Kalayaan Mountaineering Group Kalayaaan Mountaineering Group

Who We Are

History Photos Org. Links Infos & BMC

 

 

The official site of the Kalayaan Mountaineering and Outdoor Group

                            

Si Pedro, minsang ninais makalanghap ng simoy ng mga puno, nangarap tumuntong sa mataas na maaliwalas na lugar. Nagsimulang panikin ang matayog na burol. Labing isang taon na siya, Caima Sipocot Camarines Norte, sa Bicol, umusbong ang udyok ng damdaming tumingala sa kalangitan, isang mababang lugar pa nga kung tutuusin, hindi makalimutang tagpo sa buhay niya na masilayan ang ganda ng ibaba. Ibabang luntian at bughaw sa dako pa roon, nanunuot sa balat ang lamig ng alastres ng hapon, sa maliit na bundok na pugad ng makakaliwang elemento ng lipunan. Si Ka Makoy humahangos at ibinabalita na bumaba na daw kami dahil  naadyan na daw ang mga “kasama” naming humihingi ng suporta sa mga taga nayon. Sinalubong kami ng Ka Miguel hangos at bitbit ang isang tuntungan ng kalabaw. Duon daw kami sumakay para mabilis ang pagbaba.

 

Ahh, ilang panahon na din yon. Maingay na sa kapatagan, mausok at magulo.  Nagsimula muling umikot ang imahinasyon duon sa mataas na lugar na pinuntahan ko, ang sabi ko sa sarili ko uulitin ko yun pag may pagkakataon.

 

Yes Mam, Yes Sir, Assignment, C.A.T. at P.E… High School na si Pedro, ala pa rin pagkakataon. Biglang nagsuot ng luntiang damit na may kalabaw sa dibdib si Pedro, aba’ Iskawt na pala siya. Muling bumalik sa kanyang alaala ang Sipocot. Napukaw muli ang kanyan isip ng sabihin ni Scout Master Quilatan na   “ o boys me tree planting tayo sa Barras Rizal, sino sino sasama”… Sa trenta pesos na baon araw-araw, nakapagipon ng pera para sa kamping..

 

Maingay ang mga siks bay siks na trak lulan ang mga batang “laging handa” kasama ako, ng biglang sumukal ang daan at tumambad ang halos kulay ugat na mga bahay. Hiwa hiwalay, sa unang tingin animo’y malalaking ugat, mga taong ang ikinabubuhay ay ang pag gawa ng uling.

 

 Tawanan sigawan at laro ang umalingaw-ngaw pagkatapos naming magtanim (nahulog pa nga ako sa bangin katatawa). Sa aming pagbabalik idinako ko ang aking atensyon sa kanang bahagi ng daanan, habag at tuwa ang aking naramdaman. Tuwa dahil sa kahit  papaano nakatira kami sa maayos na tahanan, habag sa dahilang may mga tao palang ganoon ang tindig sa mundo.

 

Hindi pa mahabang panahon at napalitan ng ROTC and CAT, sumibol ang isang organisasyon, lipas na ang mga araw ng Juan dela Cruz, Eraserheads na ang uso, cge lang ang bagtas sa animo walang puknat na pagod at hakbang,  pinilit makarating sa puntong kaya pang ihakbang ang mga paa. Wala na talagang sasarap sa pakiramdam ng ikaw ay yumuyuko sa kalaliman ng kapatagan habang ikaw ay nasa piling ng manipis na hangin. Ginugol ni Pedro and mga oras na andun siya sa itaas sa pag-iisip ng sagot kung hanggan kailan mananatili ang mga ganitong lugar sa mundo.

 

Sa tindig at tayog niya, sa kanyang karangalan at kakisigan sa bibig ng marami siya ang dakila, totoo nga, nasilayan ko din si Suplina at Kristalino.

 

Sa haligi ng pundasyon nagmistulang dominante ng tatlong kabayanan. Sa pangarap kumalinga ng kalikasan luha at pagod at dinanas ng iba. Sino nga ba sila?  Marahil hindi ko na kilala, yung mga nauna samin, marahil din namatay na ung iba sa pagtatangkang itawid sa kaitaasan ang kanilang nararamdaman.

 

Hindi lumingon si Pedro sa mga naiwan sa ibaba, nagpapa-alala ng isang matibay at buo ang loob sa kanyang mga huling hakbang bago lumagay sa tahimik. Hindi sa kalaunan simoy ng isang amoy pawis ang sumalubong kay Pedro, isang matandang lalaki na nakayapak, banaag mo sa mukha ang kahirapan at dama mo sa kanyang mga makakapal na palad ang hinagpis ng buhay, ‘san po ang tungo nyo’? diyan lang amang, manganghoy para pambili ng pagkain’ .. katahimikan ang sumunod..

 

Sila palang mga namahay sa lupang mataas ay duon lamang kumukuha ng pantawid gutom… walang kakayanang sumabak sa magulong kapatagan..walang tibay ng loob na humarap sa kompetisyon sa takbo ng teknolohiya..walang masamang ugaling ipapantay sa marahas na lungsod..at walang KALAYAAN  na ipahayag ang damdamin…  Sumilay ang isang katagang   “ inaangking kong isang matayog at dakilang hangarin ang makapaglingkod sa mamamayan, at sa Inang Kalikasan…

                     

 

 

Kalayaan Mountaineering Group

   [ Contact us          | Webmaster         | Post ]       |  E-mail group  ]

Take nothing but picture, kill nothing but time ..leave nothing but footprints

                                             

This page was created and being maintained by Jek Perona

1997-2003 KMG@ All Rights Reserved