My Father's Writings
    This page is dedicated to my father, even though he is not with us anymore, i know in my heart he will remain... his memories, his writings will forever be here...
     The following poems are some of my favorites that were originally written by my father in his diary.
MOON
(Polomolok – 1970)

When I was young, I looked at you,
Enchanted by your beaming rays,
But not even in dream someday
Man will be there and will reach you.

The poets praised you in their verse,
The writers wrote nice lines for you;
I thought before that you are there,
Here for us men, to look at you

But, oh, you are so much enchanting
That scientists study about you;
Billion of dollars they have spent,
And to reach you was their dream.

Success was announced by America,
Neil Armstrong steps on you first,
Then Aldren Jr., who is his mate,
While Collins was in the Apollo 11 Command Ship.

Russia is still reaching for you,
I know someday they’ll succeed too,
But in my heart, I always know
Only in dream that I can reach you.



A SEED OF LOVE
(Polomolok – 1970)

I feel it sprout
Inside my heart
A strange feeling it was
At the start.

I asked myself what is
It about
This strange feeling that
I have.

I feel uneasy
Every night
I always want you to be
By my side.

Whenever you’re near me
I feel satisfied
Now I know, it’s a seed
Of love.



DEATH
(Polomolok – 1970)

You’ve visited a happy home
And suddenly it was in gloom,
You come like a silent thief at night
At time when men are not prepared.

You’re like a soldier in a mission
You never fail to do your goal;
You cut them short when they are good
But, why? When they’re bad you just ignored.

You work more than any priest can,
You frequented the hospitals,
And visited even the most distant places
That the priest can no longer reach.

In sea you go with the thunderstorm,
The wind, the waves that shake them all;
In war you make even the bravest soldier,
To shed his tears and say a prayer.

But, oh! Those who are in despair
They seek for you, you hide away;
Yet, those in sins you torment them
And took them when they’re not prepared.

I know that you and I someday
That time will come we’ll meet our way
I’ll welcome you, I’m not afraid
I’ll do my best to be prepared.



PAALAM
(Itinula sa Men’s Fraternity Day,
NDMC – 1967)

Isang araw may binatang sa ina ay nagpaalam,
Ina, ako ay aalis kayo’y aking iiwanan
Sa Vietnam ang aking tungo ng demonkrasya’y ipaglaban
Huwag kayong malungkot, kayo’y laging susulatan.

Sa malungkot na salita ng binatang nagpaalam
Yaong ina ay hindi na umimik ng kaunti man,
At ng hindi sumasagot yaong ina sa tinuran
Ang binata ay dagli ng nilisan ‘yong tahanan.

Ngunit ng makalayo’t sapitin ang tarangkahan
Ay ginimbal niyong tawag niyong inang iniwanan;
Yaong anak biglang pihit ay nasok sa kabahayan
At gaanong panlulumo ng kaniyang mapagmasdan.

Yaong inang nag-aruga, nagpalaki’t nagpaaral;
Yaong inang naging sakisi niyong kanyang kamusmusan
Yaong inang sa kanya ay walang sawang nangangaral
Itong inang sa pagdilim siya nang tinatawagan

Heto ngayon sa harap niya’t pandalas ang paghiyaw
‘Pagkat sa saya’y pumasok ang butiking naghabulan
Binata ay hinimatay sa nangyari’t nasaksihan
Kaya’t siya’y naiwanan niyong tropang nasa Vietnam.
DALAGANG PILIPINA (KAHAPON – NGAYON)
(Abril 28, 1970, Polomolok, South Cotabato)

Kahapo’y isa kang birheng tanging-tangi
Sa ugali’t kilos, sa salita’t gawi;
‘Sang libong pangarap at isang lunggati,
Tala ka sa nayon kahit dampang munti.

Buhok mong mahaba kay dalas laruin
Niyong nagdaraan na mabining hangin;
Sa batis, sa parang, kahit sa bukirin
Ikaw ay diwata sa aming paningin.

Nakaugalian na tapis sa baywang
Na sa bayan ta ay isang kasaysayan;
Ang mahabang damit ay s’yang katunayan
Sa linis ng puri nitong silanganan.

