GEYLUV: KAY HABA MAN NG PRUSISYON, SA WALA RIN ANG TULOY
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->
GEYLUV:
&#8230;KAY HABA MAN NG PRUSISYON,
SA WALA RIN ANG TULOY

Nakatingin sa labas ng bintana sa Benjie.  Alam kong nahihirapan siya.  Kinuha ko ang palad niya at pinisil ito.  Natuwa naman ako sa narinig ko.  Pero, kinabahan din ako.

AT GANOON NGA ang nangyari.  Tumira ako sa kanya.  Dalawang taon na nga ang lumilipas.  Sa totoo lang, nagging maayos naman lahat.  Sobrang caring niya.  Hindi ko ng alam kung saan niya hinuhugot yung pagiging maaalalahanin niya.
Ang tagal naman nung eroplano.
Hindi alam ni Benjie na may susunduin ako ngayon.  Ayan na pala siya.  Mas mahaba ang buhok niya ngayon at mas pumuti.
Mike! Sigaw ni Carmi.

Ang gulat lang ng bruha ng malaman niyang magkasama kanmi ni Mike sa iisang bubong.  Pero nagulat din ako ng makita ko siya.  Ang ganda niya ngayon, parang nawala ang kabaklaan ko.
Bigla naman ang balik mo?  Hinid mo man lang pinapahiwatig sa e- mail.
Gusto kasi kitang sorpresahin.
So, bakit ka bumalik?  Para sorpresahin ako?
Tumawa si Carmi.  Hindi lang iyon, Mike.
E, ano?
May mga nagging boyfriend kasi ako sa Texas.  Maayos naman kaso parang hindi nila mabigay yung nabibigay mo.
Nakuha ko na agad iyong sinasabi ni Carmi.  Tumahimik si Mike.  Hindi ko alam kung binubulong lang niya yung sagot niya para hindi ko marinig o napaisip talaga siya.  Wala ng bigas, kailangan ko ng lumabas.  Ayoko marinig ang sagot ni Mike na nandiyan si Carmi.

Pero, si Benjie&#8230; masasaktan siya.  Aaminin ko, naging duwag ako para sabihin iyon kay Carmi.  Pero napaisip ako.  May mga bagay kasi na hindi mabibigay ni Benjie sa akin; alam naman niya iyon, e.
Ano, Mike?  Puwede ba&#8230; tayo?
Napabuntong hininga ako nang malalim.

Pagbalik ni Benjie galing sa bilihan ng bigas, umuwi siya at nagkataong narinig ang mga salitang sumaksak sa kanya.  Pumunta siya sa akin.  Naiyak siya sa kakakwento niya.  Para siyang sirang plaka.  E, ano bang magagawa ko?  Wala naman akong kontrol sa kanila.
Makalipas ang isang linggo, nagpaalam na sa kanya si Mike.  Babalik daw naman siya, kapag hindi sila nag- work ni Carmi.  Well, pinayagan siya ni Benjie, halos matuyuan naman si Benjie ng luha.  Lumipas ang mga buwan.  Nagkakamustahan pa rin naman sila kahit papaano.  Pero hindi ko alam na kinimkim pala iyon ni Benjie.  Nagkatuluyan sina Carmi at Mike.  Best man pa nga si Benjie.  Ang saya- saya pa noon ni Benjie, pero sobrang lungkot pala niya sa loob niya.  Nasa honeymoon noon ang bagong kasal nang gawin ni Benjie ang hindi inaasahan.
Joana, napakasakit pala.
Wala iyon&#8230; Iyon lang ang nasabi ko&#8212;ang huling nasabi ko.

SIGURO GANOON NGA.  Humiling siya ng sobrang imposible.  Masuwerte pa nga ang baklang iyon dahil malayu- layo rin ang naabot ng relasyon nila ni Mike.  Hanga ako sa kanya.  Ako itong kababaeng taong panay ang siksik kay Mike, e hindi niya pinansin.  Marami akong alam na ganoon.  Mga magkaibigan na magka- ibigan ang turingan.  Ngunit hanggang ganoon lang lagi iyon.  Alam siguro nila na walang pag- asa.  Karaniwan sigurong binabalewala nung lalaki yung isa.  Pag tanga ba yung bakla, peperahan lang siya ang magbubulag- bulagan na lamang.  Masakit iyon dahil alam mong inaalila ka lang ng bobong pag- ibig&#8212;o ng lalaki&#8212;at magpapaalila naman ang gaga.   Wala akong magagawa.  Ganyan talaga kapag sinasagasaan mo ang bagay na hindi mo kayang banggain.  May mga bagay na talagang taliwas sa tadhana.
Pasensiya na, isang bulaklak lang ang dala ko.  Wala yung katabi ni Benjie.  Sa wakes, nandito na ako.. Napakalayo pala ng Los Baņos.

Van Bergado, HX
My Favorite Links:
HOME
Copyright 2003
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->