KINABUKASAN SOCIETY
Towards Unity and Service
Mga Sagut sa Katanungan
Tama ka sa iyong paglapit sa akin
ukol sa iyong mga katanungan....dapatwat
hindi ako nakakasiguro sa lahat ng aking sagot, susubukan kong
bigyang
liwanag ang lahat ng iyong katanungan... Ang aking kaibigan ay
mayroon
lang mga ilang katanungan na matagal nang bumabagabag sa kanyang
araw-
araw na pamumuhay. maaaring ang iba rito ay alam na rin ito
ngunit walang
makapagbigay ng akmang kasagutan o pagpapaliwanag. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. ang squidballs ba ay b*yag ng
pusit?
Ang squidballs ay hindi b*yag ng pusit ngunit b*yag ni Tiya Pusit.
2. pwede bang uminom ng softdrink
kapag coffee break?
Pwedeng uminom ng softdrink kung coffee break ngunit kailangan
itong
lagyan ng asukal at kopimeyt. kopimeyt dapat at huwag gatas. (milk
in my
cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)
3. pwede bang gamitin ang a.m. radio
pag gabi na?
Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong
pakikinggan ay f.m.
4. ang fire exit ba ay labasan ng apoy?
Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag
may sunog.
Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na
"fire escape".
5. ang uod ba pag namatay ay inuuod
din?
Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi
rin
inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng hininga,
siguro ang uod
kapag namatay ay tinatao.
6.
totoo bang ang
mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na
chicken joy?
Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y
tinawag
na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin
ang manok
upang maging masaya ito ... ang mga manok ay nagiging masaya
kapag sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang,
ito ay
hindi chicken joy kundi...mcchicken singles. (Ang pinakamasayang
manok
sa lahat ay iyong 6 pc. chicken mcnuggets o tinatawag na "orgy"
sa inggles)
7. mayroon bang kahit isang langgam na
mahilig sa maalat?
Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"?
Nakagat ako minsan ng langgam...
8. kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs
a day , 7 days a week , at 365 days
a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ? bakit?
Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan
bilang 2
hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga
nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap
year.
9. bakit di mataas ang highway?
Dahil kung mataas ang hiway, walang paglalagyan ng skyway.
10. ba't alang lumilipad na sasakyan sa
flyover?
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat
hindi
tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng
dayuhang
salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"-lipad,
"over"-sa ibabaw.
Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover
ngunit sa
ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay
nasa
flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan.
Alam
kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata, Boxster,
Kompressor, Z3, Z8 at
kung ano-ano pang kotseng pangmayaman kaya't huwag na kayong
magpumilit mamilosopo...ako lang ang may karapatan. Kung
idadahilan niyo
naman na mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong
tinatawag na
"sense of humor". namamatay ng maaga ang palaging
seryoso.
sana ay nasagot ko ang iyong mga tanong at kung mayroon pang
ibang bagay
na bumabagabag sa iyong isipan huwag kang mag-alinlangang
magpadala
sa akin ng e-mail. at lagi rin natin sana tandaan ang dayuhang
salawikain na
"ask a dumb question and you'll get a dumb answer."
maraming salamat walang anuman.
Contributed by: Almario Abling
if you have something to share, please click here