VISIONARY
August 2004

AUGUST 2004

Back to Home

VIOLENT REACTIONS
Powered by TagBoard Message Board
And you are?

URL / Email

Messages (smilies)

HE WHO MUST BE KNOWN

Lagsh: The One and Only

LAGSH

16 years old | Sep 21, 1987 | Virgo
3/4 Kapampangan | 1/4 Olongapoan
Angeles City | Philippines
bunso sa 2 magkapatid

College Sophie | UP Diliman | CMC
BA Broadcast Communication

College Freshie | UPEP Pampanga
BA Psychology | Ass. of Econ Students


Peyups.com columnist | street dance
singing | paranormal | drawing | writing
webdesigning | insecure | ambitious
weird | rain/storm lover | introvert
fame-seeker | modified theist | net addict
non-practicing Catholic | scared of dark
liberal | loves unconventional | hates elite
nearsighted | low esteem | identity crisis

VIRGIN (UNUSED) AREA

Visualize
Hands off! IKA-28 NG AGOSTO, 2004                                                

Soundtrack: Car Wash - Missy Elliott & Christina Aguilera
Emotional Status: Drowsy
Brain Content: Have to do a 10-minute play and read the Constitution!

The Anglicization Project Xtreme

Narito na ang nanalo sa ating poll kamakailan: English version ng Kisapmata ng sinaunang Rivermaya. As usual, para masabayan ninyo, i-download ang MP3 ng Blink Of The Eye by The Chipmunks. Disclaimer: yung MP3 ay duet na English at Tagalog, pero maririnig niyo pa rin ang English. Mga pasaway na Chipmunks kasi.

Blink Of The Eye
Anglicized form of Kisapmata by Rivermaya

Just this morning, how
So affectionate
Were both your eyes that kill me when they throw a look
Oh just this morning, how
So remarkable
Was that vow of yours of us being unseparable

Oh how so speedy did your love for me
Disappear just like that
You surpass even the blink of the eye
A while ago it was just there
Then suddenly it was gone
You surpass even the blink of the eye

Just a while ago
Oh how beautiful
Your rhetoric of you hoping to be with me was
Oh just a while ago
Oh how full of joy
Was this life of mine which just began to change

Oh how so speedy did your love for me
Disappear just like that
You surpass even the blink of the eye
A while ago it was just there
Then suddenly it was gone
You surpass even the blink of the eye

Just this morning, how
So affectionate
Just this morning, how
So remarkable
Oh just a while ago
Oh how beautiful
Just a while ago
Oh how full of joy

Oh how so speedy did your love for me
Disappear just like that
You surpass even the blink of the eye
A while ago it was just there
Then suddenly it was gone
You surpass even the blink of the eye

Hah-hah-hah hah hah hah-hah-hah
Hah....

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN POLSCI 14 ::::::...
Bawal makipag-appointment ang Pangulo tuwing madaling araw.

Visualize
Hands off! IKA-27 NG AGOSTO, 2004                                                

Soundtrack: Dare You To Move - Switchfoot
Emotional Status: Taken aback by a 'tsismis' told to me
Brain Content: Nawawala ang toothbrush ko sa boarding house!

Balitang Boarding House

Ating simulan ang talakayan sa boarding house ko sa Marilag St., UP Village.

Nawawala ang isang housemate! Ganito kasi ang kabuuang kuwento. Yung isang housemate namin, last month, dala ng dala ng mga orgmates sa boarding house. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Hindi lang lima. Walo... hindi rin! Sampu? Mali pa rin! Hayan, tama ka! More than 10 ang dinadala ni housemate sa boarding house.

Imadyinin niyo na lang ang ingay na idudulot ng more than 10 na katao sa gabi... na umaabot hanggang wee hours of the morning!

Dahil doon, yung isa sa mga housemate naming babae, nagpaskil na ng nota sa pader. SILENCE PLEASE! Bear with us. We have midterms tomorrow.

Kinagabihan ng araw na yun, isa-isang nagsulputan ang mga bisita. Pero this time, may bago-may dalang TV, tsitsiria, extra na damit, at ang pamatay na props: karaoke! Tila ginawang resort villa ang boarding house!

Ang epekto? Hindi kami makababa. Oo't nakakababa kami pero pagkababa mo, pinagtitinginan ka nilang lahat. Ang sagwa naman nun di ba? Sabi nga ng "alcoholic" na si Kristoff, 18 y/o, sa commercial niya ng Rexona, "Kadiri naman yun." At tila kami pa ang mga bisita dahil kami ang dinadapuan ng hiya.

Kaya pa sanang tiisin ng iba kong kapwa housemates, kaso nung tinignan yung note na pinaskil sa pader, aba'y sinulatan nila ito ng Duh! Haler! Whatever! Kaya't nagkaroon ng outburst of emotion ang nagpaskil nung note kaya nagsumbong na siya kay Tita, ang may-ari ng house.

Pinagalitan si housemate na nagdadala ng bisita. Na-to the fourth power pa ang pagre-reprimand sa kanya nang datnan ni Tita ang living room-aba'y mukhang Payatas na dry sa kakalatan!

Nagtampo yata si housemate. Hindi na siya umuuwi. Sambit ng roommate niya, sa malapit sa UST daw siya naninirahan ngayon.

Ito ang pabwenas: andami niyang iniwan na gamit. Mga pabango, deodorant, pake-paketeng index cards, mga pantalon, mga polo shirts, isang radyo, isang B/W small TV na defunct, mga cotton buds, mga cologne, etc.

Hmmm... *evil idea* >:)

Tutal krisis naman ngayon. Nagkukulang tayo ng {{{pera}}}. Resourcefulness ang kailangan.

Monetary Ladder

Speaking of {{{pera}}}, may napag-gunam-gunam lamang ang inyong abang lingkod na malabo ang mata.

