Isang umaga.. pinakakain ni Superpekpek Yellow ang kanyang mga alagang pusa.. ay lumabas si Mia upang humingi ng pambili ng softdrink. Agad namang nagbigay ang Superpekpek. Dali daling nagtatakbo ang longkatuls, bitbit ang payong papunta sa tindahan para bumili ng softdrink.. kailangan nyang magmadali dahil paborito na nyang soap opera ang susunod sa commercial.Ang ibang Superpekpek ay nagsipasukan na sa kani-kanilang mga trabaho. Samantala si Brenda naman na animo ay laging sabog ay nakatayo sa likod ng kinauupuan ni Superpekpek Green at nakatanga. .. Talaga namang sumasama na ang tingin nito sa Superpekpek dahil ang huli ay nanunuod ng Ingles na palabas... "Litsi, kanina pa sila nuod ng nuod ng tv.. dapat naman ay kami na.. bah.. tapos na kami maglaba ha.. nakapagluto na.. ukininam!"bulong nito. Hindi na nakapagpigil ang longkatuls kaya naman...
Brenda: Ati..
Superpekpek Green:*ayos upo* Maganda to..
Brenda: Sabi ko nga ate.. *simangot*
Superpekpek Green: Hmm.. baket? palabas na ba ang paborito nyo na bang soap opera?
Brenda: Oho ate..
Superpekpek Green: Natapos nyo na ba ang inyong mga gawain? nakapaglaba ka na ba? nakapagsaing?
Brenda: *eksayted* Oho ati, kanina pa hu.. ginawa ko na lahat..
Superpekpek Green: Ah ganun ba... sige dun ka na sa labas.. paliguan mo ang aso...
Walang nagawa ang dakilang longkatuls kundi lumabas at ayusin ang aso. Bubulong bulong ito habang pinaliliguan ang aso.. ang aso naman ay walang humpay sa paghiyaw dahil na rin sa sakit ng mga hampas ni Brenda. Dumating ang isa pang longkatuls na hingal na hingal dahil na rin tinakbo nya ang tindahan sa pagaakalang makakapanuod sya ng soap opera. Ng madatnan ni Mia si Brenda na ginugulpi ang aso, ay nalaman nya na hindi sila makapanonood ng paborito nilang soap opera.. kaya naman ang dalawang katulong ay pumunta sa likuran at duon nagtawanan ng nagtawanan habang nag-uusap sa Ilokano. Malamang minumura na nila ang kanilang mga amo, e ano? Ukininam din nila! Ganun din naman si Elsa... kakabukas nya lang tindahan... at huhuni huni pa ang ating bida. Mukhang maganda ang kanyang umaga, ng dumating si Mang Gusting.
Mang Gusting: Anak... mamaya nga ay humingi ka ng kaning baboy sa bago nating kapitbahay.
Elsa: Daddy, hindi ko ho kilala...*linis ang kayudan*
Mang Gusting: Naturalmente! Bago nga eh! Ibig sabihin new! Alangan naman kakilala mo na agad e kitang kakalipat lang nya...
Elsa: *yamot* Oo na hoooooo!! Sige na daddy, dun ka na sa tindahan ni Aling Selya at sya ang bwisitin mo.. Ke aga aga inaasar mo tindahan natin.. hindi naman sa itinataboy ko kayo.. pero parang ganun... sige na daddy!! Gusto mo bang malugi tayo at hindi tayo makabayad sa upa?
Mang Gusting: Lintek kang bata ka.. wala ka ng galang sa ama mo ha!! Kundi lang ba iniisip ko ang negosyo natin ay hindi ako tatambay sa isawan ni Selya my labs ko.
Elsa: *nandiri* YUCCCCKK!! *abot ang beinte pesos* Ayan ho.. dun na kayo.. papatawag ko na lang kayo sa tambay pag dumating na ang delivery ng mga nyog at buko..
