LAGIM SA DILIM
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->
LAGIM NG DILIM
Marahil sa unang tingin, makikita ang istorya bilang nakakatakot at misteryoso dahil na rin sa elemento ng kapre sa puno sa tapat ng bintana at santelmo na pinaniniwalaang kaluluwa ng mga taong inabuso na naglipana sa paligid, ang maikling kuwento na ito ni Rosario Cruz Lucero ay tungkol lalo na sa opresyong sinasapit ng mga ordinaryong manggagawa sa mga probinsya.  Sila yung mga taong nagtatrabaho sa mga hacienda sa ilalim ng matataas na tao.
Kitang- kita na kinukumpara ng may- akda ang kahayupan na ginagawa ng may lakas (sundalo) sa mga taong walang laban.  Kung titignan, ang sinapit ng Virginia mula sa kapre ay kahalintulad ng sinapit ni Jose.  Kay Virginia, nangamoy ihi siya at amoy tabako dahil sa kapre; nandiyan din ang sumpa ng bato't buhangin; at ang paso ng tabako sa balat.  Kay Jose, nanagamoy sariling ihi siya dahil sa takot, at amoy din ng tabako mula sa kapitan ng pulutong ng sundalo; hindi rin siya makasigaw dahil nalulunok na niya ang lupa nang idukdok siya sa ditto; at pinaso rin siya ng tabako sa balat.  Ang kapre ay sa puno ng aratiles nagpapakita ng kababalaghan samantalang lingid kay Nena, ang kakahuyan sa paligid ng kanilang hacienda ay tila isang malawak na puno ng aratiles na kinakalatan ng mga masasamang loob.
Ginamit ng may- akda ang paulit- ulit na pagbanggit sa makataas- balahibong sindak na dala ng kapre sa pamamagitan ng pagpapalabas ng imahe ng anino sa pader, kasingkahulugan ng misteryo, kadiliman, ang tanging panghuhula kung ano talaga ang totoong nagaganap.
Dapat kasing tratuhin nang maayos ang mga manggagawa dahil sila rin naman ang dahilan kung bakit umaasenso ang isang tao.  Dapat isipin ng mga may kapangyarihan na nasa mga taong ito ang lakas kaya dapat lang silang respetuhin.  Ito rin ay dapat maranasan ng mga taong nag- aalok ng serbisyo sa kahit sang lugar. Sila ay mistulang mga bayaning nagpapadali ng ating mga araw- araw na gawain.

HOME
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->