Hgeocities.com/jxbnep/religion.htmgeocities.com/jxbnep/religion.htm.delayedx.~J]VOKtext/htmlp!]Vb.HSun, 03 Jul 2005 13:39:21 GMTVMozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, *-~J]V John Xavier Nepomuceno Online, Year 2005 - Heraldo Naicqueno
 

           

 

    

A tribute page to our dear Pope John Paul II.

 

Guestbook

Sign or view my guestbook.

 

Share something about Naic. Help augment our local history. For anything, email: jxbnep@yahoo.com

ONLINE HOMILIES

 

Petsa: Hulyo 03, 2005

Simbahan: Diocesan Shrine of Immaculate Concepcion, Naic, Cavite

Pari: Fr. Nonilon Tibayan

Oras ng Misa: 4:00pm-5:00pm

Pamagat: Kahinahunan

Gospel: ---

Paunawa: Ang sumusunod na pagninilay ay ang buod at pagkakaintindi lamang ng inyong lingkod sa homilya ng  pari. Ang aking gamit ay batay na sa sariling interpretasyon.

 

Pagninilay

 

Ang kalakasan po ay nagmumula sa kahinahunan.

 

Mga kapatid, marami sa atin ang nag-aakalang ang sinumang gumagamit ng pisikal na lakas, armas o anumang pwersa laban sa kapwa ay silang higit na makapangyarihan. Samantalang yaong mahihinahon ay madalas na inaapi at sinasamantala.

 

Sa katotohanan, yaong gumagamit ng armas at pwersa ay silang higit na mahihina. Nagsisilbing sanggalang nila ang ganito upang ikubli ang kahinaan sa kanilang kalooban. Madalas pa, silang mga padalus-dalos naman ay silang malimit magkamali, samantalang ang mahihinahon at mapayapang nagsisipag-isip ay silang nasa matuwid.

 

Sa atin pong lipunan, laganap ang karahasan at sigalot. Sa panonood na lamang ng telebisyon, sinasabi sa isang pag-aaral na sa isang oras na pagharap sa TV, 30 iba't ibang klase ng karahasan na ang makikita. Maging katatawanan, cartoon, drama o iba pa--mula sa simpleng salita, hanggang sa matitinding batukan, armasan at patayan--may karahasan.

 

Sa isang inilahad sa Bibliya, kung saan isang babaeng nagkasala ang noon ay inaalipusta sa harap ni Kristo, handang batuhin hanggang sa mamatay ng maraming tao, si Kristo ay nanatiling kalmado. Hindi Siya naghusga, nagsabi ng masama o gumawa ng anumang mali. Sa paglalahad sa kanya ng mga tao hinggil sa kamalian at nararapat sa babae, nagsalita si Kristong kung sinuman sa mga tao ang walang kasalanan, mauna na sa pagpukol.

 

Ang atin pong lipunan sa kasalukuyan ay nahaharap sa matinding krisis--nasa gitna ng kontrobersya ang liderato ng bansa, kaugnay ang pulitika at ekonomiya. Sa ganitong yugto, marami ang tumatawag tungo sa karahasan. Ito po ang pagkakataon nating maging mapayapa. Gamitin natin ang wastong pagninilay, at kumilos ng may kahinahunan sa lahat ng bagay.


Petsa: Hunyo 26, 2005

Simbahan: Diocesan Shrine of Immaculate Concepcion, Naic, Cavite

Pari: Fr. Nonilon Tibayan

Oras ng Misa: 4:00pm-5:00pm

Pamagat: Pag-iingat ng Buhay

Gospel: ---

Paunawa: Ang sumusunod na pagninilay ay ang buod at pagkakaintindi lamang ng inyong lingkod sa homilya ng  pari. Ang aking gamit ay batay na sa sariling interpretasyon.

 

Pagninilay

 

Ang bawat tao ay may tinatawag pong instinct. Ang ganitong konsepto ay maiuugnay rin sa Law of Survival. Sapagkat ang bawat isa ay may kalikasang pabor tungo sa kaligtasan ng sarili, natural kung gayon na ang isang taong nasa bingit ng panganib ay iligtas ang kanyang sarili.

 

Halimbawa, ang isang taong nakitang mababagsakan siya ng isang bagay mula sa itaas ay agad na tatakbo palayo upang huwag mabagsakan.

 

Subalit kung pakikinggan ang sinabi ni Kristo, na sinumang nag-iingat sa kanyang buhay ay mawawalan nito, tila magkakaroon ng kalituhan. Ngunit huwag tayong magulumihanan. Kung atin pong pagninilayan, may kakayahan ang bawat isa sa atin upang lagpasan ang ating kalikasan. Kumbaga, we can go beyond our instincts.

 

Kung atin pong maaalala ang trahedya ng Pagoda sa Bulacan, kung saan daan-daan ang namatay sa ilog, isang bata ang noon ay naroon. Bagaman nakalangoy na siya upang mailigtas ang sarili, nang maalala naman ang kanyang kaibigan, muli siyang bumalik upang iligtas ito. Namatay siya subalit naligtas ang kanyang kaibigan.

 

Sa isang barkong papalubog naman na may byahe mula Cagayan, may apat na madreng bagaman suot na ang mga life vest, ay nagawa pang ibigay ang mga ito sa kapwa. Sa pangyayaring iyon ay nasawi ang mga madre.

 

Sa atin pong buhay, maraming pagkakataon upang lagpasan ang anumang dala ng kalikasan. Ang buhay na siyang pinakahigit nating maiaalay, mawala man dito sa lupa, ay mabubuhay magpasawalang hanggan sa piling ng ating Poong Maykapal.

     

 

ARCHIVE

 

*Ang Tsismis - Hunyo 19, 2005

*Kabanalan ng Lahat - Hunyo 12, 2005

*Pagtawag at Pagtugon - Hunyo 05, 2005

*Sambayanan - Mayo 22, 2005

*Pagpapatawad at Pagtanggap - Mayo 15, 2005

*Paghahanda sa Buhay-Langit - Mayo 08, 2005

*Pagmamahal at Pagsunod - Mayo 01, 2005

*Ang Daan - Abril 24, 2005

*Pastol - Abril 17, 2005

*Ang Salita at Gawa ni Hesus - Abril 10, 2005

*Buhay si Hesus - Abril 03, 2005

*Magalak Tayo't Magdiwang - Marso 27, 2005

*Tunay Nga Ba? - Marso 20, 2005

*Pagluha - Marso 13, 2005

*Pagtugon sa Uhaw - Pebrero 27, 2005

*Ang Tanging Huhusga - Pebrero 20, 2005

*Pag-ibig... pag-ibig - Pebrero 18, 2005

*Paglayo sa Tukso - Pebrero 13, 2005

*Asin at Ilaw - Pebrero 06, 2005

*Ang Minamahal ng Diyos - Enero 30, 2005

*Ang Liwanag - Enero 27, 2005

*Pagmamalasakit - Enero 23, 2005

*Pagpapalaki ng Bata - Enero 16, 2005

*Ang Sakrameno ng Binyag - Enero 09, 2005

*Mabuting Pakikipagkapwa - Enero 02, 2005