UPDATES
11/19/2006
Natapos na ang KOMIKON 2006. Ngayon lang nag-update ng site. Pasensiya na. Salamat sa mga bumili na ng Digmaang Salinlahi, FRESH at Kubori Krash ni Michael David.
08/14/2006
Abangan ang pagbabago ng Minsan Ako'y Nanaginip. Ang Digmaang Salinlahi ay ang pang-apat na issue ng Minsan. Si Gabriel Dela Cruz muli ang artist sa issue na ito. Punta kayo dito para makita ang back cover na ginawa ni Elmer Damaso.
01/16/2006
Panibagong Taon na ulit. Ngayon lamang na-update ang pahina na ito.
Salamat sa lahat ng tumatangkilik sa Minsan sa Panaginip: Digmaang Salinlahi. Nailabas na ang ikatlong issue na iginuhit ni Jhomar Soriano.
Siya ang gumawa ng pagkaganda-gandang cover na ito, na ipininta niya
gamit ang acrylic. Astig! Mabibili na ito sa Comic Quest sa
SM Megamall at sa SM North Edsa.
08/29/2005
Dalaw kayo sa aking Blog
08/03/2005
Wow! Isang taon na pala hindi nagalaw itong website ko. Pero salamat at mayroon pa ring mga nag-iiwan ng mensahe sa tag board. Sa wakas, natapos na ang dalawang kabanata ng Minsan sa Panaginip:Digmaang Salinlahi. Para doon sa mga hindi nakabili ng kopya sa mga nakaraang convention, eto na ang pagkakataon ninyo. Mabibili na ang mga ito sa Comic Quest sa halagang 55Php. Sana'y magustuhan ninyo ang dibuho ni cheese (artist ng issue 1) at ng aking classmate na si Gabriel Dela Cruz (artist ng issue 2). Eto ang ilang sa mga pahina ng ikalawang kabanata.
07/22/2004
Maraming salamat sa mga bumili ng KOMIKS ATBP 3 noong nakaraan na Toy
Convention. May KOMIKS ATBP 3 sa UP Diliman shopping center sa loob
ng Sarabia Optical shop. Kasama sa komiks na iyon ang 9
preview pages ng Minsan Ako'y Nanaginp. Ngunit makikita niyo na
ang mga pahina na ito sa site na ito. Ang mga susunod na pahina ay ilalabas
sa susunod na KOMIKS ATBP (issue 4), na unti-unti nang nabubuo. Hanggang
sa muli!
05/29/2004
Progress report: Medyo matatagalan pa kami kasi meron pang inaayos.
Pero may natapos nang page. ayan. Cheese:
pencils; Kieren:
BG painting; Jon:
Story/ Inks / Colors/Finishes
03/22/2004
Progress report: na-ink ko na yung dalawang pahina na natapos ni Cheese.
Wahehehe...
02/23/2004
Hindi na ako makapaghintay na matapos ang komiks ko!!!
view Minsan preview pages in the gallery
02/10/2004
Lumabas itong KOMIKS ATBP noong C3Con. Ngayon ay mabibili na
ito sa UP Diliman Shopping Center sa loob ng Sarabia Optical.
Iba't ibang kwento mula sa mga magagaling na artists tulad ni Elmer
Damaso (Culture Crash), Michael David (Kubori
Kikiam),at Jun Monares (BlitzWorx).Kasama din dito ang SUNRISE
na nanalo ng 3rd place sa Best Independent Comicbook contest noong C3Con.
NOTE: R18 Naglalaman ng mga temang hindi angkop sa mga bata.
Bawal ang underage.
01/09/2004
HAPPY NEW YEAR!!!! Salamat sa lahat ng pumunta noong nakaraang
C3 Con. Maraming salamat din sa mga tumugon sa paghingi ko ng tulong
sa Minsan!!! Mayroon na akong mga nagawa na bagong drowing pero nai-upload
ko lang ang mga ito sa Deviant
Art ko. Naroon din ang mga drowing ni cheese para sa Minsan. Puntahan
niyo na lang ang DA ko.
11/30/2003
Masyadong maraming trabaho ngayon. Wala na akong masyadong oras para
gawin ang MINSAN AKO'Y NANAGINIP. Kailangan ko na ng tulong sa
paggawa nito. Kung ikaw ay isang artist o kahit inker
lang na nakatira sa mga lugar na malapit sa Katipunan, at interesado
na tulungan akong ipagpatuloy ang comics na ito, mag e-mail
lamang kayo sa akin. Maraming salamat po.