Noong bata ako, bawat sentimo ay pinahahalagahan ko. Oo, sentimo. Yung magaan na coin na may dilis na naka-imprenta sa isang side. Tuwang-tuwa noon ako sa dalawang piso-yung octagon na may puno ng niyog sa isang pisngi. Astig din noon yung 50 cents na may Mulawin na naka-engrave.

Ang mga aguinaldo ko noon tuwing Kapaskuhan ay tigsa-sampung piso o beinte. Siyempre, tuwang-tuwa pa ako. Samahan mo pa ng regalong laruan o kendi. Ayoko ng damit noon.

Noong tumuntong ako ng Grade 3, P30 ang baon ko. P4 ang pamasahe sa dyip, pero hindi ako nagdyi-dyip dahil may School Service ang inyong abang lingkod na 400/400 ang grado ng paningin. Ang aguinaldo ay nag-progress din! May isang-daan na. Nag-away din kami ng aking kuya noon dahil inangkin ko yung limang piso mula sa aking Ina, na gusto ring angkinin ng kuya ko. Yun yung paper pa na P5, kung saan ang model ay si Aguinaldo.

High school, P40-P50 na ang baon ko. Wala na akong pakialam sa 25 sentimo, mas lalo na sa mga 10 cents!

Siyempre, College, tumaas ulit ang aking allowance. Mga P500-P1000 ang mga aguinaldo. Sobrang pinapahalagahan ko na rin noon ang isang daan. Kung sampung piso lang, sige, not that big deal.

Ngayong nasa QC na ako, nag-iba muli ang ihip ng hangin. Minsan, mahigit pa sa isang daan ang kailangan ko para maka-get through ng isang araw. Minus breakfast pa iyon, dahil hindi uso sa amin iyon.

Haaay. Kaya namang andaling pasayahin ng mga paslit. Piso lang ikinatutuwa. Pero subukan kang bigyan ng sampung piso lamang ng iyong mga magulang, mapapa{{{mura}}} ka pa dahil sa kaliitan.

Curse-worthy

Speaking of {{{mura}}}, may mga namura ako sa isipan sa Diliman.

Unang umimbiyerna ng Biyernes ko:

Kinasusuklaman ko ang mga taong malupit sa mga hayop, mapa-pusakal pa iyan o palaka. Insekto, puwede pang palampasin dahil malilibog naman ang mga insekto at mabilis magparami, pero kapag mammal na ang involved, aba'y put*ng-ama mo.

Lunch break kanina at nakatambay ako sa AS steps, nagpapalipas ng oras habang nakikinig ng walkman. May pusakal na nakakalahating-sampa sa isang trash can dahil tila naghahanap ito ng makakain. Nang dumating ang isang avatar ni Hitler na itatapon sana ang yosi sa basurahang pinagkakalkalan ng pusakal.

Dinikit ng lalaking bwakana ang kanyang nakasindi pang yosi sa pata ng pusakal (nakita kong nangitim yung fur ng kaawa-awang pussy cat, so nakasindi pa talaga ang sigarilyo ng puta), pagkatapos ay sinipa ito na parang kabayo (at in fairness, mukha talaga siyang kabayo), kaya ang pusa ay napasok sa trash can.

Ang karampatang parusa sa mga taong ganito ay balatan ng dahan-dahan gamit ang cutter at pagkatapos ay paliguan ng calamansi juice na may asin.

Pangalawang Imbiyerna ng Biyernes ko:

Kapag nagpapa-photocopy, ni-o-observe ko ang order of clients. Kung alam kong kanina ka pa nakapila para magpa-phots, hindi ako mangangahas na sisingit para mauna ako. Kaya ang gusto ko, ganun din ang gawin sa akin.

Pero kanina, hindi iyon ang nangyari. Obvious na obvious na kanina pa ako nandoon, nang biglang dumating ang isang lalaki na may dala-dala ring mga papeles na tiyak ay magpapa-phots din. Obvious din sa kanyang non-verbal actions na talagang nais niyang mauna sa akin. Kaya pagkatapos ng pagpapaphotocopy nung taong nagpapaphotocopy at that moment, hayun at kaagad iniabot sa Photocopy Lady ang kanyang mga dokumento.

Taeng mamasa-masa ng ina niya! Nawa'y kagatin siya ng trebalak sa singit at kidlatan habang buma{{{bagyo}}}.

Signal Number X

Speaking of {{{bagyo}}}, happy na happy ako dahil sa panahon. Mantakin niyo, two consecutive days na walang pasok sa UPDil! That must be history. Ngayong Biyernes nga, wala akong ibang ipinagdarasal kundi bumagyo ulit ng todo para ma-suspend ang klase dahil may quiz ako sa Comm100, at tinatamad akong mag-aral.

Ops! Oo, alam ko na maraming mga lalawigan ang nasa State of Calamity. In fact, pagkauwi ko dito sa amin sa Pampanga, isang franchise ng Water World ang sumalubong sa akin. Capsized ang maraming daan na may kalaliman. Pero aliw ha. Naa-amaze kasi ako sa tubig-tubig eh. Ewan ko ba.

Kaso naawa din naman ako dun sa mga naninirahan sa baba ng tulay. Nung pagkakita ko kanina, halos kalahati ng bahay nila ay lubog, at stranded sila sa isang maliit na elevated na ground. Nagsisiksikan sila doon habang pinapalibutan sila ng tubig-baha.

Gusto ko kasi talaga ng umuulan e. Actually, bagyo! Although may power failure (para mas sosyal) kahapon for many hours, gusto ko pa ring bumabagyo. Kaya nga ganito ang theme ng Visionary eh. Sa boarding house nga, tuwing sobrang lakas ng ihip ng hangin at bagsak ng ulan, kinikilig kaming lahat sa ligaya.

Sundin niyo ang advice ni Heart dun sa commercial niya ng Smart (yung may "two-timing Paolo"). Sabi niya doon, "Buy the umbrella." Tama. Payong. Bumili ako, P50. At nawawala siya ngayon.