Umalis si Mang Gusting at dun magkakalat ng malas sa tindahan ng may tindahan. Napagisip isip ni Elsa na me point din naman pala ang tatay nya kahit na gahaman na ito sa isaw. At ang utak ay nabalutan na ng taba at cholesterol... dapat na nga nyang kilalanin ang kanilang bagong kapitbahay. Ilang buwan na rin naman mula ng umalis patungong maynila ang pamilya nila Asunsyon, na isang certified squatter. Nakakuha ng lupa sila Syoning ng magkasunog sa North Harbor. "Tama.. get to know ko sya later...dalan ko sila ng nyog..." Ang tinutukoy ni Elsa at ni Mang Gusting ay si Kliphy, tubong Cebu City ang kolokoy at napadpad sa bayan nila Elsa ng lumubog ang barkong sinasakyan nito. Siya ang nakaloko kay Syoning na ibenta ang kanilang lupa at bahay sa murang halaga.
Lumipas ang maghapon at si Elsa ay masayang nagkayod, nagbiyak at naglamas ng nyog...Ang mga tao sa barangay ay matiwasay na namuhay.. Nagtsismisan, tumambay at nag-aksaya ng pera at oras sa walang kapararakang bagay. Nagdeliver ng nyog at buko si Baho at tulad ng dati-- pinalayas na naman sya ni Elsa ng magsimulang tumulo ang laway nito habang nagkakayod ng nyog ang ating bida. Pagkasara ng tindahan ay sinundo ni Elsa ang ama sa tindahan ni Aling Selya... Pag-uwi ay pinagsaing nya ito... habang ang ating bida ay naligo upang maalis ang amoy at pagod. Nagpaalam sya sa ama na mangangapitbahay sya upang makipagkaibigan sa mga bagong kapitbahay... kumatok ang lukaret na si Elsa.. at nagbukas ang pinto.. lumabas ang isang kyutipay na lalaki.
Elsa: *nakonsyus* ah.. eh... hello..
Kliphy: *ngiting maganda* yes dear? you knocking on my door?
Elsa: ah.. yes.. I.. I was.. you know.. like this o *katok sa pinto* I'm your neighbor, my name is Elsa...
Kliphy: Hello Elsa, I'm Kliph. *shake hands* What can I do for you that you cannot do for me?
Elsa: Do you know Tagalog?
Kliphy: *Grins* aaah.. so you notice my English huh? No problem in that areas you know... I understand Tagalog, just that.. I cannot speak it well.. Bisaya man ako.
Elsa: *diri ng konti* aaah... Kasi tatanong ko lang kung meron kayong tutong..
Kliphy: Ah.. tutong.. yes, I have that..
Elsa: Pwede makahingi? Konti lang .. para lang sa dadi ko na adik..
Kliphy: Come inside, you're the next contestant on the right is priced!!!
Napatanga si Elsa kay Kliphy dahil na rin sa kakaiba nitong paraan ng pagsasalita. Pumasok ang ating bida sa bahay ng ginoo at naupo sa isang sofa duon habang hinihintay ang pagbabalik ni Kliphy dala-dala ang tutong. Napansin ng dalaga na malinis ang kapaligiran.. "Masinop na lalaki ang isang to" sabi nya sa sarili.. Nakita din ng babae ang kompyuter ni Kliphy. At lalo syang napatanga.. "Wow, hanep.. rich sya.. meron syang automatic typewriter na nakakabit sa TV." Lumabas si Kliphy mula sa kusina, dala dala ang isang supot ng tutong.
Kliphy: Ah I see, you've saw my computer.. You like it? Alam mo man gumamit nito man?
Elsa: *nagmayabang at Pretending to know* ah.. oo maganda... konti lang alam ko jan wala ako hilig sa computer...
Kliphy: Nag-chat ka man?
Elsa: *bulong sa sarili* man ng man ang gago.. di ba nya nakikita boobs ko? Shet!! kakairita na syaaaaaaa!!! Naalala ko si Doc pag nag-i-ininglish syaaa!! shet.. haaaayy si doc.. musta na kaya sya? Masaya kaya sya sa piling ng acneng Meldy na yun?
Kliphy: Huy!! Nagchat ka ba? I'm asking youuuu!!
Elsa: Hindi.. ano yun?