Kahit ang daliri ay di madantayan,
Palad ng masilip ang tikod ni Inday;
Sa iyo ang puri’y tanging kayamanan
Ang mawala ito’y anhin pa ang buhay.

Noon ang “oo” mo'y katumbas ng tanan
Kapag isinanla’y hanggang kamatayan,
Pag-ibig sa iyo ay sagradong bagay
Kaya’t di magawang ito’y paglaruan.

Matuling lumipas ang araw, ang taon,
Sa pagkakaidlip ng ako’y magbangon,
Nang ika’y magdaan at kita’y nilingon
Oh! Aba ng palad ang babae ngayon.

Buhok mo’y maiksi at ahit ang kilay
Saka ginuhitan niyong hugis sungay,
Kutis kayumanggi’y pilit tinatakpan
‘Sang tambak na “make-up” galing sa tindahan.

Damit mo’y “mini-skirt”, tapis ay nilimot,
Nabilad sa madla tuhod na sininop,
Napalit sa bakya’y tulis na sapatos
Seksi kung tawagin sa gawi at kilos.

Daliri mo’y parang kandilang may sindi
Sa singsing at “bracelet” ay parang krismas tri,
Ang lahat ng iya’y makabagong arti
Hiram sa dayuhang ayos sa sarili.

Wala ang ugaling di ka mahawakan
Dati’y napabantog sa bansang dayuhan
Ang “date” sa iyo ay karaniwan lamang
Sa payag at hindi ang mga magulang.

Ang kaanyuan mo’y pinutos na suman
Sa kahigpitan ng saplot sa katawan
Ang lahat ng hugis aninag na tanan,
Sinong di matukso na angkan ni Adan.

Sa pagmamasid ko sa ugali’t kilos
Moderno kang tunay sa buo mong ayos
Katulad ng dahon ng ika’y nahulog
Dagli kang tinangay ng matuling agos.



SA IYO AKING INA
(Sa ika-59 kaarawan ng mahal kong ina)

Ina tanggapin mo ang handog kong tula
Handog ng puso kong sa galak may luha
Sa araw na itong tangi’t pinagpala
Araw ng pagsilang sa balat ng lupa.

Sa tula ko ina ang aking dalangin
Buhay na angkin mo Kanyang palawigin
Malayo sa dusa at pagkahilahil
Ilang taon mo pa’y sa tuwa busugin.

Itulot po sana ng Poong-Lumikha
Ang angkin mong buhay ay bago mawala
Ika’y mahandugan ng ginhawa’t tuwa
Naming mga anak mo, iyan ang adhika.

Inang magsaya ka, magsaya ka inang
Sa araw na ito ng iyong pagsilang
Ilibot sa amin ang iyong pananaw
Puso’y matutuwa sa apong naglangkay.

Kaming naririto’y pawang masisiyahan
Sa araw na ito ng iyong pagsilang
At pati na ang naunang pumanaw
Kung sila’y narito’y maliligayahan.

Mga kapatid ko’t pamangking lahat na
At lalong-lalo na sa mahal na ama
Kahinlog ng buhay at lahat-lahat na
Ipagdiwang natin kaarawan ni ina.


ROSE
(Sa aking mahal na kabiyak)


R – osas ka sa hardin nitong aking buhay
      na sa aking puso’y pakaiingatan
      ang kagandahan mo’y hindi       
      mapaparam
      laging sasambahin magpahanggang
      hukay.

O – h, sa aking buhay ng ikaw dumating
      yaring aking puso’y naging masayahin
      nalayo sa dibdib ang mga hilahil
      at ang humalili ay tuwa at aliw.

S – a kapalaran ko anghel kang dumatal
      aliw nitong dibdib sa gabi at araw
      tala kang nagningning sa may
      kalangitan
      magiging tanglaw ko hanggang  
      kamatayan.

E – ngkantada mandin ang nakakaparis
      kung kita’y kapiling ako’y walang
      hapis
      ng dahil sa iyong pagsuyong malinis
      ako’y nagsatulang iyong maririnig.