Ano ang point ko ngayon? Ang point ko: mag-ingat sa leptospirosis. Yun ay sanhi ng {{{ihi ng daga}}} na nahahalo sa tubig-baha. Mag-ingat dahil baka mahigop ito.

Hello Hello

Speaking of {{{ihi ng daga}}}, nais magpabati ng mga programmers ng Goabroad.com sa Tacloban. Hello sa inyong lahat!!! Laging kumain ng vegetables dahil mas bagay niyong kumain ng halaman kaysa karne. Joke! :p

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Shortcut para makuha ang square ng isang number na ang ones digit ay 5. Take note na kapag 5 ang ones digit ng isang number, palaging 25 ang mga huling numero ng square nito. Ano'ng gagawin sa rest ng digits? Kung halimbawa ang number ay 85, i-multiply ang 8 sa 9 (na sum ng 8 + 1), so ang sagot ay 72. Tapos, idikit ang 25. So ang square ng 85 ay 7225. Kung ang number ay 105, 10 times 11 (na sum ng 10 + 1) equals 110, at idikit sa 25, so 11025 ang square ng 105.

Visualize
Hands off! IKA-21 NG AGOSTO, 2004                                                

Soundtrack: Not Your Ordinary Girl - Kyla
Emotional Status: Lonely
Brain Content: Nalalapit na ang birthday ko!

Kaasuhan

Everytime I see him, I feel delighted. After a very long time, ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganito.

Kapag naglalaro kami, lagi siyang nakahubad. Okey lang, nakita ko na naman lahat eh simula ulo hanggang paa. Kitang-kita ko ang brown niyang balat. Mabuti pa siya, kahit ano pa ako, tanggap niya ako. Kapag nakikita niya ako, tuwang-tuwa din siya.

Nabuhayan ako ng loob ng dumating ang lalaking ito sa buhay ko. Matagal-tagal na rin.

MAY BAGO KAMING TUTA!!!

Isa lamang siyang askal, pero wala akong pakialam. Basta ako fond ako sa mga pusa't aso[ng maamo]. Nanganak kasi yung aso ng kahera ng ermatz ko sa aming tindahan, kaya napunta sa amin ang isa, siguro dahil sabi hindi kayang sustentuhan ng Nanay na aso ang mga pangangailangan ng kanyang supling.

Nike ang pangalang binigay sa kanya ng Ermatz ko.

Ako sana, gusto ko siyang pangalanang Jologs, para maiba. Gusto ko kasi kapag may aso kami yung kakaiba ang pangalan.

Yung uncle kong corny, gusto niya Achiever ang pangalan, para daw positive ang dating. Kailan pa kaya naging Feng Shui expert ang uncle ko?

Kang-kang naman ang pangalan na tawag ng Tita ko sa kanya.

Sa mga katulong sa bahay, yung walang kamatayang Doggie ang tawag nila.

Pero dahil Ermats ko ang nagdala sa kanya dito, Nike na ang pangalan niya. Nakakatawa kasi may kaibigan akong babae na Nike rin ang kapangalanan.

Paglaki ko, bibili ako ng aso na aking mamahalin ng tunay! Ayoko ko kasi ng kumukuha ng aso bilang bantay. Kukuha ako ng aso para maging alaga talaga. Siyempre parte na rin dun ang pagiging bantay. Pero hindi ko siya ikukulong o ika-kadena.

Tapos gusto ko meron din akong pusa, tapos dapat magkasundo sila ng aso ko.

Astig kasi ng mga animals. Kahit anong uring tao ka pa, tatanggapin ka nila bilang kaibigan. ;) Hindi na nila aalamin kung ano ang problema mo, basta ka na lang nila papaligayahin. ;)

Patalastas

PHENOMENON

Nostalgic

Galing akong UP Pampanga nung Quezon Day. Wala lang. Nakaka-miss.

Eh siyempre medyo celebrity dating natin sapagkat tayo ay lumipat na ng Diliman. Nag-cutting classes pa nga mga kaibigan kong iba, haha, para sa aming mga tiga-Diliman.

May mga apat na bagong classroom na! Dumagdag na rin ng dalawa pang computer na pang-Internet. Dati kasi isa lang eh. Nagzu-Zoology na rin mga blockmates ko dati. Yung mga bandalismo sa Male CR, nandiyan pa rin! Yun yung mga vandalisms na ginamit ko para ihabi ang kuwento ng Male CR Cubicle #2.

Meron pang sinulat doon na:

Abangan ang pagbabalik nina Jason Laxamana, Karl Manalang, Noel Omaga, Airene Lingad, at Catya Batac!

Wala lang. Ang saya.

Para naman makapag-participate kayo sa entry na ito at hindi ma-OP, magkabotohan na lang. Ano ang gusto niyong i-Tagalize o i-Anglicize ko sa susunod kong Tagalization/Anglicization Project? Cast your vote sa Comment Box, hokie?

214 by Rivermaya
Kisapmata by Rivermaya
Rainbow by South Border

Cast your votes now!

Patalastas Once More

G. TSIKBOY

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN BROADCOMM 100 ::::::...
Inyo bang alam na ang mga puppet sa Batibot na sina Pong Pagong at Kiko Matsing ay hindi talaga atin? Sila ay pinahiram lang sa atin ng Sesame Street. Nang minsang matalo ng Batibot ang Sesame Street sa isang award show, pinasoli na ng Sesame Street ang dalawang puppet. Ang kapalit ng dalawang yun ay ang ma-bird flu na si Koko Kwik Kwak.

Visualize
Hands off! IKA-16 NG AGOSTO, 2004                                                

Soundtrack: Liwanag Sa Dilim - Rivermaya
Emotional Status: Cramming
Brain Content: Yay, visit akong UP Pampanga sa Quezon Day (Thurs).

Just Nothing (Wala Lang)

Ito po ay isang taong nawawala... Nawawala sa pag-iisip... Nawawala sa sarili... Nawawala ang suklay... Nawawala ang isang notebook. Siya po ay bigyan ng moral support.

