![]() |
WebPage for Pinoy |
Naghahanap ba kayo ng Website na tutulong sa pangangalaga ng espiritual na buhay? Nais ba ninyong makapanood o makapakinig ng mga Programang Katoliko sa internet? Nais ba ninyong may gumabay sa inyo sa pag-aaral ng doktrina ng Simbahang Katolika? Ang Website ng EWTN (Eternal Word Televison Network) ay may maraming importanteng impormasyon para sa atin. |
![]() |
![]() |
![]() |
Sa Multimedia Section, mayroong mga link tulad ng Live Audio live television webcast ng EWTN. May mga broadcast ng mga mahahalagang balita, mga programang nakakatulong sa ating espiritual na buhay at mga programang nagdadagdag ng kaalaman tungkol sa pananampalataya. Mahalaga din ang link na ito dahil binobroadcast din nito ang Misa sa internet. |
Ang Library Section, ay nahahati sa dalawa. Ito ay ang Document Library at ang Audio Library . Napakaganda ng mga nilalaman ng Audio Library. Dito maririnig ang iba't ibang programa na pinapalabas ng EWTN sa Cable Television. Karamihan sa mga Program Series na ito ay binubuo ng 13 na programa. Ang ilan sa mga magagandang programa na ito ay "First Comes Love", "Hail Holy Queen", "Our Father's Plan","The Lamb's Supper: The Mass and the Apocalypse". Ang mga programang ito ay siguradong makapagbibigay kaunawaan sa pananampalataya ng bawat Katoliko upang lalo itong maunawaan at makatulong sa paglilinaw para sa mga kaibigan natin sa ibang relihiyon. |
Sinasagot naman ng Catholic Q & A ang mga tanong tungkol sa Iglesia Katolika. Nakagrupo ang mga tanong para madaling mahanap ng mambabasa ang mga hinahanap nilang kasagutan na binibigay ng mga tao sa EWTN |
![]() |
![]() |