PASALAYSAY

PROJECT ELEMENT

1. WHAT INFORMATION TOOLS & TECHNOLGIES DID YOU USED TO COMPLETE YOUR CYBERFAIR PROJECT?

Ang paggamit ng ilang gamit na pang komunikasyon tulad ng telepono at cell phone ay malaking tulong sa amin sapagkat nakakolekta kami ng karagdagang impormasyon para sa aming proyekto. Gumamit din kami ng photocopy machine para makakuha ng kopya ng mga importanteng dokumento na bigay ng ilang may ari ng mga establisyamento.

Ang mga pinakabagong digital na kamera at scanners ay nakatulong din sa amin para sa mga kakailanganing mga larawang magsisilbing proweba at alaala ng aming karanasan.

Ang mga sumusunod na software ay tumulong sa amin para isaayos ang aming proyekto: Macromedia Flash, Adobe Photoshop, ang Dreamweaver na nagpaganda at nagsaayos ng itsura ng aming webpage.

 


2. IN WHAT WAYS DID YOU ACT AS "AMBASSADORS" AND SPOKEPERSONS FOR YOUR CYBERFAIR PROJECT BOTH ON-LINE AND IN PERSON.


Ang komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng personal na buhay ng tao at mahalagi rin sa negosyo, edukasyon, at iba pang mga sitwasyon kung saan ang tao ay makikisalamuha sa kanyang kapwa. Ang pagkakaroon ng galing sa pakikipag-usap ay isang mahalagang salik sa pakikipanayam, pagsasaliksik at pakikisama sa ibang tao. Sa tulong ng bagong teknolohiya, napakadali para sa atin ang makisalamuha lalong lalo sa mga taong halos wala nang oras sa ibang bagay. Ang pagkakaroon ng pulong kasama ang mga tao na hindi namin kilala ay isang mahirap na karanasan para sa amin sa dahilang ang iba sa amin ay mahiyain. Bago kami makipanayam, itinanim namin sa aming mga isipan na dapat magkaroon kami ng mainam na kumpiyansa sa sarili at dapat mayroon kaming kaalaman at determinasyon para sa isang matagumpay na paggawa ng webpage. Bilang bahagi ng aming preperasyon, kami'y nararapat na mag-mukhang kagalang-galang, handa sa anumang tanong na aming itatanong, para maging handa kami sa araw bago ang panayam, naglaro kami ng tongue twister para hindi kami mabulol, nag ensayo din kami ng ilang galaw ng kamay at nag aral ng ilang importanteng kaalaman sa Pagtatalumpati sa harap ng publiko. Para sa amin, ang oras ay isang mahalagang bahagi ng proyekto kaya hinati namin ang aming grupo sa dalawa para matapos namin ang aming proyekto sa pinaka-madaling panahon. Napaka - suwerte namin dahil ang mga tao sa likod ng aming impormasyon ay nagpakita ng magiliw na pagtanggap. Sila'y tuwang tuwa sapagkat ang kanilang tindahan ay makikita sa web. Inaamin namin na maraming oras ang nasayang dahil sa ilang mga dahilan. Pero ngayon, alam na namin ang tunay na halaga ng oras. Napagtanto ng aming grupo na masaya palang makisalamuha ibang tao at magkaroon ng simpleng panayam kasama nila.


3. W HAT HAS BEEN THE IMPACT OF YOUR PROJECT ON YOUR COMMUNITY?


Sa nakalipas na tatlong taon, an aming naging entry sa CyberFair ay ang Pipol, Pooliticos at Malabon:C.U.B.E. Ngayong taon, ang aming entry ay pinamagatang Pancit Malabon Festival. Itong mga website na ito ay magsisilbing reference ng mga kabataan na gusting malaman ang mga tao, lugar, at mga produkto ng Malabon.

Partikular ngayong taon, ito'y magbibigay ng mga impormasyon katulad ngtungkol sa pinagmulan ng Pansit Malabon. Ito'y nagbibigay sa amin ng opurtunidad na maging instrumento sa para mapakilala ang mga produkto sa Malabon. Kahit papaano ay nahikayat namin ang mga tao na tangkilikin ang sariling atin kahit sa maliit na paraan. Natulungan din namin ang Department of Tourism na maparami pa ang mga dayuhan na pumupunta sa ating bansa. Ito ay paraan na mapaganda pa ang relasyon ng mga eskuwelahan at iba pang negosyo sa ating bansa, sa pamamagitan nito malalaman natin ang adhikain at plano para sa ikabubuti ng kumunidad. Bilang tagapagtangkilik ng mga Pansit Malabon, kami ay mapalad na makilala ang mga tao sa likod ng tagumpay na ito. Dahil sa kumpitisyon na ito ay nahikayat kami abutin ang mga pangarap namin at tangkilikin ang mga rpodukto natin. Kami ay tinuruan na mas maging matiyaga at practical. Ang pinakaimportante ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat miyembro ng grupo.

