Hgeocities.com/jxbnep/rel5.htmgeocities.com/jxbnep/rel5.htm.delayedx*~JsOKtext/htmlsb.HSun, 06 Feb 2005 10:47:50 GMTQMozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, **~Js

 

  

Petsa: Enero 27, 2005

Simbahan: Chapel, Charles Huang Conference Center - Nasugbu, Batangas

Pari: ---

Oras ng Misa: 9:00am-10:00am

Pamagat: Ang Liwanag 

Gospel: mula sa aklat ni Mark

Paunawa: Ang sumusunod na pagninilay ay ang buod at pagkakaintindi lamang ng inyong lingkod sa homilya ng pari. Ang aking gamit ay batay na sa sariling interpretasyon.

 

Pagninilay

 

Sa ka-ordinaryuhan ng liwanag sa ating pang-araw-araw na buhay, dala ng kuryente, karaniwan ay hindi na natin napapansin ang esensya ng kahalagahan nito. Madalas, naiisip na lamang natin ito kung nagba-brownout, o tayo'y nasasadlak sa dilim.

 

Samantala, karaniwan nang sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng lipunan, ang liwanag ng bayan. Subalit sa panahon ngayon, kung saan ang ating bansa ay nasa karimlan, mahalagang makita natin kung nasaan na ang mga liwanag.

 

Walang nagisisndi ng ilaw o kandila at ito ay inilalagay lamang sa ilalim ng lamesa, o isinisilid sa taguan--sapagkat nawawala ang saysay ng liwanag na taglay.

 

Sa gayong ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan, huwag nawa natin hayaang masayang ang ating talino, kakayahan at galing upang ang ating bayan ay magliwanag. Huwag natin hayaang tayo ay makain ng bulok na sistemang umiiral sa ating lipunan.

 Ukol sa Artikulong Ito...

Magbigay Kumento | Pag-usapan sa Forum

 

[balik]