Kasaysayan Ng 

Entablado


home

Adhikain Ng Entablado


Katuturan Ng Gawaing Enta


Mga Miyembro

“Maganda sigurong isipin na nag-uumpisa ang ENTABLADO sa napapanahong pagpapalipad ng mga pangarap; mas masarap sigurong pakinggan na isang mahiwagang boses ang siyang tumawag sa mga naunang miyembro upang maumpisahan ang grupong ito; lalo pa sigurong nakakatuwa ang ipagyabang na pinaghalong idealismo at kakaibang talento sa teatro ang siyang unang nakapagbuo sa kaisa-isang “socially-relevant-experimental-theater organization na kilala ngayon sa Ateneo.  
Sa paglipas ng mga taon, nagpatuloy ang ebolusyon ng grupo tungo pa rrin sa pagsasatupad ng simpleng hangaring iyon, at gamit pa rin ang “experimental theater.”  

Ang katotohanan ay  nag-umpisa lamang ang ENTABLADO sa iilang Atenistang walang magawa sa kani-kanilang mga talento. Sinumulan ang ideya ng iilang mga indibidwal mula sa TANGHALANG ATENEO (TA) at ATENEO EXPERIMENTAL THEATER (AET) na kinatamaran na ang nakagawian nilang pangkaraniwang mga paraan sa pagpapalabas sa teatro; mga dakilang mga nilalang na nais lamang makatawag ng atensyon sa kanilang mga kakaibang pagpapalabas sa kakaiba ring pamamaraan: ang tinatawag na “experimental theater”.  

Ang lahat ng iyon ay naganap noong 1982. Ang lahat ng iyon ang siyang Katotohanan ng Simula ng Entablado.  

Ngunit, gaya ng lagi, hindi nagtatapos ang lahat sa isang Simula.  

Sapagkat katotohanan ring pinaslang si Sen. Benigno Aquino noong 1983, at ang buong bansa ay nagluksa sa kaniyang paglipas; katotohanan rin na ang kamatayang ito ang nagbibigay-buhay sa kakaibang perspektibo ng Entablado sa totoong sitwasyon sa Pilipinas; katotohanang iyan ang nag-udyok sa mga miyembrong silipin ang mga katiwaliang pinapalakad ng diktatoryang gobyerno ni Ferdinand Marcos. 

Ang lahat ay nagbago matapos noon. Sa ilalim ng ngalang AET, nagsimulang lumabas ang mga miyembro sa mga kalye ng Metro Manila at magmasid. Nagsimula silang magmuni-muni ukol sa kanilang mga nakita; at mula doon at natuto rin silang umaksyon ukol sa lahat ng mga ito. Ninais nilang makatulong sa paghubog ng lipunang mulat sa katotohanan, at handaang umaksyon ukol sa pagkukulang dito. At para dito, ginamit nila ang pinakamabuting pamamaraan na siyang nalalaman nila, ang “Experimental Theater.” Sinubukan nilang gamitin ang teatro bilang instrumentong magpapamulat sa mga kamag-aral nilang kung minsan ay walang malay, at mas kadalasan pa ay walang pakialam.  

Sapagkat katotohanan ring pinaslang si Sen. Benigno Aquino noong 1983, at ang buong bansa ay nagluksa sa kaniyang paglipas; katotohanan rin na ang kamatayang ito ang nagbibigay-buhay sa kakaibang perspektibo ng Entablado sa totoong sitwasyon sa Pilipinas; katotohanang iyan ang nag-udyok sa mga miyembrong silipin ang mga katiwaliang pinapalakad ng diktatoryang gobyerno ni Ferdinand Marcos. Ang lahat ay nagbago matapos noon. Sa ilalim ng ngalang AET, nagsimulang lumabas ang mga miyembro sa mga kalye ng Metro Manila at magmasid, Nagsimula silang magmuni-muni ukol sa kanilang mga nakita; at mula doon at natuto rin silang umaksyon ukol sa lahat ng mga ito. Ninais nilang makatulong sa paghubog ng lipunang mulat sa katotohanan, at handaang umaksyon ukol sa pagkukulang dito. At para dito, ginamit nila ang pinakamabuting pamamaraan na siyang nalalaman nila, ang “Experimental Theater.” Sinubukan nilang gamitin ang teatro bilang instrumentong magpapamulat sa mga kamag-aral nilang kung minsan ay walang malay, at mas kadalasan pa ay walang pakialam.  

Sa ganoong pagkakataon nabuo ang sosyal, sosyo-pulitikal, at pulitikal na papanalig ng grupo.

