Hgeocities.com/jxbnep/rel15.htmgeocities.com/jxbnep/rel15.htm.delayedx!~Jŝ$OKtext/htmlp!$b.HFri, 08 Apr 2005 17:59:37 GMTHMozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, * ~J$ John Xavier B. Nepomuceno Online - Year 2005 - Archive (Online Homilies)

 

  

Petsa: Abril 03, 2005

Simbahan: Diocesan Shrine of Immaculate Concepcion, Naic, Cavite

Pari: Fr. Nonilon Tibayan

Oras ng Misa: 4:00pm-5:00pm

Pamagat: Buhay si Hesus

Gospel: Juan 20:19-31

Paunawa: Ang sumusunod na pagninilay ay ang buod at pagkakaintindi lamang ng inyong lingkod sa homilya ng pari. Ang aking gamit ay batay na sa sariling interpretasyon.

 

Pagninilay

 

Sa Ebanghelyo po ay kapuna-puna kung paano ang iginawi ni Tomas. Kung babalikan ay makikita ipinakita ni Tomas ang bantog na sabing, "To see is to believe." Papaano, sinabi niyang mananampalataya lamang siyang buhay si Kristo kung maisusuot niya ang daliri sa butas ng kamay ni Hesus, at maisusuot niya ang kamay sa tagiliran ni Kristo.

 

Subalit hindi natin masisisi si Tomas sa gayong turan. Mangyari, nababalot siya ng labis na lumbay at ang tanging nakikita niya ay kamatayan.

 

Sa ating kasalukuyang panahon, hindi maikakaila o maitatatwa ang mga bagay na nangingibabaw. Sa nangyayari ay maitatanong din natin kung "si buhay nga ba si Hesus" sa atin?

 

Nariyan ang magulang na 'sumasakal' sa mga anak... hindi ito simbolo ng buhay, simbolo ito ng kamatayan.

 

Ang mga anak na lumalapastangan sa kanilang mga magulang... hindi ito simbolo ng buhay, simbolo ito ng kamatayan.

 

Ang may asawang nangangalunya! Hindi ito simbolo ng buhay, simbolo ito ng kamatayan.

 

Ang mga babaeng nagsasagawa ng abortion! Hindi ito simbolo ng buhay, simbolo ito ng kamatayan.

 

Ang mga hayok na nanggagahasa! Hindi ito simbolo ng buhay, simbolo ito ng kamatayan.

 

Ang mga taong pumapatay ng kapwa! Hindi ito simbolo ng buhay, simbolo ito ng kamatayan.

 

Ilan lamang ang mga ito sa kabi-kabilang krimen, kasalanan at kalapastanganang nagaganap. Ngayon, pababayaan na lamang ba natin ang simbolo ng kamatayang maghari sa ating lipunan? Mga kapatid, buhay si Kristo... makita nawa natin ito.

Ukol sa Artikulong Ito...

Magbigay Kumento | Pag-usapan sa Forum

 

[balik]