KPB Logo KPB Header

HOME I SITE MAP I SITE LINKS I PHOTOS I ABOUT KPB



KPB 2 ULIT PINARANGALAN
SA GAWAD SK 2003!



     Dalawang plake ng pagkilala ang iginawad sa Kabataang Pag-Asa ng Bayan ng Sangguniang Kabataan Federation of Valenzuela sa ginanap na Gawad SK 2003 sa Valenzuela Sports Complex, Maysan noong Agosto 23, 2003.

     Ang parangal ay bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2003 na may temang "Kabataang Dangal ng Lipunan , Itaguyod ang Bayang Kinalakhan."

     Ang "Natatanging Youth Organization for Culture and The Arts" ay iginawad sa KPB dahil sa mga kontribusyon ng samahan sa paghubog ng mga talento ng mga miyembro nito sa larangan ng pag-awit, pagsayaw, at pag-arte sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng workshops.

     Ang Cultural Brigade ng KPB ay madalas na naiimbitahan upang magtanghal sa mga pangunahing okasyon ng lungsod.

     Iginawad rin sa KPB ang "Natatanging Youth Organization for Education And Capability Building".

      Patuloy ang ginagawang pagbibigay ng mga seminar at orientasyon sa mga miyambro ng KPB ukol sa Nayonalismong Pilipino, bolunterismo, at pamumuno.

      Labis namang ikinatuwa ng samahan ang nasabing mga parangal.

     "Nagpapasalamat kami at nabigyan ng pagkilala ang aming mga nagiging paglilingkod sa kabataan."pahayag ni Kasamang Julius Pelonia, Pangalawang Pangulo ng KPB-Batch 1 at miyembro ng kalihiman.

     Nangako ang samahan na ang natamong pagkilala ay magsisilbi sa kanilang inspirasyon upang lalo pa nilang pagibayuhin ang kanilang paglilingkod sa kabataan ng bayan ng Valenzuela.




Kabataang Pag-Asa ng Bayan
3rd Floor, Aurea Bldg. Maysan, Valenzuela City
Tel. No. 277-70-40


All Rights Reserved
2003
Rio Pamposa Jarlega