MESANDEL V. ARGUELLES
Ang Kabutihan ng Tuluyan
THE AUTHOR HOLDS THE COPYRIGHT TO THIS POEM. THIS IS POSTED WITH PERMISSION FROM THE AUTHOR.
THIS IS PART OF THE LITERATURA READING SERIES |  CLICK HERE TO GO BACK TO LITERATURA
Isang gabing umuulan, nakisilong ako sa tuluyan. 

Nais  kong  magpahinga  mula sa mahaba bagama’t putol-
putol  na  paglalakbay.  Nais  kong  huminga nang medyo
maluwag  upang  dugtungan pa ang maaabot ng hakbang. 

Sa paanan ng pinto ng tuluyan, nadama kong kay buti ng
anyong  tumanggap  sa  akin.   “Halika,  kaibigan,” aniya. 
“May laan akong silid para sa iyong pananatili.”


This poem is part of the collection that won Third Prize for Tula in the 2005 Palanca Awards


1