Nakakainis. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on. Sana talaga 17 years na ako last month! Para nakapag-audition ako dun sa DJ thing.

Sa susunod na entry, IBUBULGAR ko na ang kontrobersyal na Emotional Status ko noon. Yung In _ _ _ _ para magkaalaman na.

Abangan.

PS: Nood kayo Mulawin, ha? *wehehe* Ako si Pagaspas, fwwhooosh!

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 100 ::::::...
Suwerte talaga ang mga biniyayaan ng kaguwapuhan at kagandahan. Kahit mga bata ang tanungin, mas desirable sa kanila ang mga guwapo at magaganda. Medyo hindi totoo yung impluwensiya ng media, ek-ek, na pinagsasabi ng nakararami.

Visualize
Hands off! IKA-14 NG AGOSTO, 2004                                                

Soundtrack: My Happy Ending - Avril Lavigne
Emotional Status: Very disappointed
Brain Content: I want to be filthy rich!!! Now!

Bulabog Sa Konsiyensiya

Inner voice. Minsan ginugulo tayo nito kapag meron tayong nagawa o ginagawa na parang sinasabihan tayo na iba ang gawin.

Kahapon, P102 na lang ang natitira kong perang dala. Medyo nagkulangan tayo ng pera dahil sa pesteng sore eyes na dumapo sa akin. Actually sore eye lamang, kasi kaliwang mata lang ang namumula ng todo habang walang tigil sa pagluha.

Nasa boarding house pa ako nun. Minus P4.00 sa tricycle pabalik ng Philcoa. Minus P6.00 sa isang nag-iinit na ordinary bus papuntang Cubao. May P90 na lang ako. Nagpakabasa na rin pala ako sa matinding ulan dahil wala akong payong, at ayokong mag-inarte.

Hindi ko na matandaan kung magkano ang bus hanggang Pampanga. Ang alam ko, P70. Kung ganun nga, may matitira na lang P20 sa akin, kako. More or less P20 ang kabayaran sa dyip mula sa San Fernando (Pampanga) hanggang Angeles City. Waaah! Wala na akong pang-tricycle (P8.00)! Kebigat-bigat ng aking dinadalang bag!

At ako'y nasa bus na pauwing Pampanga.

Binigyan ako nung papel na pina-punch nila. P60 lang pala ang bill! Kaso nakatulog na ako't lahat, hindi ako siningil nung mamang konduktor. Nasa SM Pampanga na kami't nanonood pa rin siya ng Hunter X Hunter!

Naalala ko raw bigla yung challenge ni Angel Aquino sa Extra Challenge. Isa kasi siyang konduktor ngayon doon. Naiyak siya noong nalaman niya ang antas ng pamumuhay ng mga konduktor.

Bali noong nadaan siya sa akin, kinalbit ko siya at inabot ang bayad ko. "Ay, oo nga pala!" sabi ng ulyaning konduktor.

Pagkatapos nun, nabulabog ang konsiyensiya ko. Sinasabi ng inner voice ko na sana raw hindi ko na pinaalala dahil wala na akong pera. Krisis pa naman ang buhay. Tapos nagbabalak pa akong sumali doon sa isang networking company. Tsk tsk.

Panahon Ng Sore Eyes Ngayon! Pag-iingat Lang!

Bakit sa lahat ng mga inutil na tao dito sa mundong ating nilalapastanganan, ako pa ang kailangan dapuan ng hindot na sore eyes? sabi ko nga sa taas, sore eye lang dahil kaliwang mata lang ang may impeksiyon.

Paano na ang mga pangarap ko sa buhay?

Martes nagsimula ang irritation sa mata ko. Kaya tuloy napilitan akong i-equip ang sarili ko ng aking shades! Itim na shades. Medyo nahihiya ako kasi mukha akong konyo kapag naka-shades. Pumasok ako sa CMC na naka-shades. Siyempre may impression na kapag pa-shades-shades ka ay either: jologs ka lang talaga o maykaya ka sa buhay.

Binebentahan pa ako ng "I LOVE GOD" na sticker ng isang matandang babae, tulong daw sa charity. Sabi ko (habang may suot na shades), "Sori po, estudyante lang po ako at walang pera." P50 kaya yung sticker.

Ni-miss ko ang double-period kong Hum 2 class noong Wednesday para ipatingin ang mata ko sa Infirmary. Hanep pala dun, libre! Kaso ang Pharmacy, olats. Wala sila nung gamot na ni-prescribe sa akin ni Doc.

Noong sinabi ko ang kondisyon ko kay Doc, "Pang-apat ka na!" ika niya, na animo'y sinabihan ako ng, "Magiging ama ka na! Congratulations!" Pero may anomalyang nangyari sa konsultasyon ko. Kasi, tinanong niya ako kung may namumuong dilaw-dilaw sa mata ko. Sabi ko, wala. Noong paglabas ko, naalala ko, meron.

Pero binili ko na rin yung gamot sa Mercury Drug at pinatak sa mata ko. Nabawasan naman ang pamumula, and today, look at me! Normal na ang aking pamumuhay!

May awa talaga ang Maykapal. Akala ko tuluyan nang ma-a-abolish ang mga ambisyon ko.

The Tagalization Project XTreme

In honor ng Buwan Ng Wika, magkakaroon tayo ng grand launching ng Tagalization Project. Para talagang engrande ang epekto, meron pa tayong music samples! Medyo jologs nga lang pero kebs.

Palagi
Tagalized form of Itsumo by Dice & K9 feat. Sasha

(Para mas ma-appreciate ninyo ang Tagalization na ito, basahin ang original lyrics ng kantang ito. At para ma-appreciate niyo talaga ng todo, i-download ninyo ang MP3 ng Palagi as performed by The Chipmunks. Kakantahin nila ng Tagalog ang Itsumo para masabayan ninyo.)