At kahit matapos mapalayas ang diktatoryang pamahalaan noong Rebolusyon ng 1986, ipinagpatuloy a rin ng pangkat ang ganyong pamamalakad. Sinikap nitong malunasan ang karamdamang intelektuwal ng elitistang Atenista. Simple lamang ang nais nila: ang pagsadula ng panlipunang mga katotohanan na kadalasan ay hindi kinikilala ng mga Atenista.

 

Sa paglipas ng mga taon, nagpatuloy ang ebolusyon ng grupo tungo pa rrin sa pagsasatupad ng simpleng hangaring iyon, at gamit pa rin ang “experimental theater.”Pormal nilang iniwan ang ngalang hiniram mula sa AET, at pinalitan ito ng ENTABLADO noong 1990. Ang mukhang galit ay idinagdagsa mukhang tawa at iyak (mga tradisyonal na maskara ng teatro) upang maipakita ang sosyal na dimensyon ng Entablado: ang makakita ng kasamaan sa lipunan, ang mramdaman ang poot sa gayong sitwasyon upang magnais at pagsikapan ang pagbabago.  

Noong 1992, nabigyan ng mas malalim pang kahuluhan ang ngalang ENTABLADO, bilang Enterteyment para sa Tao, Bayan, Lansangan, at DiyOs.

Noong 1994, lumawak pa ang pagiging exsperimental na grupo ng Entablado sa pagpapalabas nito ng kauna-unahang “choose your own adventure” na dula sa Pilipinas (Sangandaan), isang natatanging pamamaraan na siyang mga manonood ang mamimili ng mga panyayaring magaganap sa kuwento.

Taong 1995  naman nang mabigyan ng pagkakataon ng grupo upang makapagpalabas ng isang “full length” na dula sa pagtatanghal nila ng Maynila, “Sa Mga Kuko ng Liwanag”; isang dula na hango sa nobela ni Edgardo Reyes. At noong taong iyon, tuluyang lumusong ang mga miyembro ng Entablado sa kinalang kakayahan sa pagpapalabas, sa unang pagsubok ng grupo sa isang musikal na dula sa “Siklo,” na ipinalabas kasabay ng “Sangandaan II” ( ang ikalawang pagpapalabas ng  grupo sa “choose your own adventure” na paraan). Ito ang siyang unang pagkakataong nakapagpalabas ang Entablado ng dalawang malaking produksyon sa iisang taon- isang patunay ng tuluyang paglawak ng kakayahan at potensyal sa pagiging teatrikong organisasyon ng grupo.

At noong 1996, bilang pakikiisa sa Centenial Celebration ng Philippine Revolution, inihandog ng Entablado ang “Agnas Sa Laman”, isang makabagong dula na hango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Ang dulang ito  ay binigyan ng COA ng parangal bilang isa sa mga  “Outstanding Projects of the Year”, at nakatanggap rin ng gantimpala mula sa Dean’s Awards bilang “Outstanding Project for Service and Excellence.”

 Sa taong ito, natanggap ng Entablado ang “Outstanding Organization Award” mula rin sa COA.Ngunit tulad ng dati, ang lahat ng ito ay simula pa lamang.

Isa pang malaking pagtataya ang ginawa ng ENTABLADo nang magsimula ang taong 1997. Tinangka ng organisasyon na  ibahagi ang kaunting kasiyahan at kaalaman ukol sa teatro sa MOLDA ng Project 4, Ministry of Liturgical Drama and Arts, isang munting grupo ng kabataang isinasadula ang mga homilya sa kanilang simbahan. 

Nakita ang mga bunga ng pagtatayang ito nang mahiyakat na maisama ang ilang mga batang MOLDA sa produksiyon ng ENTABLADO ng “Paano Kung?,” na nagbigay saya naman di lamang sa kabataan ng MOLDA kundi pati na rin sa mga kabataan ng iba pang mga Socially Oriented Activities (SOA) na inanyayahang manood.Sapagkat tuluyan pa ring lumalawak ang kakayahan ng grupo sa sining ng teatro, at buhay. Sapagkat nagsisikap pa rin ang pamilya ng Entablado na manatiling mulat sa mga pagkakataon upang isadula ang katotohanang nakikita nila sa lipunan. Sapagkat nananatili pa ring tapat ang mga miyembro sa layunin ng organisasyon ang ipaalala ang napipintong pagkawasak ng ating lipunan kung tayong lahat ay magpapabaya.

            Nawa ay samahan ninyo kami sa panibagong simulain na ito…”

                                 MGA NATAMONG KARANGALAN



back to top