| Sagipin ang Kampanaryo ng San Diego de Alcala | ||||
| Home Page
Guguho ba ang
tore?
City Engineer's Report
Media Releases Abante Tonight Today @ABS-CBN News Philippine Daily InquirerLinks National Historical Institute National Commission for Culture and Arts
On the Preservation and Restoration Train Priests to Protect Properties of Church Church Takes Steps to Secure It's 'Wealth' Heritage Consevation Society Bureau of Mines & Geosciences
|
San
Diego de Alcala Church and Bell
TowerANG KAMPANARYO NG ATING KASAYSAYANSa isang maaliwalas na araw, sa pagdako natin sa Polo, naipalagay mo na ba ang sarili na wala na ang lumang kampanaryo? Ang kampanaryong hindi nagawang buwagin at iguho ng mga himagsikan, ng mga kalamidad, ng mga digmaang pandigdig? Ang kampanaryong kumakatawan sa ating bayan hanggang ngayon ay napipintong iguho hindi ng natural na kalamidad, hindi ng giyera, kung hindi ng kapos na kaalaman at interes (o ang kawalan ng interes) sa kasaysayan.
“Almost on the margin of the lake, in the midst of meadows and paddy-fields, lies the town of San Diego. From it sugar, rice, coffee, and fruits are either exported or sold for a small part of their value to the Chinese, who exploit the simplicity and vices of the native farmers.”-
|
Taong 1632
nang itayo ang unang simbahan ng San Diego de Alcala. Kasabay ng mga
itinayo noong panahong iyon, nahahati sa apat na bahagi ang pagkakagawa sa
simbahan: ang mismong simbahan, ang sementeryo, ang kampanaryo, at ang
binyagan. Karamihan sa ating mga ninuno ay tumanggap ng sakramento sa
paanan ng ating kampanaryo. Ang kampana ang nagsilbing tagapagpaalala sa
ating pananampalataya, tagapagbigay-babala sa mga panganib na dumarating,
giya sa mga manlalakbay, tagapagbunyi sa mga mahahalagang pagdiriwang, at
kanlungan ng mga napapagal Hindi mga pari ang gumawa ng ating kampanaryo. Ginawa ito ng sama-samang bisig ng mga mamamayan ng Polo. Ginawa ito bilang pagtupad sa atas ng puwersahang pagtatatrabaho (forced labor) na kung tawagin sa Wikang Kastila ay polo y servicios. Bawat isa sa ating mga ninuno ay may ibinahaging pawis, kundi man dugo, o buhay sa kampanaryo, at sa simbahan sa kabuuan. Sa panuntunan ng kasaysayan, ang dapat laging unahin ay ang pangangalaga at proteksiyon sa isang dambana, o restorasyon kung may kailangang kumpunihin. Tandaan na walang anumang ipinagiba ang muling itinayo na taglay pa rin ang ganda pati na ang kahulugan at gampanin nito sa buhay ng mga tao. Sentimental value madalas nating tawagin ang pagpapahalagang ito. At batid natin sa ating sarili, na tayo man ay nagkikipkip ng ganitong katangian ng pagpapahalaga sa ating mga gamit, lalo’t higit pa kaya sa lunsaran ng ating pananampalataya.
|
||