[Dice]
Tawaging
Panganay, unang mahal
Unang halik galing sa
Kalangitan
Paki ko kung ako'y di mo mahalin
Sa puso ko, ang puwetan mong ina-angkin
Mga mata, ilong, at ang labi mo
Balikat, daliri, leeg, ipahalik mo
Sa hataw ng balakang, nababaliw
Sayo lang tunay na naaaliw
Mahal kita simula pa man
Puso'y saktan mo man lamang
Narito lang ako't naglilingkod
Manalig ka, ito ay totoo

[CHORUS]
[Sashi]

Palagi
Ang puso mo ay narito lang
Kahit ito'y magliwaliw sa saan-saan
Palagi
Kahit puso mo ay malayo
'Kaw pa rin ang nilalaman nitong puso ko

[K9]
Kung gusto mo kay K-N-I-N-E
Siguraduhing pag-I-B-I-G
Huwag nang tungkol sa Y-E-L-O
Sapagkat meron akong P-U-S-O
'To'y Sa I-Y-O
Di mabayaran ang hapunan
Bigyan na lang ng I-O-U
Tiyak, ayaw ng T-A-L-I-K
Walang balak na masama, di lokohan 'to
Baka makakita ng U-F-O
Sandali, hindi kasama iyon, basta na lang nasabi ko
Dapat malaman mo mahal kita nun pa
Magpa-K-A-I-L-A-N-man
Ano?

[CHORUS]
Palagi
Ang puso mo ay narito lang
Kahit ito'y magliwaliw sa saan-saan
Palagi
Kahit puso mo ay malayo
'Kaw pa rin ang nilalaman nitong puso ko

[Dice]
Unang ginang, ika'y maging
Ina ng unang supling
Ayaw sa'kin nung unang magkita
Sige, sa susunod, mabagal na

[K9]
Uy, tingin ko ika'y na lang akin
Nanalo pa lang ako sa spelling bee
Sayo, meron akong O-R-A-S
Paraanin, mga nanay, pero hindi tiyak
Basta sige-sige
Dumi'y mas mahal pa sa iyong mga singsing
Ayokong manlait kasi doon papunta
Paki ng nanay
Sa mga dilag, kahit sa ilong, may singsing

[Repeat chorus]

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 100 ::::::...
UPD si Ogie Alcasid. LaSalle siya noon, pero nag-UPD rin siya. Si Karylle, cum laude siya sa Ateneo. Si Dennis Trillo ay Miriam, at ang girlfriend niya ay tiga-UPD, yung nag-Miss Earth dati.

Visualize
Hands off! IKA-7 NG AGOSTO, 2004                                                

Soundtrack: Itsumo - Dice & K9
Emotional Status: Wanting to be a year older
Brain Content: This sem is about to wrap up and I haven't adjusted yet!!!

I Want To Be A DJ!!!

Isang malaki, mabaho, at mamasa-masang SH*T! Ako ay isang batang labing-anim na taong gulang. Sa Martial Law anniversary pa lamang ako tatanda ng isang taon officially: 17 years old.

At 17-23 years old ang required nilang edad ng mga gustong masali.

Heto na naman ako, nangangarap. Gusto kong maging DJ! Ngayong ang huling araw ng workshop/audition sa GMA, sa Campus Radio studio. Pucha, I'm one year short! Kasi gusto ko talagang masubukang maging DJ, lalo na sa paborito kong istasyon, ang 97.1 WLSFM (Mahilig ako sa latest na pop eh).

Campus Aircheckers. Ito ang tawag sa mga student-DJs na kinukuha ng LS. Batch 3 ang kukunin this year. Dahil wala na akong magagawa, ta-try ko na lamang sa Batch 4 next year. Mas mabuti na iyon, para makapag-practice pa ako. Medyo dehado pa ako sa spontaneity of words eh. Kaya praktis praktis muna tayo para next year handang-handa na tayo!

Kaya sa bahay, gamit ang mini-mic ng bago kong biling walkman, nagfi-feelingan akong isang DJ. Heto ang samples ko (ZIP files):

DJ Jason introducing My Happy Ending by Avril Lavigne
DJ Jason recapping Itsumo by Dice & K9

(Wala munang mang-ookray! First time ko lang po.)

"Sent Out" = Big Deal?

Plug lang: Titig Sa KawalanGanun ba talaga ka-big deal ang ma-"send out" ng klase? Kasi, gaya ng sabi ko, na-"send out" ako noong Lunes sa BroadComm 100 class ko ng isang nagngingitngit na terror na professor. Kung nagtataka kayo kung bakit nilalagyan ko ng quote marks ang send out, kasi less than 30 seconds lang akong na-"send out."

Ganito kasi ang buong sitwasyon. Nandiyan na si prof, ngunit dalawa sa mga kaklase ko ay nasa canteen pa. So bantayan ko raw ang pintuan at huwag daw papasukin ang mga tardy. Eh kaso nagpumilit yung dalawa at mabilis pa sa alas-singko ay nakapasok na sila!

So yun, nagngitngit si prof. "You take their place outside!" sigaw niya sa akin sa harap ng klase. Tapos lumabas siya ng classroom at pumasok ng Faculty Room. Sinabihan ako ng isa kong kaklase na matagal nang naging prof ang prof na yun na sundin ko na lang daw siya.

So with dignity I got out of the class at umupo sa benches sa tabi ng Faculty. Hindi naman ako na-hurt o ano. I was numb about it. Paglabas ng prof ko mula sa Faculty Room, "Get back inside!" utos niya sa akin.

So pumasok ako. Tapos para akong artista! Ini-interview ako ng mga kaklase ko. "Ano daw ang sabi?" "Bakit daw?" Ahaha.

Yun. No big deal sa akin ang nangyari. Hindi naman ako nanliit kasi publicity din iyon sa kolehiyo ko. Tandaan niyo, mga kids, hindi lang puro positive things ang nakakapag-induce ng publicity. Sa showbiz, iyon ang tinatawag na "publicity stunts."

