| ANG KABIGHA- BIGHANING ENCANTO NG MARIPOSA | |||||||||||||
| < -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------> | |||||||||||||
| Umuulan ng mga bilog at tula. And dula ni Federico Garcia Lorca na Ang Malupit na Encanto ng Mariposa ay nagawang pagsamahin nang maayos ang komedya (humor,) na dulot ng magaling nan pagsasalin sa wika, at ang drama, na mas pinabuti pa ng simple ngunit may sating na pagganap. Isang maayos na pag- arte ang nagawa ng mga aktor at aktres pagkatapos nilang maipakita ang kani- kanilang mga karakter na pinagmukhang dulang pambata ang presentasyon ngunit nakakatuwa sa mga matatanda. Ngunit, masasabi na ang karakter ng mga alakdan ay hindi angkop sa diwa ng istorya. Ang mga nakahalong patawa, na laganap sa kahit saang dula, ay tama lang at hindi eksaherado. Nakakamangha rin ang mga Salagubang Bukid na nagpaikut- ikot sa entabklado; hindi ba sila nahihilo? Matalino rin ang paggamit ng polka dots upang ipakita ang mga salagubang. Higit sa lahat, ang isang bagay na talaga namang maipagmamalaki ng dulang ito ay ang paggamit nito ng mga ilaw sa kabila ng kaliitan ng entablado. Nang ginawa na ang parte ng mga insektong may ilaw, sabay ng mabituing kalangitan, ang paglagay nila ng maliliit na bumbilya sa ibabaw ng mga manonood ay talagan namang nakakamangha, na ginawang elegante ang paligid. Naging matalino at malikhain ang produksyon sa dulang ito dahil sa paggamit ng mga bagay na bihira kong makita sa mga dulang napanood ko na. Ang mga bagay na ito ay tulad ng mga nalalaglag na bula, black light, at ang simpleng props na maganda rin naman. Ang istorya ay tungkol sa isang pamayanan ng mga salagubang na niligtas ang isang sugatang paru- paro. Nalaglag ang pagtingin ng Lalaking Salagubang sa paru- paro ngunit malalaman na walang ibang iniisip ang magandang paru- paro kundi ang kanyang mga anak. Nagsimulang isipin ng kolonya na nababaliw na ang Lalaking Salagubang na nagsimulang tumula nang tumula. Sa dulo, sinabi ng salagubang ang kanyang pagtingin sa paru- paro, at siya’s ginawang paru- paro, lumipad mula sa lupa. Ang pamagat ng dula ay medyo may ironya. Pagkatapos manood, malalaman na ang malupit na encanto ay ang kagandahan ng paru- paro na nagpatibok ng puso ng Salagubang. Ang pagtingin na ito ng salagubang ay hindi kom sinasang- ayunan dahil ang kanyang ‘pag- ibig’ ay dulot lamang ng angking kaganadahan ng paru- paro. Hindi gasnoon ang pag- ibig. Sabi nga ng mga Salagubang Bukid, ang pag- ibig ay kahibangan. Ang mga salagubang bukid an ito ay halimbawa ng isang komunidad kapag pag- ibig, pakiramdam, at desisyon ang pinag- uusapan. Mas nabibigyan pansin ang kanaisan ng isip o talino at nakakalimutan na ang kagustuhan ng puso. Isa itong dulang mairerekomenda sa marami dahil malayo ito sa konsepto ng patayan at seks. Marahil, maiuugnay sa kasaysayan ng kahit anong bansa ang istorya dahil naipakita nito ang pag- uugali ng mga tap na kuhain ang kanilang naisin kahit ito ay may pagka- imposible. Halintulad ng sa panahon ng mga mananakop, ginawa ng mga Pilipino ang lahat ng pakikipaglaban kahit gulok at tabak lang ang hawak laban sa mga baril. At sa panahon naman ngayon, makikita na kahit papaano ay sa atin ang ating bansa. Matutunan din mula sa dulang ito ang ideolohiya na ang totoong kailangan sa pag- unlad ng tao ay pagtatrabaho na pinakita ng mga Salagubang Bukid, at talagang kahit saang sibilisasyon ay may mga sugapa na sarili lang ang iniisip (alakdan). * Sinimulan ng isang maayos at matalinong mga galaw na sinabayan ng nakakapahingang mga kanta at tunog, ang dula ay maganda at kawili- wili sa kalahatan. Ang makapangyarihang nakakaantig na pagtatapos nito, na nagpakita ang kakayahan ng pag- ibig (?) ng gawin ang imposible, ay napag- isip sa akin kung mayroong kayang Part 2. |
![]() |
||||||||||||
| HOME | |||||||||||||
| KAS1 | |||||||||||||
| Feedback | |||||||||||||
| Copyright 2003 | |||||||||||||
|
|
|||||||||||||
| < -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------> | |||||||||||||