Buhos ng Ulan


May isang halaman 
Sa tabi ng daan
Unti-unting nalalanta
Sa matitigang lupa
Sa init ng tag-araw
'di mapansin ang sigaw
nitong munting halaman
sa tag-tuyo'y madiligan 

Tulad ng isang taong 
punit-punit ang damit 
walang matulugan
walang mauuwian
lagalag sa lansangan
humihingi ng limos
iyan siya'y 
kakalam-kalam
pagkain niya'y
galing sa basurahan 

Chorus:

Ylan,ulan
bumuhos ka ulan
ulan, ulan 
bumuhos ka ulan 
kahit konting patak 
siya'y iyong diligan
ulan, ulan
bumuhos ka ulan
kahit konting
patak man lang 

Langit ay nakatitig
wari'y di marinig
halaman ay tuyong-tuyo
tao ay sumasamo
sa init ng araw 
di mapansin ang sigaw
nitong munting halaman 
sa tag-tuyo'y madiligan

(repeat chorus)