Ini-explain ng kumag na si Kliphy kay Elsa kung ano ang chat... Kung paano ang ikot ng mundo sa ganong uri ng daigdig. Ang ating bida ang tuwang tuwa dahil marami palang makikilala at makakausap sa chat. At kahit balu-baluktot ang ingles at parang adik kung mag-explain si Kliphy ay nagkaintindihan naman sila ni Elsa.
Elsa: Ganun? Pwedeng magkaron ng bf o kaya gf dito sa chat na to?
Kliphy: Yes, but of course my dear... ako man meron nililigawan. *yabang*
Elsa: *tingin sa relo* naku, masyado na akong ginagabi Kliphy. Uuwi na ako.. Maraming Salamat sa Tutong at sa pagtuturo mo sa akin ng chat na yan!!
Nagpaalam at umuwi na si Elsa. Kinabukasan, habang nagkakayod ng nyog ang ating bida.. ay tamang tama namang namamalengke si Kliphy. Ng makita ng huli ang ating bida ay natuwa ito.
Kliphy: Elsaaaaaa!! Good Morning dear!! Dito ka man nagtatrabaho pala..
Elsa: *nagulat* ayyyyyy kliphy!! Ikaw pala!! Oo eh.. me bibilin ka ba?!
Baho: *sabat* Anong dear dear yang naririnig ko? Gusto mo dearin ko muka mo?!
Elsa: Letse ka baho! Wag mo takutin ang kostumer..
Baho: E gago pala yan eh! Binabastos ka na nyan eh!! Saka bakit sya nag-iininglis ha!? Iniismol ba ako nyan?*harap kay Kliphy* HEY, YOU! YOU SOME KINDA CRAZY LOONEY TUNE YOU?? YOU TALKING TO MY GELPRENG DEAR DEAR THERE?!
Kliphy: Hey men.. I'm just buying some nyog you know...Anyways.. I better get go to my house, dear..
Baho: Isang Dear mo pa sa Gelpreng ko.. dea-dearin ko peys mo shet ka!
Elsa: Taena Baho.. shut up ka nga jan! At hindi kita Boyfriend pwede ba?! *hampas Baho* Ibaba mo na nga ang iba pang nyog at buko.. shet na to.. *tingin ulit kay Kliphy* Ito na yung nyog mo, Kliphy.. saka dadaan ako ulit sa inyo mamaya ha.. yung ano, don't forget.. *ngiting maganda*
Kliphy: *blush* Ahehehe.. don't worry dear, I won't.. *alis sa tindahan sabay pumito*
Baho: Ano yan ha?!! ano yang dinadaanan mo sa bahay nila Kliphy haaa?!!?! Sasamahan kita!! Baka kung ano na yan!!
Elsa: Taena Baho.. lumayas ka na, tapos na ang delivery mo di ba?!
Baho: Pero mahal...
Elsa: Ah walang pero pero!!! *talikod*
Naiwan na namang nakatanga si Baho kay Elsa.. Di naman nya mapilit si Elsa dahil na din sa sobrang pagmamahal nya sa babae. Kinagabihan, dumaan ulit si Elsa sa bahay ni Kliphy-- nagkwentuhan ang dalawa.. tuwang tuwa ang ating bida dahil talagang nakakapraning magingles si Kliphy at para na din nyang kausap ang pinakamamahal nyang Doc Tarugo. Lumipas ang mga araw, si Kliphy at si Elsa ay naging mabuting magkaibigan. Ang mga Superpekpek naman ay bising bisi sa kanilang mga sariling lakad at di magkamayaw sa pagtoma, pagyosi at pag-attend sa mga party... Isang araw, ay dumaan si Kliphy sa tindahan nila Elsa..
Kliphy: Hello Elsa!
Elsa: Hi Kliphy!! Tanghali ka na mamalengke ah..
Kliphy: *matamlay* La man... Inip man ako sa bahay...
Elsa: O bakit matamlay ka?
Kliphy: Basted man ako.. *hikbi*
Elsa: huh? Are you okey? Gusto mo tomoma? yosi you like?!
Kliphy: *hikbi*Well for me I accept what the outcome of my quest of courting a woman. I dont have a hurt feeling but I feel kind of low coz I heared things that they think its bad. Anyway I just want to cheer up my self and left my self esteem a little bit to normal like nothing happen. And forget what they talk about me. Hmmmp!
