Mga Kahilingan sa ating Ina

Petitions to Our Mother of Perpetual Help
(Nobena sa wikang Ingles)

Mga Kahilingan sa ating
Ina ng Laging Saklolo



Santa Maria

---------------Ipanalangin mo kami
Santang Birhen na
ipinaglihing walang kasalanan


---------------Ipanalangin mo kami
Aming Ina ng Laging Saklolo

---------------Ipanalangin mo kami
Kaming makasalan ay tumatawag sa iyo


---------- Masintahing Ina, tulungan mo kami

Sa panahon ng Adbiyento:


Upang paghandaan naming katulad Mo ang pagdating ni Kristo.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Sa panahon ng Kapaskuhan:


Upang lubos naming ibigay ang aming puso kay Kristo sa paskong ito.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami




Sa panahon ng Kuaresma:


Upang maging tapat kami sa mga ipinangako namin ng kami'y binyagan.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami




Sa panahon ng Muling Pagkabuhay:


Upang kasama mong ipagdiwang namin ang tagumpay ni Kristo sa kasalanan at kamatayan.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami




Iba-ibang mga Linggo:




Upang mapuno kami ng Espiritu Santo at maging mga magigiting na saksi sa pagmamahal ni Kristo sa tao.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang katulad mo, ay unti-unti kaming matulad sa aming mahal na Panginoon.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang kami'y maging mapagpaumanhin at mapagkumbaba katulad ng inyong Anak na si Jesus.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang kami'y matakot na lubusang masira ang pakikipagkaibigan ng Diyos sa amin dahil sa ayaw naming pagsisihang kasalanan

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang lagi naming sikaping matamo ang awa at patawad ng Diyos sa Sakramento ng Kumpisal.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang maunawaan namin na kami' tinuturuan ng Diyos sa pamamagitan ng mga panyayari sa araw araw na pamumuhay.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang manalangin kami araw-araw na may pagmamahal at patitiwala, lalo na sa mga sandali ng tukso.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang maunawaan namin ang halaga ng sama-samang pagsamba sa Diyos sa Eukaristiya.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang patuloy na mag-alab ang aming pag-ibig kay Kristo at sa kapuwa sa pamamagitan ng malimit na pagtanggap ng Banal na Komunyon.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang igalang namin ang aming katawan bilang mga templo ng Espiritu Santo.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang magsikap kaming maging tunay na mga Kristiyano sa pamamagitan ng mapagmahal na pagmamalasakit sa iba.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang ipahayag naming ang dangal ng trabaho sa pamamagitan ng katapatan sa aming mga gawain.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang buong puso naming patawarin ang mga nakagawa sa aming ng masama.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang maunawaan namin ang kasamaan ng paghahangad sa sariling kapakanan na makakapinsala sa iba.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang tumulong kami na ipamahagi ang kayamanan ng mundong ito alinsunod sa katarungan.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang gamitin namin ang aming mga kakayahan para sa ikabubuti ng iba.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang tanggapin namin ang aming pananagutan sa lipunan ayon sa diwa ng tunay na paglilingkod.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang idalangin namin na patnubayan at patatagin ng Espiritu Santo ang loob ng Santo Papa, ng mga obispo at mga pari.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang pagkalooban kami ng Panginoon ng maraming mga kabataan na may hilig na magpari, mag-ermano at magmadre.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang matulungan naming kilalanin at mahalin si Kristo ng mga hindi pa nakakakilala sa kanya.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang maunawaan namin na sa gitna ng aming mga tagumpay, kami ay nangangailang pa rin ng tulong ng Diyos.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang sa kamatayan ay maging handa kaming pumasok sa tahanan ng aming Ama sa langit.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang mamatay kaming kaibigan ni Kristo at na aming Kapuwa.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang pagdating ng kamatayan sa aming mga minamahal sa buhay kami sana'y aliwin ng aming pag asa sa Panginoong muling nabuhay.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



Upang idalangin namin na ang mga yumao ay makinabang agad sa muling pagkabuhay ng iyong Anak.

---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami



( tahimik nating idalangin ang ating mga hangarin.............. )



Lahat:

Sta. Maria, * tulungan mo kami sa aming pangangailangan, ipanalangin mo ang bayan ng Diyos, * maranasan nawa ng lahat * ang iyong walang hanggang saklolo.


Pari:

Panginoon, * ibinigay mo sa amin si Maria * upang maging Ina namin na laging handang dumamay sa amin. Loobin mo nawa na dumulog kami sa kanya * sa lahat ng aming pangangailangan.


Lahat:

AMEN


Panalangin sa Nobena
at ang
Panalangin para sa Tahanan

susunod na pahina

Pag-aalay ng sarili sa ating Ina ng Laging Saklolo
(sasambitin sa Unang Miyerkoles ng buwan)

susunod na pahina

Birheng Mahal
susunod na pahina




Panmbungad na awit at panalangin | Birheng Maria, Tala sa Umaga
Panalangin sa Nobena at para sa Tahanan | Mga kahilingan sa ating Ina ng Laging Saklolo
Pag-aalay sa Ating Ina ng Laging Saklolo | Birheng Mahal | Handog na Tagapagligtas at Pasasalamat
Panalanging para sa may mga sakit | Sambahin natin ang Panginoon | Benediksyon | Pagpupuri
Aba Ginoong Maria | Personal na Debosyon | Ang mga Redentorista sa Pilipinas