KodiKo ng Kasaysayan ng Pilipinas

 

 

BATTLE OF BANGKUSAY

Ang labanang ito ay naganap noong Hunyo 3, 1571 sa pagitan ng puwersang pinamumunuan ng Rajah ng Maynila na si Soliman at ng mga Kastila na pinamumunuan ni Martin de Goiti.  Napatay ang marami sa mga tauhan ni Soliman at nasunog ang Maynila. Hinde nagtagal ay sumuko rin si Rajah Soliman at tinanggap din ang relihiyong Katoliko sa pamamagitan ng pagpapabinyag sa pangalang Agustin Legaspi.

 


BATTLE OF BESSANG PASS

Ang Bessang ay isang lugar sa Cordillera. Ang labanang nangyari dito ay naganap noong Hunyo 14, 1945. Dito natalo ang mga Hapones na pinamumunuan ni Tomoyuki Yamashita. Ang Hapong sinasabi nilang naka-iwan at nagbaon ng limpak-limpak na ginto sa Pilipinas.

 


BATTLE OF KAKARONG DE SILI

Ang labanang ito ay isa sa mga pinakamadugong enkwentro na  naganap sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Kastila nang magsimula ang rebulosyon noong 1896. Ito  ay naganap sa Pandi, Bulacan ang lugar na Pinamumunuan ni Eusebio Roque (mas kilala sa tawag na Maestrong Sebio). Tinatayang mahigit dalawang libong Rebolusyonaryong Pilipino ang napatay matapos silang salakayin ng mga Kastilang nagmula sa mga karatig bayan. Si Maestro Sebio ay  nahuli at tuluyan ng pinatay noong Enero 16, 1897.

 


BATTLE OF PINAGLABANAN

Ang labanang ito ay naganap noong Agosto 30, 1896 sa Pinaglabanan, San Juan. Mahigit na isang libong Pilipino ang  napatay dahil sa kakulangan ng armas at paghahanda. Napilitan ng sumabak sa giyera ang mga Pinoy dala ng ng hinde inaasahang pagkakatuklas ng lihim na rebolusyonaryong samahan ng Katipunan.

 


BATTLE OF TIRAD PASS

Naganap ang labanang ito noong Disyembre 2, 1899 kung saan animnapung sundalong Pilipino sa ilalim ng matapang na si Gregorio del Pilar  ay lumaban sa mahigit na tatlong daang Kano. Ginawa nila ito upang makatakas si Emilio Aguinaldo patungong Isabela. Walong Pilipino lamang ang nabuhay matapos ang labanan.


 

BIAK-NA-BATO

Noong Julyo 7, 1897 itinatag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang isang rebolusyonaryong gubyerno sa San Miguel, Bulacan.


 

TRUCE OF BIAK-NA-BATO

Isang kasunduan ang nilagdaan noong Disyembre 14, 1897 sa pagitan ni General Emilio Aguinaldo at  Fernando Primo de Rivera. Layon ng kasunduang ito ang isang tigil-putukan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Kastila. Bagama’t sandali lang ang itinagal  dahil sa hinde pagtupad ng ilang mga tuntunin ng magkabilang panig.


 

CAGAYAN REVOLT

Ang  pag-aalsang ito ay naganap noong Junyo 8, 1625. Sa pamumuno ni Miguel Lanab sinunog nila ang isang simbahan sa Cagayan at ilang mga misyonaryong Kastila ang pinatay.

 

 

CRY OF PUGAD LAWIN

Ito ang naging hudyat ng simula ng rebolusyong Pilipino laban sa mga Kastila. Noong Agosto 23, 1896, pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedula  sa Sitio Balintawak.

 

 

FALL OF BATAAN

Noong Abril 9, 1942 nabatid ni ng Amerikanong si Edward King na hinde na nila kayang hawakan ang kanilang posisyon sa Bataan, ay minabuti niya na sumuko na lang. Ito ang naging hudyat ng panalo ng paghahari ng mga Hapon sa Pilipinas.

 

 

HONG KONG JUNTA

Ito ay binuo ni Presidente Emilio Aguinaldo noong Hunyo 24, 1898 upang humingi ng pagkilala mula sa iba-t-ibang bansa para sa bagong tatag na unang Demokrasya sa Asya, ang Republika ng Pilipinas.

 

 

MAKABULOS REPUBLIC

Ang Makabulos Republic ay itinatag ni Francisco Makabulos sa Tarlac noong Abril 17, 1898. Mayroon itong lupon ng rebolusyonaryo na nagpapa-igting ng tawag para sa paglaban sa pananakop ng Espanya.

 

 

TEJEROS CONVENTION

Ang kontrobersyal na pagtitipon na ito ay ginanap noong Marso 22, 1897. Isang eleksyon ang naganap upang piliin ang mga bagong pinuno ng  Katipunan. Nahalal bilang Pangulo si Emilio Aguinaldo. Si Andres Bonifacio nahalal bilang Tagapamahala ng Panlaob na Usapin ngunit tinutulan ito ni Daniel Tirona. Nagalit si Gat Andres kaya’t pinawalang bisa ang resulta ng eleksyon. Ang mga pangyayari dito sa Tejeros ang naging dahilan sa pagkakahatol ng kamatayan para kay Gat Andres Bonifacio.

 

             Press Button to Return to KodiKo.CoM HoMe PaGe

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------