Hgeocities.com/jxbnep/beloved_pope.htmgeocities.com/jxbnep/beloved_pope.htm.delayedx}JŝNOKtext/htmlNb.HFri, 15 Apr 2005 03:53:11 GMT"Mozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, *}JN John Xavier B. Nepomuceno Online - Year 2005 - A tribute to Pope JOHN PAUL II

 

 

Salamat po Padre Karol Wojtyla (1920-2005)


Few of Pope John Paul II's statements

Following are sent via SMS to all of JXBNep's friends listed in his phonebook

 

Sa ating siglo, ang sementeryo ng mga biktima buhat sa pagmamalupit ng mga tao ay malawak, saklaw maging ang isa pang laganap na sementeryo, yaong sa mga 'di isinilang. --Pope John Paul II. May Pope John Paul II serve as an inspiration in strengthening our faith to God.

 

Humahalik ako sa lupa na wari'y humahalik sa kamay ng isang ina, pagkat ang lupang sinilangan ay ang lupang mapagkupkop. Itinuturing kong aking katungkulan na makabahagi ang aking mga kapatid sa mga mapanganyaya at mapaghamong sandali. --Santo Padre Juan Pablo Segundo  

 

Ang pagdadahilan ay higit na malala sa pgsisinungaling. Pagkat ang pagdadahilan ay pinagtitibay ng kasinungalingan. --Pope John Paul II  

  

2 maintain a joyful fmily requirs much frm both d parents & d chldrn.Each mmbr of d fmily has 2 bcom,n a spcial way,d srvant of d othrs. --PopeJohnPaul II

 

When you wonder about the mystery of yourself, look to Christ, who gives you the meaning of life. When you wonder what it means to be a mature person, look to Christ, who is the fulfillness of humanity. And when you wonder about your role in the future of the world, look to Christ. --Pope JOHN PAUL II. Let us pray for Pope's holy soul. Good day!

 

Pinagkunan/Pinagbatayan

http://www.brainyquote.com/


Dalamhati ng Naic para kay Pope John Paul II

JXBNep, Abril 08, 2005; updated: Abril 10, 2005

 

Nitong taon, makailang ulit na na-ospital ang Santo Papa Juan Pablo II. Sa likod nito, kagaya ng sambayanang Kristiyano sa buong mundo, patuloy ang Parokya ng Naic sa pananalangin para sa Mahal na Padre. Kasunod nito, ang nagdaang linggo bago ang pagpanaw ng Papa, inantabayanan na ng madla ang lagay niya sa pamamagitan ng mga balita sa pahayagan, radyo at telebisyon.

 

Ika-3 ng Abril, maaga pa ay lumaganap na sa Naic ang balita mula sa syudad ng Vaticano sa Italya. Sa bilis na dala ng teknolohiya, mabilis na nasaksihan sa cable television networks, pambansang mga istasyon ng radyo at telebisyon, at internet, kaagapay na rin ang cellphone at text messaging, ang mga pinakahuling balita sa pagpanaw ng Papa (yumao ang Papa ika-2 ng Abril, Sabado, sa oras na 9:37ng sa Vatican; o ika-3 ng Abril, Linggo,  sa oras na 3:37nu sa Pilipinas).

 

Marami ang nalungkot at nakaramdam ng pangungulila sa pagpanaw ng Papa. Gayunman, ang pananalig na kapiling na niya ang Lumikha sa kalangitan ay ang siyang pumapayapa sa kalooban ng mga debotong Katoliko.

 

Samantala, ang ilan ay hindi naman naiwasang iugnay sa sa pagkamatay ng Papa ang isang saglit na paglindol noong Linggo, naganap ilang minuto bago mag-ika-10nu. Sa pag-usad ng mga araw, sa ilan pang balitang lumabas, naging laman din ng usapan ang naganap na eklipse sa araw ng kapanganakan ng Papa, at sa eklipseng magaganap sa araw ng kanyang libing.
 

