Hgeocities.com/jxbnep/rel8.htmgeocities.com/jxbnep/rel8.htm.delayedx,~JOKtext/htmlp!b.HSun, 20 Feb 2005 11:16:54 GMTTMozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, *,~J John Xavier B. Nepomuceno Online - Year 2005 - Archive (Online Homilies)

 

  

Petsa: Pebrero 13, 2005

Simbahan: Diocesan Shrine of Immaculate Concepcion, Naic, Cavite

Pari: Fr. Nonilon Tibayan

Oras ng Misa: 6:00pm-7:00am

Pamagat: Paglayo sa Tukso

Gospel: Mateo 25:31-46

Paunawa: Ang sumusunod na pagninilay ay ang buod at pagkakaintindi lamang ng inyong lingkod sa homilya ng pari. Ang aking gamit ay batay na sa sariling interpretasyon.

 

Pagninilay

 

May mga pagkakataong ang temptasyon ay dumarating ating mga buhay. Sa sandaling tayo ay kumagat sa tuksong dumarating, tayo ay agad magkakasala. Samantala, ang tuksong ito ay hindi lamang yaong karaniwan nating naririnig na pakikiapid at mga kagaya, sapagkat ang anumang salang maliit ay maliwanag nang pagdalo sa anyaya ng tukso.

 

Kinakailangan nating maging mapayapa sa pagharap sa anumang suliranin o tuksong dumarating. Ang pagkakaroon natin ng kalmado at malinaw na pag-iisip ay magbibigay sa atin ng maayos na pananaw upang maiwasan at malampasan natin ang mga hain ng kasamaan. Madalas kasi, ang mga tukso ay dumarating sa anyong kaiga-igaya, na sa sandaling mapasok na ay magdudulot lamang ng sakit, dusa at kahiarapan.

 

Mahalagang sandata rin ang ating pananalangin upang tayo ay makaiwas sa tukso. Sa ating panalangin, higit tayong napalalapit sa Panginoon, at higit na naglilinaw ang atiing isip upang sa huli ay mamuhay tayo ng matuwid.

Ukol sa Artikulong Ito...

Magbigay Kumento | Pag-usapan sa Forum

 

[balik]