May Pag-ibig Pa Kaya?


                                  

Inalagaan at minahal kita 
Pinagarap at sinamba ko pa
Sinugatan ang puso kong ito 
Nang nakalayo, puso'y nagtampo

Di maiwasan na maalala pa
Ang pag-ibig na siyang nagbibigay sigla 
Mga umaga na dati'y kay saya
Ay lumipas na at di na maibabalik pa

    Chorus:

May pag-ibig pa kaya?
Buksan ang puso mo
Pagka't ika'y mahal 
Mahal pa rin hanggang ngayon
May pag-ibig pa kaya?
Kailan ma'y maghihintay sa'yo
Umaasa na mahal pa rin ako

Mga pangako sa iyo'y tuparin
Hindi iibig sa iba kailan pa man 
Kahit 'di na tayo magkatagpo
Iibigin kita kahit mabigo

Repeat chorus:
Iniisip na mahal mo rin ako

 (Repeat chorus except last line)
iniisip na mahal mo rin ako…

(Repeat chorus except last line)
iniisip na mahal mo rin ako… 
mahal na mahal (2x)

	Coda: 
May pag-ibig pa kaya sa puso mo?