MESANDEL V. ARGUELLES
Estranghero ni Baudelaire
THE AUTHOR HOLDS THE COPYRIGHT TO THIS POEM. THIS IS POSTED WITH PERMISSION FROM THE AUTHOR.
THIS IS PART OF THE LITERATURA READING SERIES |  CLICK HERE TO GO BACK TO LITERATURA
Kung  ang  mga  patak  ng  ulan  ay  mga  linya  ng tula at
mistikal   na   bumababa   mula   sa   mga  ulap,  ako  ang
estranghero ni Baudelaire na umiibig sa mga ulap.

Lumalakad nang payapa at marahan ang  kagampang  mga
ulap at humihimpil sandali sa tapat ng aking tahanan upang
ibuhos ang kanilang masaganang galak.

Kahit  inaasahan,  nagugulat  pa  rin  ako  pagkatok  nila sa
aking    bubungan.   Mataman   kong   pinakikinggan   ang
kanilang  ritmong bagama’t  paulit-ulit  ay  waring palaging
iba sa huli.

Paano  ko  isusulat  ang  mga linya ng tulang mga patak ng
ulan?   Maiksi  ang  kanilang  pag-iral,  liban  kung  siyam-
siyam,  at  bago  ako  matauhan  ay  pahagikhik  na  silang
lumilisan sa mga kanal

at  daluyan  patungong  ilog,  patungong dagat.  Kung may
ilan  akong  tula,  sinahod  ko  ito sa ilang nagdaang unang
ulan   ng   Mayo   at   ipinanggagamot   sa  malubha  kong
kalungkutan.


This poem is part of the collection that won Third Prize for Tula in the 2005 Palanca Awards


1