H geocities.com /jxbnep/litarch1.htm geocities.com/jxbnep/litarch1.htm .delayed x }J ŝ !# OK text/html `j !# b.H Sun, 06 Feb 2005 10:47:49 GMT ) Mozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98) en, * }J !#
Pamagat: Ulan sa Puso
Uri: Tagalog na Tula (may sukat at tugma)
Petsa nang isulat: Enero 3, 2005
Lugar nang isulat: Naic, Cavite
Nu'ng munti pang bata, ang aking akala
Kapag umuulan, buong mundo'y basa
Kung dito'y kumulog, lahat nabibigla
At sa kidlat naman, saksi buong lupa
Ngunit napagtanto maling paniniwala
Napag-alaman ko kalikasang likha
Dito ma'y bumagyo, lumindol, bumaha
Mayro'n din sa mundong maaraw, payapa
Ngayon puso nga'y may pighati't lumbay
Sa hirap ba nito, lahat ay karamay?
Sugat bang natamo, dama nilang tunay?
At sa pagluha ba, mayro'ng kaagapay?
Turo ng panahon, maging karanasan
Ang bawat puso ay mayro'ng kakanyahan
Sumasabog man o nagngangalit na 'yan
Hiwaga nito'y 'di mauunawaan
Ilang tala ukol rito:
Ito ang pinakauna kong tula for 2005. Una kong nabuo ang idea nito sa isang episode ng Oprah. Sa Book Club ni Oprah, may book na ganito ang thought, "There's something in everyone's heart that nobody else can understand." Tapos binalak kong gumawa ng short story. Nakuha ko 'yung idea na kunwari ay may ulan effect sa simula at ending ng kwento. Pero dahil sa nahihirapan akong mag-conceptualize ng isang buong short story, ginawan ko na lang "muna" ng tula.
Ukol sa Artikulong Ito...