Jojo Acuin's Mid Year Shocking Predictions

JUDY ANN SANTOS 

Siya pa rin ang mamamayani at mangungna sa Iahat ng mga kapanabayan niya. Ilang taon pa ang itatagal ng kasikatan ng isang Judy Ann Santos. Pero hindi niya malalalampasan ang mga naabot nina Vilma Santos at Nora Aunor.

Masuwerte ang hatid para kay Judy Ann Santos ng taon ng mga kuneho. Pero bago matapos ang taong ito, magiging mahigpit ang labanan nila ng magiging kakumpitensiya niya sa kasikatan.

Kaya dapat na mag-ingat si Judy Ann dahil isang pagkakamali lang niya ay maari na siyang malampasan ng karibal na ito.

Pag-ingagtan din ni Judy Ann ang kalusugan niya dahil nararamdaman kong maaaring maospital si Judy Ann bago matapos ang taong ito. Accident prone din si Judy Ann Santos sa taong papasok. Kaya dapat din siyang mag-ingat sa mga sinasakyan niya. May isang TV show na gagawin si Judy Ann na paiba-iba ang makakatambal mya.

Hindi na bagay para sa isang Judy Ann Santos ang may ka-loveteam mapa-pelikula man o mapa-telebisyon. Mas kakagatin siya kung iba ang makakasama niya. Isang acting award ang tatanggapin ni Judy Ann.

CLAUDINE BARRETTO

Bagama’t isa sa pinakamatagumpay na taon para kay Claudine Barretto ang taong 1999 ay may posibilidad na bumaba ang kanyang popularidad. Ito ay kung magiging pabaya siya.

Ang kasikatan ng isang Claudine Barretto ay malayo ang mararating pero kung hahayaan niya ang mga negatibong nasusulat sa kanya at mas bibigyan niya ng prayoridad ng larangan ng pag-ibig ay malamang na matulad din siya sa kapatid niyang si Gretchen Barretto.

Maraming mgag tagahanga si Clauding at isa siya sa mga makikipag-agawan sa trono ng mga susunod na Vilma Santos Nora Aunor, Sharon Cuneta at iba pang mga sikat nating artista pero dapat ay seryosohin niya at mas bigyan ng halaga ang kanyang career.

Dobleng pangangalaga sa katawan ang payo ko kay Claudine sa taong ito. May
nararamdaman akong maaaring mapasok nang matagal sa ospital Si Claudine.

Hindi lang sina Vilma Santos, Maricel Soriano at Sharon Cuneta ang makakasama ni Claudine sa pelikula, isang pelikula din ang gagawin ci Claudine na kung saan makakasama niya ang isang foreign actress.

Magkakaroon ng award si Claudine sa taong ito.

JOLINA MAGDANGAL 

Tuluy na tuloy na ang pagiging matagumpay ng career ni Jolina Magdangal. May gagawing isang seryosong pelikula si Jolina at may katiyakang mag-hit Ito sa takilya. Ito din ang pelikulang pag-uusapan tungkol kay Jolina.

Tatanggap ng award si Jolina hindi lamang sa pagiging artista kundi sa pagiging isang modelo niya sa mga kabataán. Huwag na sanang bumalik si Jolina sa pakiki-pagloveteam dahil hindi ito makatutulong sa kanya.

Isang manliligaw ang mula sa pulitikong pamilya ang mai-in love kay Jolina. Isang bagong negosyo din ang kanyang bubuksan para sa taong darating at kagaya ng nauna niyang negosyo ay magtatagumpay na ito. Ingatan lang sana niya ang pakikipagtransaksiyon dahil may nararamdaman akong mapapahamak si Jolina dahil sa bagay na ito.
 

[Source: Super Teen Magazine, July 18, 1999]