Para sa Masa


Ito ay para sa mga masa 
Sa lahat ng naiwan ng pag-asa 
Sa lahat ng hirap at pagdurusa 
Naaalala niyo pa ba 
Binigyan namin kayo ng ligaya 

Ilang taon na rin ang lumipas 
Mga kulay ng mundo ay kumupas 
Marami na rin ang mga pagbabago 
Di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang 
Mapapatawad mo ba ako 
Kung hindi ko sinunod ang gusto mo 

La la la la la la la ..... 

Pinilit kung iahon ka 
Ngunit ayaw mo namang sumama 

Ito ay para sa mga masa 
Sa lahat ng binaon ng sistema 
Sa lahat ng aming nakabarkada 
Sa lahat ng mahilig sa labsong at drama 
Sa lahat ng di marunong bumasa 
Sa lahat ng may prublema sa iskwela 
Sa lahat ng fans ni Sharon Cuneta 
Sa lahat ng may prublema sa pera 
Sa lahat ng masa 

Huwag mong hayaang ganito 

Bigyan ang sarili ng respeto