Kinabukasan, tinanong ako ng isa akong kaklase. "Okay ka na?" Napa-haller ako ng hindi oras! Ganun na ba talaga ka-hina-hinagpis ang sinapit ko??? Hmm... Tapos, pag-uwi ko sa bahay, napatunayan kong mabilis kumalat ang balita. Pati kuya ko (na ka-College of MassComm ko) nalaman na rin from his friend na hindi ko nakakasalamuha kahit kailan!

What the!? Ba't ganun!? Parang... parang...

Parang may isang anghel sa aking labi
Na nakalutang sa ulap
At nangingiliti
Kung ang alat at asim ng buhay
Tulad ng hain ni Inay
Suspetsa ko ang buong mundo'y
Magiging mapayapa
At masaya
*

* From that flavor mix commercial.

The Anglicization Project V

I Am Really A Girl
Anglicized form of Babae Po Ako by Tuesday Vargas

Girl lalu lalu
Girl lalu lalu
Girl lalu lalu lalu (4x)

[voice] Wait, are you a girl?

I am really a girl
What you think is not correct
I am really a girl
I am not a clown
And of course, not something you imagined
I am really a girl

It's just so damn annoying
You think I'm just a shamrock
Just because my boobies are
Small with regard to size
I am really a girl
No no no
I am really a girl

I am not a gay
gay-gay-gay-gay-gay
I am not a fag
fag-fag-fag-fag-fag
You're just being deceived by that vision of yours
I am really a girl
So so so sweet
I am not a gay
gay-gay-gay-gay-gay
I am not a fag
fag-fag-fag-fag-fag
I am really a girl
I just wish
So to have nothing to explain

[voice] Hey wait a minute, are you really sure you're a girl?

I am really a girl
Do you desire to
Try me once again
I am really a girl (you see)
My shape's like the Coke
And, yes, I am not
Thank you so much, Doc
Mischie-mischie-mischie-mischievous (I'm excited, gosh)
If it will be observed, it like has four elbows
That are distributed in their location
Oh but I am really a girl
I am very precise
I am really a girl

I am not a gay
gay-gay-gay-gay-gay
I am not a fag
fag-fag-fag-fag-fag
You're just being deceived by that vision of yours
I am really a girl
So so so sweet
I am not a gay
gay-gay-gay-gay-gay
I am not a fag
fag-fag-fag-fag-fag
I am really a girl
I just wish
So to have nothing to explain

Girl lalu lalu...

I am really a girl, I am really a girl
Tell me now, I am really a girl
I just wish, I am really a girl
Truly, I am really a girl
Period, no erase, I am really a girl
Yebah, yeah, I am really a girl
I said it a million times
I am really a girl, I am really a girl
I am really a girl, I did tell myself

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN POLSCI 14 ::::::...
Ang mga Congressmen ay sumasahod lamang ng P35,000 bawat buwan sa paninilbihan sa gobyerno. Ayon sa pag-aaral ng isang organisasyon, P240,000 ang naiipon ng isang Congressman lahat-lahat bawat buwan.

Visualize
Hands off! IKA-3 NG AGOSTO, 2004                                                

Soundtrack: Ikaw Nga - South Border
Emotional Status: Relieved temporarily of acad hell
Brain Content: 'Was nearly sent out of my BC 100 class! The shame!

Hieroglyphics

Ito ang mukhang tinatawag na personification of stress. Naka-emphasize ang eyebags at mga pimples din. Idagdag pa ang fact na nasa teen years ako ng buhay ko kaya active ang hormones. Katulad ng mga ordinaryong celebrities at starlets, marami ding flaws ang mukha ko.

Muntik pa akong pinalabas ng classroom sa BroadComm 100 ko. Paano kasi, pinapabantay sa akin ang pintuan. Dapat daw walang latecomers ang makakapasok. Eh kaso dalawa sa mga classmates ko ay nakapasok, nagpumilit kasi. Kaya iyon, nasigawan ako sa harapan ng klase (which is common sa klaseng iyon) at pinalabas ako... temporarily. "Get inside!" sabi sa akin nung prof ko after mga half a minute. Hay buhay.

Pagbubutihan ko na lang. After all, future broadcaster yata tayo, di tulad ni Kikiam Defensor. Pero may sagabal: pimples. Di bale. Ipapa-Vicky Belo naman ako ng papasukan kong kompanya. O kaya Dr. Calayan para maiba.

Kayang-kaya ito!

Lalo na't may bago akong walkman! Nyahahaha! Para music is always with me, wherever I go, whatever I do, whenever it's happening. ;)

Pansinin niyo naman ang kamay ko, wehehe.

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Malalaman mong maiging nakikinig sayo ang isang tao kung habang may pinapakita ka sa kanya sa table (eg. mga paper) ay nakatabingi ang ulo nito.

Visualize
Hands off! IKA-1 NG AGOSTO, 2004                                                

Soundtrack: Sorry 2004 - Ruben Studdard
Emotional Status: Wanting to study hard
Brain Content: When will I take driving lessons?

Continued War Against Stupidity.

Akala ko mahihiya na si coolgrlinwhytsnkrs sa kapangitan ng takbo ng pag-iisip niya. Pero meron pa. At mantakin niyo, ginagamit pa ang pangalan ko! Tsk tsk. Are you afraid? Is the weetow gurl afweyd??? Nyahaha.

what i can see in this is that mashado tinamaan si lagsh sa comment ni coolgrl, pero your blog, be it a forum or not is still for the public kya you can't help it na kahit ano, pede sabihin ng mga bumibisita.

I am not dumb like you so admit it that you are coolgrl. That is what you would like to think to make me feel bad, but sorry, I know better. Yes, I am helpless-anyone can say anything in my blog. Ang advice ko sayo, know your place in the cycle of life. Trajectory. This is my blog, so whatever I make as a statement in this territory of mine CANNOT be refuted as uncivilized as what you did, or else face my rebuttals with tinges of humiliation and insults.

