MICHAEL KHO LIM
Lalake Ako
THE AUTHOR HOLDS THE COPYRIGHT TO THIS POEM. THIS IS POSTED WITH PERMISSION FROM THE TRANSLATOR.
THIS IS PART OF THE LITERATURA READING SERIES |  CLICK HERE TO GO BACK TO LITERATURA
Nagpakalalake ako
dahil gusto mo,
lalake ako sa mata mo,
higit sa lahat
sa mata ng girlfriend mo.

Sinunog ko
ang Playgirl collection ko,
kahit pilit na pinapatay ng luha ko
ang nagnanasang apoy.

Pinagupit ko
ang long hair ko,
kahit nagsitaasan
ang mga kilay ko.

Pinamigay ko
ang make-up kit ko,
kahit biglang namutla
ang mga pisngi ko.

Pinatupi ko
ang mga hinliliit kong tumitikwas,
kahit naloloka at nagtataka
ang walo pa nitong kasama.

Pinaunat ko
ang kulot kong boses,
kahit mula soprano
ay tenor na lang ako.

Dinagdagan ko pa ng “pare”
ang bawat pangungusap ko,
kahit tumigas pa
ang English twang ko.

Nagpakalalake ako
hindi
dahil gusto mo,

dahil gusto kita.



1