![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
PORMA NG PORNO | |||||||||||||
< -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------> | |||||||||||||
![]() |
|||||||||||||
Wala sanang masama sa porno, para sa akin; ngunit nang makita ko ang dokumentaryo ukol dito, medyo naiba ang pananaw ko. Masasabing pornograpiya ang kahit anong nagpapakita ng kalaswaan. Karaniwan ng porno ay nagpapakita ng mga taong nagtatalik ngunit alam nila iyon o bayad sila para gawin ang bagay na iyon. Ang mga tumatangkilik naman sa mga ito ay nais ang kanilang ginagawa. Kaya nga, wala naman talagang nasasaktan o naaargabyado sa bagay na ito. Wala nga lang itong paggalang sa moral, ngunit kapag may nais ang isang tao, karapatan niya iyon at nasa kanya kung paano niya kukunin iyon. Ang dokumentaryo ng I- Witness na “Porno” ay nagpakita ng tungkol sa Dumaguete Sex Scandal kung saan may mga babaeng nakikipagtalik sa isang lalaki na wala siyang kamalay- malay na may camera sa kisame. Ang kopya ay siyang inihahain sa makina upang ikalat sa mga siyudad. Ganito na kalayo, o kalala, ang narrating ng porno. Dito na marahil umaabuso nang todo ang pornograpiya. Ito ay siyang pinakamasahol na paglabag sa karapatan ng isang tao sa privacy. Sobra itong nakakababoy sa dignidad ng babaeng kasangkot. Pero hindi ba’t siya ring pumayag na makipagtalik doon sa lalaki? Kung mapapansin, mas maraming mga babaeng binabalandra ang katawan, ayon na rin sa mga pirating CDs na karaniwang nakikita sa daan. Hindi dapat pumapayag ang mga babae rito dahil ito ay nagpapakita ng kahinaan nila. Pumapayag sila sa ganitong bagay dahil wala silang makitang ibang paraan para kumita. Sa panig naman ng mga lalaki, sila naman ang naggagatong sa mga ito dahil sila ang karaniwang bumibili ng mga CD. Siguro, wala tayong magagawa rito dahil malawak na masyado ang sakop nito: internet, cellphone, mga pahayagan, at iba pa. Panay pigil lang ng gobyerno sa mga pirata, ngunit umuusbong din naman ang mga ito palagi. Mas lalong walang magagawa sa mga kumakalt sa cellphone. Wala rin naman magagawa ang mga institusyong simbahan at tahanan. Ang solousyon ay nasa sarili lamang natin. Hindi dapat ito tinatangkilik dahil kung wala ng naeenganyo rito, kusa itong titigil. Sa madaling salita, nasa isip lang ang pornograpiya. |
![]() |
||||||||||||
HOME | |||||||||||||
PANPIL 19 | |||||||||||||
Feedback | |||||||||||||
Copyright 2003 | |||||||||||||
|
|||||||||||||
< -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------> |