The fact na anyone can visit this site, anyone can say kung ano opinyon nya. the thing is, don't mix emotion with reason ok. kc, it is obvious na na-offend ka lang.

Yes, I was offended in a way, but I was more ANNOYED with that narrow thinking of yours. I have a purpose of why I mix emotion with reason. Emotion with reason or reason with emotion, may I educate you, is the best way to communicate. OBVIOUS na na-offend LANG ako? Well, ikaw lang ang nagsasabi niyan, probably to boost your destroyed morale, because you know, NO ONE has sided with you by far. *roll eyes*

maybe you should try to understand din what your readers are saying, using the right perspective ha, kasi if you react saying bad words, it is so likely that you attract the same kind.

Why did I use bad words? Why, simple, dear! To annoy you. Yes. To annoy you. To offend you. To humiliate you. At sino ang naunang nang-insulto? Hindi ba ikaw? Oo, ikaw nga.

pag cool ka lang and take sometime to relax and think about what they meant, siguro ok. in having a website kasi, you don't have to expect na puro praises dahil magkakaiba mag isip ang bawat tao.

Hahaha! I guess you should be saying this to yourself! Have you thought about what I said? Kasi ako, I'm the type of person who considers and reconsiders, pero isa pa rin ang outcome ng aking pag-iisip: THAT YOU WENT OUT OF YOUR MIND. Way out. I like praises, but I don't expect praises, honey. I also entertain oppositions to what I say, but not as heathen-like as what you did. Don't tell me this liek only you know it. I know it, too.

you are so affected? it only shows this person who commented has even the power to make you feel those kind of bad emotions? so sino kawawa? di ba ikaw? you even take the effort na sagutin, which means nagsayang ka ng oras.

Come on, coolgrlinwhytsnkrs. Why don't you show up!? Are you that afraid of me? I had bad emotions, yes, but if I remained quiet, wouldn't your bitchness think that you have won this battle? Ang rule ko sa game na ito, whoever keeps silent will be the LOSER, and I don't intend to be a LOSER because I hate stupid people like yourself. I took an effort na sagutin, okay lang. Blogging is my hobby.

so, sino mas baluktot mag isip ngayon?

Sandali lang ha, parang wala ka pang napapatunayan. Do you actually believe that you have presented enough evidence showing that I'm out of my mind? Tsk tsk. Kung sa husgado lang iyan, kulang ka pa sa proweba tsang. Well, many visitors have said it: IKAW ang bali ang pag-iisip. Believe it.

don't let insecurity creep up and take the whole of you, ok!

Here goes your irrelevance again. What does insecurity have to do with this? Hahaha! Your stupidity amuses me. Respond back if you can. I can practice my English and logic on you.

Oh, by the way, stay on the issue, huwag kang e-evade. Iba na ang pinupuntirya mo eh.

"Si Lagsh, ang reporter..."

May biglang pumasok sa isip ko habang nasa UP noong Lunes.

Sa hinaharap, isa o marami sa mga kaklase ko sa Brodkast ay magiging field reporter o news anchor na. Makikita ko na lang sila sa TV one day, tapos sasabihin ko, "Aba! Kaklase ko iyan sa UP dati ah!" Pag umuuwi ako sa Pampanga, tapos manonood kami ng balita ng Ermatz ko, tapos makikita namin ang isang reporter, sasabihin ko sa Ermatz ko, "Ma, kaklase/kaibigan ko iyan sa UP!"

Ako ay isang taong tahimik, kaya hindi ko alam kung ano ang nasa kukote ko at pumasok ako sa isang kursong kailangang magsalita. Pero ngayon, alam ko na: nag-aasam ako ng kasikatan. Pero siyempre, hindi lang iyon ang rason.

[Isa sa mga] ambisyon ko rin naman talaga ang maging isang reporter o broadcaster sa TV, o kaya yung katulad ni Jay Taruc at Howie Severino na animo'y hobby ang paggawa ng mga dokyumentaryo. Kung pauso ni Jay Taruc ang black na bandana (o kung ano man iyong nilalagay niya sa ulo niya), papauso ko yung tanyag kong white cap, nyahaha! Sa mga field reporter, idol ko si Carlo Lorenzo sa ngayon (GMA 7).

Hindi ba magandang isipin na pagkatapos kong maggradweyt at kung papalain ay lalabas ako sa TV (gusto ko GMA 7 magbalita kasi mas magaling para sa akin ang news nila; UP halos lahat ng andun eh):

1) Bigla na lang akong makikita sa TV ng mga hayskul (at kung natatandaan pa ako, pati elementary na rin) batchmates ko at sasabihin sa kani-kanilang mga kapamilya na naging kaklase nila ako.

2) Bigla na lang akong makikita sa TV ng mga kamag-anak ko sa Porac, Pampanga, sa Olongapo, at sa kung saan pa nagkakalat ng lagim ang mga kaangkan ko at sasabihin sa kani-kanilang mga kakilala na may konek sila sa akin.

3) Bigla na lang akong makikita sa TV ng mga naging titser ko noong hayskul at elementary at, malay mo, sabihin sa klase nila na ako'y naging estudyante nila at one point in their life. Tapos, sabihin pa nun nila, "Iyang si Jason, noong estudyante pa iyan dito, ma-[adjective] iyan atsaka ma-[adjective]."

4) Bigla na lang akong makikita sa TV ng mga bumibisita sa blog ko (nyahaha!) at ng mga nagbabasa ng mga artikulo ko sa Peyups. Kapag naging reporter na ako sa GMA, buburahin ko na ang mga past entries ko at panibagong blog na. Mahirap ng mahalo sa intriga. Alam niyo naman, marami-rami ang mga nalait kong artista dito, kabilang na si Rainier doon.

5) At siyempre, ng aking mga magulang at ng mga nandito sa bahay. Enough said.

