Hgeocities.com/jxbnep/rel3.htmgeocities.com/jxbnep/rel3.htm.delayedx)~J(OKtext/html(b.HSun, 06 Feb 2005 10:47:50 GMTOMozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, *(~J(

 

  

Petsa: Enero 16, 2005

Simbahan: Diocesan Shrine of Immaculate Concepcion, Naic, Cavite

Pari: Fr. Nonilon Tibayan

Oras ng Misa: 6:00am-7:00am

Pamagat: Pagpapalaki ng Bata

Gospel: Juan 8:21-36

Paunawa: Ang sumusunod na pagninilay ay ang buod at pagkakaintindi lamang ng inyong lingkod sa homilya ng pari. Ang aking gamit ay batay na sa sariling interpretasyon.

 

Pagninilay

 

Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Sto. Nio. Kaugnay nito, maiging pag-usapan natin ang tungkol sa mga bata.

 

Hindi po maikakailang masaya sa isang tahanan kapag mayroong bata. Liban na nga lamang kung may napakaraming bata sa isang bahay.

 

Samantala, ayon sa mga pag-aaral, partikular ng mga Sikolohista, pinaniniwalaang nasa loob pa lamang ng sinapupunan, nagsisimula na ang pundasyon ng magiging ugali ng isang bata. Ang panahon naman kung kailan kritikal ang pag-unlad at pagbuo ng ugali ng isang bata ay tumatagal hanggang lima o pitong taong gulang--depende kung kailan magsisimula ang bata sa pagpasok sa eskwela.

 

Kung sa gayon, napakalaking impluwensya pala ng pamilya at tahanan sa pundasyon ng bata. Napatunayang ang mga batang maagang nag-eskwela ay mababa ang galing pagdating sa "nonverbal communication." Hindi kasi ito nalilinang nang husto sa paaralan.

 

Gayong mahalaga at malaki ang epekto ng ugali ng bata sa paligid ng pamilya, malaki rin naman ang katungkulan ng mga magulang sa kanilang pagpapalaki ng mga anak.

 

Mayroon kasing mga magulang na ibinibigay na lamang ang gusto ng kanyang anak. Dahil sa takot o ayaw ng isang ina o amang masugatan o maghirap man lang ang anak, sila na ang gumagawa ng mga simpleng bagay na kung tutuusin ay kaya naman ng bata. Ang ganitong kasanayan ay hindi makatututlong bata sapagkat hindi siya magkakaroon ng "sense of self-reliance." Mawawalan siya ng tiwala sa sarili at mahihirapang tumindig sa sariling mga paa.

 

Mayroon din namang mga magulang na sumobra ang pagpapalayaw sa anak. Anumang magustuhan ng bata ay ibinibigay. Dahil dito, nagiging "spoiled brat" ang bata. Ilan sa mga sintomas ng pagiging spoiled ay ang madaling pag-iyak, pagdadabog, pagtatampo at mga kagaya.

 

Ang pagpapalaki ng anak o bata ay parang pagpapalipad lamang ng saranggola. May mga pagkakataong kailangang alagwahan o higpitan ang lubig upang mapaayos ang lipad nito. Gaya sa bata, dapat ay nasa husto ang pagpapalaki, nang sa pagdating ng panahon ay mapabuti.

 Ukol sa Artikulong Ito...

Magbigay Kumento | Pag-usapan sa Forum

 

[balik]