mga larawan sa ibaba upang pumasok sa aming forum.


Konklusyon

"Eksilo at Panlipunang Pagbabago:
Isang Komparatibong Pag-analisa sa Dalawang Yugto ng mga Pilipinong Eksilo"

Ang napakahalagang implikasyon nito ay ang impresyon sa atin na nagiging rekisito o matinding pangangailangan talaga ang pangingibang bansa upang bigyang linaw sa mga dayuhan ang sitwasyong pulitikal at ekonomikal ng Pilipinas, at ang humingi ng tulong na rin lalo na ang seguridad, ang kalayaang intelektwal at ang pag-iwas sa isang mapanupil na estado. Bibigyang pansin lang natin na ang pagkakaroon ng ideolohiyang taliwas o ang pagsulong ng makabagong adhikain ay hindi lubusang tinatanggap ng estado dahil sa isa itong banta sa kanilang panunungkulan at pananatili sa kapangyarihan. At nagpapakita lang na ultimo dahas palagi ang nagiging siguristang (subalit marahas na) solusyon upang mapanumbalik ang dating katayuan ayon sa galamay ng gobyerno. Dahil dito, hinihimok natin ang panunungkulan ng kahit ano mang uri sa susunod na henerasyon, tulad ng paglalaganap ng demokrasiya, na iwaksi ang taliwas na pulitikal na kulturang Pinoy at iangat ang makatarungang pamumuno kung saan ang lahat ay may karapatang ayon sa batas ng tao at Banal na batas.

Subalit alam natin na sa isang banda, ang globalisasyon ang nagbabago ng ating pulitikal na landscape na tila iilan na lang ang namumuno, at ito ay ang imperyalistikong kapitalistang mga bansa. Hindi na maiiwasan ang mga pulitikal na interbensyon sa ating lipunan at maging tayo ay bukas loob namang tumatanggap ng sikolohikal, sosyolohikal at pulitikal na korupsyon. Walang masama ang pangingibang bansa at magtatag ng alyansa para sa (ekonomikal) na pag-unlad ngunit mahalaga ang konsepto ng soberanya. At tayo bilang isang diverse na lipunan ay kinakailangang may iisang patutunguhan at ito ay ang kolektibong pag-unlad at pagsuporta ng makabayang interes, lalo na ang pagtanggol sa naiipit nating kababayan. Ating pagpapahalagahan ang kalayaang matagal na nating ipinaglaban kahit na sa sarili nating bansa na ngayon nagiging mapanganib bunsod ng konsepto ng "terorismo." Isa pang problema ang tila nawawalang pagkamakabayan natin at pinipili pang pagsilbihan ang ibang nasyon sa kadahilang pang-ekonomiya, halimbawa na lang ang exodus ng ibang mga guro at ang lantarang colonial mentality.

Sa kabuuan, sa kontemporaryong sibilasyon kasabay ang paglunsad at pagdagsa ng makabagong teknolohiya, ang eksilyo o migrasyon ay magiging isang normal na proseso ng pag-iwas sa lahat ng ating pulitikal na problemang hinaharap at haharapin. Dulot din ng teknolohiya, kabilang ang pangmadlang komunikasyon, internet, telecommunications atbp. ang paglawak ng maaabot ng ating kababayan upang makialam at makilahok sa mga diskursong direkta silang maaapektuhan. Sa akses na ito magkakaroon ng boses at koneksyon ang nasa ibang lugar, tulad ng DEFEND, para isulong ang kanilang mga adhikain. Ibig sabihin na ang panibagong rebolusyon na ating kinakaharap at hindi na limitado sa kung ano lang ang kayang maaabot ng paglilimbag ng kahit libu-libong aklat, dahil sa sa ngayon sa isang pindot lang ng kompyuter ay maaari mo nang bigyang pansin ang mga isyu sa loob at labas ng bansa. Nagiging mas kumplikado ang mga makabagong uri ng pandirigma tulad sa paglikha ng MOAB.

Ang "giyera" noon at ngayon ay may paralelismo ng mga mandirigmang patuloy na isinusulong ang ideolohiyang maaaring kumitil sa kanilang mga buhay subalit naghahanda sa isang makabuluhang pagbabalik.

Nagpapasalamat kami sa inyong pakikilahok.


Ang mga artikulong mababasa sa website na ito ay isinulat batay sa mga artikulong mababasa sa mga sangguniang aklat at ilang mga websites. Ang mga larawang ginamit ay hiniram din mula sa iba't-ibang mga websites. Ang website na ito ay nilikha para sa isang akademikong layunin.

Disenyo ni Elvin Luciano
para sa PI 100
Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, Lungsod Quezon.
Taong 2003