Hgeocities.com/jxbnep/rel4.htmgeocities.com/jxbnep/rel4.htm.delayedx)~JOKtext/htmlp!b.HSun, 06 Feb 2005 10:47:50 GMTPMozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, *)~J

 

  

Petsa: Enero 23, 2005

Simbahan: Diocesan Shrine of Immaculate Concepcion, Naic, Cavite

Pari: Fr. Nonilon Tibayan

Oras ng Misa: 6:00am-7:00am

Pamagat: Pagmamalasakit 

Gospel: Mateo 4:12-23

Paunawa: Ang sumusunod na pagninilay ay ang buod at pagkakaintindi lamang ng inyong lingkod sa homilya ng pari. Ang aking gamit ay batay na sa sariling interpretasyon.

 

Pagninilay

 

Ang atin pong Obispo, Bishop Tagle, ay nagpadala ng liham sa mga parokya. Siya ay nananawagan sa lahat ng nasasakupan ng Diocese ng Imus na suportahan ang ilang programa tungo sa mas maliwanag na buhay ng mga Caviteo, maging ng bawat Pilipino.

 

Sa ating kasalukuyang panahon, kung kailan halos nagkalat at naglipana na ang terorismo, krimen, sakit, masasamang-loob, at masasamang gawa, tila 'di yata ay nasa karimlan ang ating bayan. Ang ating lipunan ay napaghaharian ng madilim na takbo ng sistema at kultura. Nawa ay maging daan ang bawat isa sa atin tungo sa pagbabago. Gaya ni Hesus, maging liwanag nawa tayo ng ating bayan.

 

Isang programa ang "Pondo ng Pinoy" upang maiabot natin ang ating mga palad sa bawat nangangailangan. Sa pamamagitan nito, ang bawat isa sa atin ay maaaring magbigay ng 25 sentimos araw-araw. Sa ating parokyo, pormal mitong sisimulan sa ika-5 ng Pebrero. Mahalagang makita natin ang layunin nito, na sa araw-araw nating pagbibigay ng 25 sentimos, araw-araw din nating iniisip ang ating nangangailangang mga kababayan. Sabi nga, walang sobrang yaman na hindi maaaring tumanggap, at walang sobrang hirap na hindi maaaring magbigay.

 

Gaya nga ng sabi ng Arsobispo ng Maynila, Arsobispo Gaudencio Rosales, "Anumang magaling, kahit maliit, basta't malimit, patungo sa langit."

 Ukol sa Artikulong Ito...

Magbigay Kumento | Pag-usapan sa Forum

 

[balik]