Buhay
ay kay tamis, sa sariling bayan,
Doon ang lahat nay ating kaibigan.
Simoy nitong bangin, mula kaparangan,
Nagpapasariwa sa kalikasan.
Mainit
na halik, naroon sa labi,
Ng irog na inang, siyang kumakandili.
Yakap ng ligaya, yakap ng pighati,
Init ng dibdib niyay paraisong lagi.
Inang
bayang mahal, di ka iiwanan,
Ningas ng yong ilaw walang kamatayan.
Sukdulang ialay itong aking buhay,
Aalagaan ko iyong kalayaan.
Tamis
nang mamatay, nang dahil sa bayan,
Araw ay sisikat sa gawing silangan.
Bandila ng laya, dapat iwagayway,
Bandila ng tapang at kabayanihan.