Dahil sa paghahanap ng mga sagot sa aming mga tanong nalaman namin ang mas malalim na kasagutan at kahit kami ay nabigla sa aming nadiskubre at nalaman.


4. HOW DID YOUR PROJECT INVOLVE OTHER MEMBERS OF YOUR COMMUNITY AS HELPERS AND VOLUNTEERS?


Sa mundong ating ginagalawan, walang limitasyon sa paghahanap ng pinaka- bagong teknolohiya na maaaring magpabilis ng ating gawain. Ngayon sa mga panahong ito, natuto kaming gamitin ang aming mga abilidad para matulungan ang patuloy na kahirapan ng ating bansa. Nais naming gamitin ang teknolohiyang ito para tugunan ang mga suliranin ng bansa. Isa na rito ang Computer, ito ang pinaka epektibo at mapagkakatiwalaang makina na maaring sandalan ng mga tao sa ilang mga transaksyon na kanilang dapat pag- usapan. Kami'y nagiging instrumento ng maraming kabataan na nagbabahagi ng sapat na kakayahan para gamitin ang aming talento upang makatulong.

Ang Pilipinas ay isang magandang bansa. Ang kariktan ng kapuluang ito ay nagsisilbing paraiso. Subalit napakarami pa rin ng suliranin ng bansa. Isang layunin para sa atin ang makahanap ng tamang solusyon sa mga problemang ito. Isa sa mga kayamanang ito ay ang husay ng mga Pilipino sa Pagluluto. Dahilan kung bakit ninais naming ilikha ang website na ito, ang pagkain na siguradong magugustuhan ng mga Pilipino: ang Pansit Malabon. Nararamdaman namin ang lahat ng kahirapan sa buhay, kaya lahat ng uportunidad ay aming isinagawa.

Ang proyektong ito ay makakatulong sa ating bansa para maglabas ng mga produkto at mailathala gamit ang internet. Sa paraang ito, napakadaling maakit ng mga mamumuhunan sa ibang bansa. Maari silang magbigay ng maraming trabaho sa ating bansa. Seryoso po kami sa paggawa ng plano ng website na ito. Ipinakita namin ang aming galing sa proyektong ito. Isa ang gumawa ng disenyo ng web habang ang iba nama'y nagsagawa ng panayam at pananaliksik sa lahat ng tao sa likod ng Pista ng Pansit Malabon at gumawa ng mga artikulo. Sa makatuwid, ibinigay nito sa aming grupo ang kumpiyansa sa aming mga sarili para ipagmalaking ipakita ang aming website.


5. DISCOVERIES, LESSONS AND SURPRISES

Isang ordinaryong araw ng Miyerkules, December 8, 2004 ng magsimula ang aming misyon. Isang misyon na sumubok sa talento at kakayahan namin, sumubok sa katatagan ng aming grupo at naghubog sa amin sa isang mas mabuting indibidwal dahil sa mga pag-uugaling aming natutunan. Maraming mga masasaya at hindi makakalimutang pangyayari ang nagbigay tuwa sa amin at nakawala ng pagod na aming nadarama.

Sa tuwing kami ay magsasagawa ng pakikipanayam, laging may natataon na okasyon. May ikinakasal at naghahanda ng kaarawan. Minsan kami'y nagbiro at nasabing kulang nalang may namatayan. Sa hindi inaasahan nakasalubong kami ng karo ng patay.

Hindi kami sanay sa lugar at hindi karaniwan para sa amin ang aming mga nakikikta. Nang pupunta kami sa Floresco kung saan aming sanang kakapanayamin and mahalagang tao, ay nagulat kami dahil biglang inihinto ng drayber sa harap ng morgue sa banding kaliwa at punerarya sa kanan. “ Kuya, sa Floresco po.. Floresco, yung kay Mr. Jojo Flores”. Sinabi ng drayber na iyon na nga talaga ang lugar na aming hinahanap at wala ng iba at biglang niyang sinabi na “ Bakit patay ba ang pupuntahan niyo? ” Magkahalong pakiramdam ang aming nadama, hindi namin alam kung matatawa o maaasar kami. Hindi niya alam na ang taong tinutukoy namin ang siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng pinakaunang Pancit Malabon Fetival.

Sa Malabon din kami unang nakakita ng kakaibang disenyo ng traysikel at talagang bukod tangi ito. Kami ay lubos na namangha kaya hindi naming pinalampas ang pagkakataon para sumakay. Nagkasya kaming pitong magkakagrupo.

Halos araw-araw ay may mga hindi inaasahang pangayaring na nagbibigay sa amin ng kasiyahan at aral. Kami na mas pinatibay ng Cyber Society at may mga bagong kaalaman para harapin ang anong krisis na darating.


Copyright © Pancit Malabon Festival 2004
No part of this website may be copied or reproduced in any form without the prior written consent of the webmaster.
All Rights Reserved 2004. Email the webmaster.