SINO ANG TRES HERMANAS?
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->
Tunaw na ang mga kandila sa may nesa nang, sa wakes, ay magsimula ang  dula.  Ano pa ba ang maasahan.
Hindi tulad ng ibang mga dulang pang- entablado na napanood ko na, tulad ng "el FIlibusterismo," "Noli me Tangere," "Ibong Adarna," at ang "Jesus Christ Superstar" na ako ay kabilang sa mga gumanap, wala akong alam sa istorya ng "Tres Hermanas."  Hindi rin ako bumili ng babasahin para malaman ang tungkol sa akda.  Nagsilbi itong hamon sa akin kung magagawa ban g mga actor na maihatid ang istorya sa akin.  Ak ay mayroong inaasahan.
Maganda ang pagkakaganap ng mga aktor na natulungan pa ng mga detalyadong damit.  Maayos ang mga props na ginamit at nagamit nang talagang maigi ang ilaw sa paligid sa pagpapakita ng ilang mga eksena.
Masasabi ko na ang istorya ay hindi talaga isang kuwento kundi isang pagpapakita ng mga aspekto ng buhay.  Ang naganap sa kabuuan ng istorya ay ang pakikipaglaban ng tatlong magkakapatid sa mga bagay sa kanilang paligid, tulad ng pag-ibig, mga ugali ng ibang tao, mga kontrabida, at mga pangyayaring hindi inaasahan, tungo sa katuparan ng kanilang kanaisan na makabalik sa Moscow.
Masasabing maganda ang pagkakabigay ng buhay ng mga gumanap sa karakter na kanilang ginampanan.  May mga lumitaw na talaga naming kapansin- pansin ang kagalingan sa pag- arte, tulad ng karakter ng tatlong magkakapatid, si Vershinin, at ang matandang katulong.  Ngunit, mayroon ding akong masasabing hindi talaga natumbok ang kanilang hangarin na maipakita ng lubos ang katangian ng kanilang ginampanan na umaasa lang sa damit na kanilang suot upang maihiwalay sa ibang tauhan.  Maganda ang pagganap sa karakter ni Natalya ngunit ang nagbigay buhay ang mukhang Intsik (?) dahil sa singkit na mata at medyo nalalayo siya sa kapaligiran.  Ang gumanap din kay Andre ay maayos ngunit nang oras na para siya ay magalit, ang maganda niyang pagganap ay medyo nabawasan dahil sa medyo hindi "lalaking" pag- arte ng kamay.
May mga oras din na ako ay napahikab.  At kung totoong nakakahawa ang paghihikab, nakuha ko iyon sa aking katabi.  Kasi, mas maayos kung ginanap sana ang dulang ito sa totoong entablado na kita ng lahat.  Ako kasi ay napadpad sa gilid dahil maaga akong dumating.  Hindi ko tuloy makita ng mga eksenang nagaganap sa kabilang dulo ng teatro.
Ang mga aral o pahiwatig ng istorya ay lubos na makikita sa dulong parte, at mauunawan pagkatapos ng dula, dahil na rin hindi ganoon "kasukdulan" ang sukdulan ng kuwento na nagpapakita lang na ang istorya ay para talaga magturo ng isang aral sa pamamagitan ng pagpapkita ng mga simpleng kaganapan na maaring mangyari sa tunay na buhay.
Makikita sa istorya ang pagbabago na nagaganap sa buhay ng isnag tao ayon na rin sa kanyang kapaligiran.  Lahat ng bagay sa mundo ay may ugnayan sa isa't- isa na nakaaapekto sa kanya at ang kanyang kilos ang nagsisilbing pamantayan sa kanyang pagtanda.  Ang konsepto na ito ay maayos na naipakita dahil na rin sa naging anyo ng pagkakalahad ng dula.
Pagkatapos manood, magagawang maalaala ng nanood na lahat ng bagya ay tatanda at dadaan sa pagbabago, tulad ng isang lugar na dinadaanan ng iba't- ibang tao na huhubog at gagamit dito ayon sa halu- halong intenyon.  Ang mga nais o hiling ng isang tao na maganap sa kanyang buhay ay kanyang pipiliting maabot gamit ang kanyang lahat ng makakayanan, na maaaring makabuti o makasama sa ibang bagay sa isa o ilang aspekto, direkta man o hindi.
Dapat suportahan ang ganitong mga dula na nagtatampok ng mga talento ng mga Pilipinong artista, at hindi lang ang panonood sa telebisyon ng mga palabas na inihahain lang sa mga manonood; dagdag pa ang matinding puwersa ng nga dayuhang ideya na dala ng mga palabas na sikat na sikat ngayon at mula sa ibang bansa.  Dapat ay pagtuunan din ng atensyon ng madla ang mga ganitong gawang sining dahil ito nay nakakalibang din naman habang pinapalawak ang kaisipan at kaalaman ng mga manonood, nagpapatalas ng isip ng isip.
HOME
KAS1
Feedback
Copyright 2003
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->