GANOON IYON
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->
Sa isang “genderless” na lipunan, paano mo mapapatunayan ang kasarian mo?


Mahirap nga naman magkaalaman kung ano ang dalawang magkatabi ay magkaibigan o magka- ibigan kung ang ating lipunan ay genderless o walang kasarian.  Ngunit, anuman ang kasarian nila, alam nila iyon at alam din iyon nung katabi niya sa isa o mahigit pa na dahilan..
Lalake ako.  Tignan mo na lang ang gamit ko at hindi ka na magdududa dahil sa gulo nito.  Baka nga hindi mo Makita ang pinto palabas.  Isa pa, wala ring singanda ang sulat kamay ko, parang kinalahid.  May pagkakataon din na walang paki ang isang lalake sa kanyang hitsura.  Ito marahil ang karaniwang katangian ng mga lalaki: may pagkamagulo sa paligid dahil na rin sa impluwensiya ng hilig sa aksyon o bayolenteng mga panoorin o bagay.
Ang isnag taong masinop ay karaniwang babae.  Kung ang lalaki ay masinop na parang babae, kung gayon, para siyang babae.  Kung makakita ka naman ng sobrang sinop o yung may serial code ang bawat bagay, marahil na lalake iyon.  Ang mga babae ay maarte ang sulat kamay, parang sa gamit nila, may mga disenyong bulaklak o anumang babaeng nakangiti. 
Saka kung makakita ka ng dalawang magkatabi, maaari mong tanungin ang isa kung siya ay may alam na sikreto nung katabi niya.  Kung mayroon, babae silang dalawa.  Masikreto kasi ang mga lalaki.  Tinatago naming sa sarili ang mga bagay para hindi magmukhang mahina.  Bawal umiyak.  Tanungin mo nag pinakamalapit kong kaibigan kung may alam siyang sikreto ko.  Sasagot iyon ng isang bagay na akala niya ay sikreto ngunit hindi pala.  Kung makapagsabi man siya ng sikreto, hindi siay lalaki dahil madaldal siya.
Ganun lang naman talaga.  Kung hindi ka pa makumbinse ay magpapakamatay ako.  (Ayon sa istatiska, karamihan sa mga nagpapakamatay ay lalaki.)  Ganyan ang mga lalaki, padalos- dalos sa desisyon.  Okey lang kasi na may risk, parang itong sinusulat ko, hindi ko alam kung tama.
My Favorite Links:
HOME
PANPIL19
Feedback
Copyright 2003
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->