KINABUKASAN SOCIETY
Towards Unity and Service
Dan Balikbayan
Si Dan, taga-Bicol:
Dumating si Dan sa Amerika sa tulong ng kanyang Kumpare na may
kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo
tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT baga).
Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang
kanyang kumpare.
E minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya.
"Pareng Dan," sabi ng kumpareng tinatago ang
inis, "Heto ang susi ng kotse at mga credit cards ko.
Magshopping ka naman sa Mall para malibang ka."
"Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono. Papasok
na ako sa opisina."
Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos siya,
sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si Dan sa
pamamasyal sa mall. Nakapili siya ng mga damit na gusto niya.
Ngunit pagdating sa cashier, biglang nataranta at natakot si Dan.
Tanong ng cashier, "Visa or Master Card?"
Haripas si Dan palabas dahit sa takot! "Aba, hinahanap ang
visa ko! Baka nabisto na ako! Syet!" Sakay kaagad siya sa
kanyang kotse.
Harurot.
Kaso, halos wala ng gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang
gas station. Nang maglalagay na siya ng gas, biglang nagsalita
ang cashier sa speaker, "Sir, pay first, please."
"Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"
Nagtatakbo si Dan sa mga eski-eskinita hanggang
makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa
payphone.
"(Hingal) Kailangang matawagan ... ko si kumpare...para
masundo niya ako rito (hingal)."
Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig niya, "AT&T
how can I help you?"
"Aba, anak ng putakteh, alam na TNT ako! Buking na ako!"
Pagbaba niya ng telepono, may Amerikanong nakatayo
sa likod niya, tanong ba naman, "Are you done?"
Napahandusay si Dan sa phonebooth. Biglang bulalas, "Bules
ka an!, aram pa ang pangaran ko!"
Nagulat ang tisoy, "Hey, be cool, man!"
"Naku! Alam pa kung taga saan ako!"
"Is that your green car parked in the red zone?"
Hihimatayin na si Danny Boy! "Hinahanapan pa ako ng green
card"!!!!!
Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan. Ngayon si Dan
ay nasa Bicol na muli at binansagan na "Dan Balikbayan."
Contributed by: Elma C. Torregrosa
if you have something to share, please click here