H geocities.com /jxbnep/litarch9.htm geocities.com/jxbnep/litarch9.htm .delayed x }J ŝ # OK text/html # b.H Mon, 21 Mar 2005 08:28:54 GMT 2 Mozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98) en, * }J #
Pamagat: Panaginip ng Gising
Uri: Tagalog na Tula (malaya pang taludturan)
Petsa nang isulat: Marso 18, 2005
Lugar nang isulat: Naic, Cavite
Nakikita ko na naman ang 'yong mga mata
Ang bawat titig mo'y nakapanghahalina
Sinong 'di maakit sa 'yong mga ngiti
Hulog ka ng langit sa gabing lugami
Ang kutis mong bulak sa paningin
Sadya at totoong nakatutuksong damhin
Ang mga kamay mong wari nga ay garing
Hangad sanang hawakan nito namang sa 'kin
Nimfa ka sa gabing mapanglaw
Natutulog kong diwa'y iyong pinupukaw
D'yosa ka rin namang maituturing
Salamat sa iyong pagdalaw sa akin
Ang makasalo ka'y aking kahilingan
Nais ko'y karamay sa 'king kalungkutan
Sabihin mang ako'y wala sa katinuan
Maging ikaw sana 'tong yakap kong unan
Ilang tala ukol rito:
I was able to write some poems din nitong mga nagdadaang araw. Pero ito ang pinakanagustuhan ko sa lahat. Madaling araw ko 'to nagawa I think. Tapos, marami basta 'tong mga kasamahan. I'll see later, kasi if you'll notice, I put sa type nito na hindi "malayang taludturan," kundi "malaya pang taludturan." I'll practice pa rin kung kapag binabasa ba siya eh humihimig or kailangan kong i-edit at magbaklas ng ilang salita para maging "may sukat at bilang" na siya. Tapos I used structuralism din dito. Kasi sa first at third stanza, ang unang dalawang linya at huling dalawang linya ay magkatugma, tapos sa ikalawa at huling saknong, magka-rhyme lahat ng huling salita sa bawat linya. Basta natutuwa ako dahil gusto ko 'yung concept nito. Medyo nahirapan ako sa ending kasi gusto ko talaga, lalabas na 'yung unang yakap ko, siya na 'yon. Tapos ang nangyari, naging wishful thinking siya na sana, maging siya ang unan. It's hard to explain but I guess I was able to explain it. LOLZ! Basta 'yan 'yan.
Ukol sa Artikulong Ito...