Bilang pagpupugay, inilahad ng kura ng Parokya ng Naic, Fr. Nonilon Tibayan, ang ilang kaalaman sa buhay ni Papa Juan Pablo II sa mga misa noong Linggo, kamamatay pa lamang ng huli. Kaugnay nito, naglagay rin ng larawan ng Santo Papa sa unahan ng simbahan, sa harap ng altar, na naaalayan ng bulaklak, at maaaring sulyapan at dasalan ng mga nagsisimba. Ang larawang ginamit ay may kasama pang pasada mula sa isinulat ng Papa na "Evangelium Vitae," higit na kilala bilang "The Gospel of Life" noong Marso 25, 1995.

 

Bahagi pa rin ng pagdadalamhati, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Gloria Arroyo, ini-half-mast ang lahat ng bandila sa bayan--mga paaralan, tanggapan ng pamahalaan at iba pang lugar simula noong ika-4 ng Abril, Lunes, hanggang sa mailibing ang Papa. Halos araw-araw ring nakibahagi ang bayan sa mga kaganapan sa tulong at sa piling ng media at pahayagan.

 

Ika-8 ng Abril, Biyernes, ika-4nh (oras sa Pilipinas), marami sa mga Naicqueo, kasama hindi lamang ang mga Pilipino, kundi ang bilyong tao sa buong mundo, ang tumutok sa telebisyon at radyo upang live na masaksihan ang mga kaganapan sa libing ng Papa sa Vatican. Sa pamamagitan ng Vatican TV na inere ng mga pangunahing istasyon at cable televisions, nasaksihan at nakaisa ang sambayanang Naicqueo sa makasaysayan at banal na gawaing paglilibing sa Santo Papa. 

 

Sa ikalawang araw tungo sa ika-9 na araw mula nang ilibing ang Santo Papa, sa pan-Linggong misa sa Parokya ng Naic, inawit ang pangunahing himno noong 1995 World Youth Day, "Tell the World of His Love." Ang pagpapatugtog at pag-awit ay isanagawa pagkakatapos ng misa, sa pamumuno na rin ni Fr. Tibayan. Kasunod nito, nag-alay rin ng panalangin at palakpakan bilang pag-alala at pasasalamat kay Pope John Paul II. 

 

Mga Sanggunian

"Pope John Paul II Lying in State (caption of main cut)." Manila Bulletin, The Nation's Leading Newspaper. (April 5, 2005): Frontpage.

"Evangelium Vitae," http://www.vatican.va


Pope John Paul II: our Pope, my Pope...

JXBNep, Abril 08, 2005

 

I was just finding it weird that though I am really exerting effort, doing almost all the possible way in order to be a good follower and servant of God and Christ, here I am and almost neglecting the greatest leader of our Church, Pope John Paul II.

 

Wala ako nang gayong pagsubaybay kay Pope. Well, I know him as our Pope. Kinikilala ko rin ang role niya sa Simbahang Katoliko, iyon nga lang, para lang kasing kulang siya sa participation sa buhay ko. BTW, may isa akong natatandaang ecent na perhaps, iko-connect ako sa World Youth Day last 1995. Kung hindi ako nagkakamali sa mga natatandaan ko, I was Grade IV then nang magkaroon ng malaking event sa Naic. Young students like me before from different elementary schools sa District I-Naic were selected and asked to have this presentation. 'Yung bawat isa sa amin ay ire-represent ang mga icon or popular persona ng lipunan. So I introduced myself as a senator. Then I stated my role, then ganun lang din bawat isa hanggang sa natapos. Then where's the connection? After kasi noong presentation ng bawat student, we joined hand-in-hand and we sang the theme of World Youth Day noon dito sa RP. 'Yung "For God so love the world...."

 

Lately, I had this "time" para mapagtuunan si Pope. I'm proud 'pag naririnig ko 'yung news na si Pope nag-comment sa nangyayari sa Pilipinas (e.g., pinatitigil niya ang death penalty kay GMA, etc, etc). Kasi 'di ba, from a Pope na nasa Vatican... parang hindi ko kasi nakakalog ang utak ko na yes, may role at duty si Pope sa Pilipinas, first Christian nation sa Asya, third largest Christian nation sa mundo. 