Kaya kung hindi niyo pa napapansin, last week ay may binago ako sa banner ko. Kung hindi niyo pa napansin, tignan niyo. :P Kinakarir ko na ang ambisyon kong maging isang broadcaster. Hindi tayo sigurado kung papalain ako.

Kapag hindi ko nakamit ang ina-ambisyon ko, alam kong may mga tatawa, may mga hahalakhak. "Iyan kasi!" sabihin nun nila. Kung marami o hindi ay hindi ko alam. Malay natin, simpleng empleyado lang ang babagsakan kong trabaho. Walang nakakaalam talaga.

Kaya minsan, tuwing nakikita ko ang mga "ordinaryong" (had to quote it) tao na namumusakan sa mga "ordinaryong" firms, naiisip ko, ito ba talaga ang pinangarap nila sa buhay? Sigurado akong hindi, at may mga pangarap sila sa buhay. Iba sa kanila ay gustong maging artista. Ang iba ay siguro gustong maging direktor sa TV. Ang iba ay baka gustong maging fashion designer. Yung iba, pornstar.

Ang Ermatz ko, gusto niyang maging manunulat ng pocketbook. Ang Erpatz ko ay gustong maging architect ng mga gusaling kakaiba. Hanggang ngayon, hindi pa nakakamit, at napapag-usapan na lang namin tuwing nasa hapag-kainan o tuwing brownout at tumatambay ako sa kuwarto ng aking Ermatz, kung saan kami nag-uusap tungkol sa anuman hanggang magkailaw muli.

Pero hindi lahat ng mga pangarap ay nakakamit, at hindi ka tatantanan ng mga pangarap mo hanggang kamatayan, unless kakalimutan mo ang mga ito ng kusa.

Maaabot ko kaya ang aking pangarap?

The Coņoticization Project

The Bulaklak
Coņoticized form of Bulaklak by the Viva Hot Babes

It's so mabango, it's so mabango
It's so mabango, the bulaklak
When you make amoy, when you make amoy
When you make amoy, it's so saya
It's so mabango
It's like so saya
Make amoy the bulaklak

It's like so laki, it's like so laki
It's like so laki, the bulaklak
It's so mapula, it's so mapula
It's so mapula, the bulaklak
It's like so laki
It's so mapula
The kulay of the bulaklak

Make buka the bulaklak
Make pasok the reyna
Make sayaw the chacha
It's so masaya
Boom ti yaya, boom ti yaya
Boom yah yah
Boom ti yaya, boom ti yaya
Boom yah yah

Like it's so kapal, like it's so kapal
Like it's so kapal, the bulaklak
Some are maliit, some are malaki
Some when made amoy are yucky
Some are so kapal
Some are so payat
Types of the bulaklak

Make buka the bulaklak
Make pasok the reyna
Make sayaw the chacha
It's so masaya
Boom ti yaya, boom ti yaya
Boom yah yah
Boom ti yaya, boom ti yaya
Boom yah yah

Bulaklak (bulaklak, bulaklak)
Sa buhay, we really need them
So that makulay this mundo

Bulaklak (bulaklak, bulaklak)
Sa buhay, we really need them
So that makulay this mundo

Limos at Charity

I have to let this out: Bakit mahilig magtinda ng sampaguita ang mga street children???

Dapat maghanap sila ng puwedeng itinda na mas magagamit ng sangkatauhan. Oo, alam ko, na sa katotohanan ay nagdedelihensiya lang ang mga iyon, na ang concept nila ay instead na walang makukuha ang taong mabait ang loob ng kung ano sa pagbibigay ng limos, at least, makakatanggap sila ng sampaguita.

Pero gayun din lang ang kanilang konosepto, dapat, ibigay na nila yung may praktikal na silbi sa iba't-ibang sektor ng lipunan.

Speaking of street children, meron na ring mga demanding na street children ngayon. Nasa Philcoa ako, kalalabas ko ng Mercudry ng biglang nilapitan ako ng isang street child, nagpapa-autograph! Joke lang. Namamalimos siya. Eh medyo kinakapos ako ng pera last week kaya mumunting dalawang piso na lamang ang naibigay ko. Dalawang P100 bill na lang ang nasa bag ko; alangan namang iyon ang mga ibigay ko.

Alam niyo ang sabi nung bata, "Kuya, sampung piso po."

Aba! Bago yun. Na-flabbergast ako. Sabi ko, "Hijo, estudyante lang ako."

Iba na talaga ang mga kalyeng-kabataan (street children) ngayon...

Noong minsang naman nagbabasa ako ng mag-isa sa Sunken Garden, nilapitan ako ng isang estudyante. Bili daw ako ng dried mango for P50, para daw sa charity. Bumili naman daw ako ng dried mango.

Pero may bumabagabag sa akin. Paano ako makakasiguardong hindi iyon isang raket??? Hindi uso sa akin ang "Hayaan mo na; kung ginamit niya yun sa ibang bagay, kasalanan na niya yun" principle. After all, hindi lang ng mga tao naniniwala sa kasalanan. Sabi nga ni LimpBwiZiT, I don't believe in sin; I only believe in crime.

Ayokong naagarabyado at naiikot ang ulo. Mas gusto ko pang ako mismo ang nagbibigay ng limos diretso sa pulubi kaysa sa mga charity-charity na iyan na mahirap ng pagkatiwalaan ngayon.

Metal Crown Of Thorns

Lookie my bracelet! P40 bili ko diyan. Naastigan ako eh. Parang contemporary crown of thorns. Nax!

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Mas marami ang mga lalaki kaysa sa babae sa Pilipinas. 100:97 ang ratio.


--> Hulyo 04 <--


     VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © 2004 Jason Laxamana
     Best View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color
     All Rights Reserved. All Wrongs Reserved. All Lefts Reserved.
     Ang mag-plagiarize ng kahit ano dito kakagatin ko sa singit!
     no girls were raped in the making of this website.