H geocities.com /jxbnep/proarch8.htm geocities.com/jxbnep/proarch8.htm .delayed x ~J ŝ q0 OK text/html q0 b.H Fri, 08 Apr 2005 17:59:37 GMT = Mozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98) en, * ~J q0
And now I'm starting over again...
Marso 21, 2005
Tapos na! Tapos ang paghihiwalay ng impyerno at langit! Kung tunay ngang may purgatoryo, siguro, nandon ako... Bakit kamo?
Wala lang. Ito kasi ang pakiramdam ko. After those tiring, haggard, laborious at kung anu-ano pang hirap na inabot ko last sem, at least, tapos na. I'm now conditioning myself to focus on a new horizon. Actually, luma na rin kaso pinagtitibay ko lang ang determination ko na dapat, ngayong summer vacation, matapos na siya. Nandito ang ilan sa pangarap kong ma-accomplish:
1. Gusto kong matapos na ang KASAYSAYAN NG NAIC na sinusulat ko--Panginoon, 1998 pa po ako nagsimula. Basta, I'll do my best to finish this.
2. Sana ay magawa ko ang COLLECTION OF LITERARY pieces ko. Gusto ko kasing mapagsama-sama ang lahat ng naitago at mabubungkal ko pa sa mga baul kong tula, maiksing kwento, sanaysay, speech, scripts, articles, novels, reviews, at kung anu-ano pang naisulat ko. I'll edit all of these then pagsasama-samahin ko siya sa isang bind.
Iyan, ang unti lang naman pala ng gusto kong gawin ngayong bakasyon eh. Pero try to imagine na sa number 1, babasahin ko na naman lahat ng resources at references ko--books, polyetos, newspapers etc.--bukod pa ang mga panibagong researches, interviews at views. Tapos sa number 2, ilan 'tong i-e-edit ko. Pero excited na ako. For me, 'pag nasimulan ko na 'tp, iyan na ang langit--wellness of life, kingdom of God!
Pero bakasyon na nga, pero hindi pa rin totally. Hindi pa ako ganap na makapagsimula dahil may ilang kailangan pa akong i-attend to, gawin or puntahan:
1. Psychological Exam for Heraldo Filipino. Kasi lahat ng nag-take ng editorial board exam, kailangang mag-Psych test. Sa March 22 na 'to. Then I'm not sure kung sa day na 'to kami susukatan for HF jacket namin.
2. Kuhanan ng classcard. Sa Monday na 'to, March 28. Sana lang wala akong uno--lalo na sa economics. Hehe.
3. OVERNIGHT SWIMMING. After classcard, nalak ng block naming mag-swimming. Eh iyon, I'm still unsure dahil magla-lapse 'to sa immersion. I don't know. But I really wanna join!
4. IMMERSION. Pangarap kong makapunta talaga sa isang immersion. Now is the chance! From March 29 until I don't know, siguro 4-5 days 'to, may immersion ang Lasallian Community Development Center sa Patungan, Maragondon. Gusto kong sumama. But there are considerations akong sinusukat. I'm not yet sure dito.
5. GENERAL CLEANING NG BAHAY. Simula yata nang mag-last sem, hindi na luminis ang bahay namin--ang liit-liit na nga. Kasi, ako lang ang naglilinis talaga ng todo. 'Yung tipong aakyat sa pinakasulok ng kisame, ibabaligtad ang mga kama at aparador, pupunasan ultimo pinakasuluk-sulukang parte ng mga muwebles at kung anu-ano pa. I'll see kung makakapag-halaman ako, then aayusin ko uli ang aquarium ko.
Ayan, okay naman 'di ba? Right after nung last day ng exam, Sabado na, pinakauna kong ginawa eh inayos ang lahat ng papel ko na nagamit last sem. Take note, as in buong araw akong nagganito. I was able to have this 8 reams of papers. Nasabi ko na 'to one time, hinihiwa-hiwalay ko kasi ang mga papel: may pwede pang mapag-printan 'yung kabilang side; merong malinis nga ang kabilang side pero 'di na pwedeng maprintan; may 3/4 na madumi, tipong 1/2 crosswise na lang ang malinis; may totally junked na wala nang pag-asa; at 'yung colored papers; at strips at pilas-pilas na papel.
Later naman suguro, aayusin ko ang damitan ko. Basta iyan, I'm sure hindi naman ako mabo-bore ngayong bakasyon. Basta lumang gawain na rin ang mga 'to, it's just that, I'm starting over again... tama ba 'yun? LOLZ!
Ukol sa Artikulong Ito...