 

Pero mababaw pa rin ang tingin ko sa papel ni Pope sa aking spiritual life. I have this strong tendency rin kasi to set my perspective sa mga bagay-bagay in historical point of view. Sometimes, nagiging bato ako that I just try to let things happen, I'm an observer dahil "historian" ako. Naalala ko tuloy ang Religion class ko on Social Analysis... that mali raw ang kantang "God is watching us..." for in reality, "God participates amongst us."

 

Hanggang sa nangyari na nga. Kagagaling ko lang sa immersion. Since tila hindi pinagtutuunan ng pansin ang balita sa pinanggalingan ko (wala kasing permanent supply of electricity rin doon), 10am na halos, dito sa bahay ko na lang nalaman na patay na si Pope John Paul. Pero sa immersion, narinig kong inatake siya sa puso.

 

Ugali ko na kasing tumutok sa lahat ng possible sources ng information kung may malalaking balita. Kaya araw-araw akong nakababad sa internet at TV para ma-update sa nangyayari sa Vatican at sa related stories sa iba't ibang bahagi ng mundo. Until suddenly, I just realized how great Pope John Paul II was. I felt his holiness and kindness. Naramdaman ko ang sinasabi ng marami na parang nakakasama mo na rin si God sa piling ni Pope. By just looking on Pope's photos, kahit nung patay na siya, talagang naramdaman ko... God is working in mysterious way. Then I realized kung gaano katotoo ang sinabi ni Archbishop Gaudencio Rosales, na tipong from time-to-time, God is sending people talaga, like Pope John Paul II, para magkaisa ang bayan, ang mundo. I also tried to chose those timely statements pa rin na nasabi na ni Pope sa mga speeches, encyclicals and other releases niya.

 

Nga pala, I would just want to comment. Para yatang ang dry or so cold naman ng Cavite sa pagtugon sa kamatayan ni Pope. I don't know rin cause I haven't heard the side of the Church. Hindi ko rin lang alam din ang nangyayari sa Imus. Or perhaps, I was just looking for a media hype about Cavite. But at least, dito sa Naic, kahit papaano eh may photo ni Pope na naka-display. At isa pa, dito sa Naic, para bang people are not that affected. I don't know uli. I didn't get the chance to go out para pulsuhan ang bayan. Or again, perhaps na naman, I was just expecting for a response na gaya ng mga nagsisipunta sa Vatican or Luneta.

 

Then I found it great na malagyan ng matinding spiritual zeal ang pagsubaybay ko sa pagkamatay ni Pope. At sa totoo lang, I found an inspiration in him. At least, I can have a new model on how to become kinder, nicer, wiser, and brighter. Kagabi pa lang, I decided na to go to church ngayong umaga. Maaga akong gumising at naghanda to attend the 6am mass sa simbahan. Inalay ko ang misang 'yon sa huling yugto ni Pope sa mundong ito--though I know, and it shall happen, that his memories will forever be relive in our hearts. Then after the mass, I prayed the rosary, on Sorrowful Mysteries.

On Pope to God's grace

John Xavier Nepomuceno

April 10, 2005

  

Wars are not yet over

Battles happen everywhere

Imperialism is still there

 

Politics does corrupting

Poverty really is worsening

Poor people are suffering

 

Power makes division

Taller walls, not cohesion

More on personal is the mission

 

People are in trouble

Each nation seems do gamble

The world is weak, and may fall

 

Earthquakes may come, 

   eclipse go... go!

Be more dramatic on nature's flow

On our Pope's death, 

   go peace and grow

Let this moment heal, 

   and ease our world's sorrow...

note on this poem


For Naicqueos:

Ang inyong pagpapadala ng reaksyon, saloobin, o anumang pahayag ukol sa pagpanaw ng mahal na Santo Papa ay makatutulong upang maitala ang mas malawak na saloobin ng bayan ukol sa nasabing usapin. Mangyaring iliham po ito sa:

jxbnep@yahoo.com. Salamat po.


GUESTBOOK

 

 

 

       

 

 

[balik sa Homepage]

  


Home | My Personals | Naic in Focus | Online Homilies | My Literature | Miscellaneous | Forum Naicqueos  

JXBNep on Blog | Outreach Online | About this Site | Comment | Guestbook

jxbnep online 2005 2001 - 14th Version