Elsa: *kunwari naintindihan* ahhhh.. ganun talaga... uhmm ito o. yosi ka muna..
Kliphy: *iyak*
Naawa ang ating bida sa sinapit ni Kliphy... dahil na rin naging ispesyal si Kliphy sa kanya dahil talaga palang sinasadya nitong sunugin ang sinaing kaya sya nabibigyan ng supply ng tutong. Naisip ni Elsa na paghigantihan ang babaeng naangpi kay Kliphy. Tinext nya ang mga Superpekpek Heroes para humingi ng appointment. At nag-set sila ng date para pag-usapan ang plano kung pano kukupalin ang tarantadong babae na nagpa-iyak kay Kliphy. Sa meeting...
Superpekpek Orange: *yosi* O ano ang problema...
Elsa: Me babaeng nang-api ng etits...
Superpekpek Green: Taena.. di nga?! *gulat* first time in Superpekpek History yan ha!
Superpekpek Red: Gosh naman... how can that pekpek be so cruel...
Superpekpek Lavander: Tama lang yan.. panahon na para ang mga etits naman ang maapi... putah.. *hithit yosi*
Superpekpek Yellow: Siguro naman me reason kung bakit ganun ang pekpek na yun.. Baka naghihiganti din sya.. Blue!! What do you think?
Superpekpek Blue: *baba ang cellphone* Mahina signal ko today... konti na lang load ko.
Superpekpek Orange: Pakyu ka Blue! *tingin kay Elsa* O ano balak mo ngayon?
Elsa: Gusto ko paghigantihan natin yung babae na yun!
Superpekpek Green: Tanga.. hindi pwede against sa by-laws natin yan.. saka nakasulat sa articles of incorporation na mga pekpek na naapi lang ang pwedeng ipaghiganti..
Elsa: Pero kaibigan ko sya...
Superpekpek Lavander: Wa ako care...
Superpekpek Green: Wa din ako care..
Superpekpek Orange: Ok.. magbotohan tayo kung sino lang ang me care sa naaping etits nyang si Kliphy... Yung gustong magyosi at tumoma at wag ng ipaghiganti ang etits ni kliphy.. itaas ang kanang kamay...
Superpekpek Green, Yellow, Blue, Orange, Lavander: *taas kanang kamay*
Superpekpek Red: *taas ang kaliwa*
Superpekpek Orange: *tingin masama kay Red* Ang sabi ko kanan! Putah...
Superpekpek Red: Gossssh.. oo nga pala.. kakahiyaaaa!! *taas ang kanang kamay*
Superpekpek Orange: Ang gustong ipagtanggol si Kliphy itaas ang paa ng lagpas ulo!
Elsa: Bakit naman lagpas ulo pa ang taas ng paa!!?!?! Ang hirap naman nun eh!! Bakit sa inyo eh kamay lang?!
Superpekpek Orange: Wag ka na magreklamo.. basta dapat lagpas paa talaga.. pag hindi ganun.. di counted yan ha!! *hithit yosi, ngiting salbahe* Okies.. walang boto sa side ng sasagip. *yosi* The decision is final. No appeal is allowed.
Elsa: *lungkot* Taena naman eh!! Sige naaaaa...
Superpekpek Blue: *irita* puta elsa.. Wag ka mamilit.. o baka naman gusto mo masaktan? Sabi na yun ang napagkasunduan... Saka Hmm.. teka nga macheck nga ang katauhan ng babaing yun.. *kuha boteng ginto*
Pinanunood ni Superpekpek Blue ang buhay ng babaeng naghiganti sa etits ni Kliph.. at duon nalaman nila na ang babaeng yun e pinadala ni Haring Labuyo para sapawan ang mga Superpekpek Heroes. Nairita ang kagandahan ng mga superpekpek heroes.
Superpekpek Orange: Bah- bah bah.. puta ha! Sino ang gagong yan?
Superpekpek Green: Yan yung babaeng naghiganti at umapi sa etits ni Kliphy.. *taas ang kilay*
Superpekpek Lavander: *bura ang eyebrow sabay drawing ng kilay na nakataas* Taena.. gusto nya ding mag-artista?
Superpekpek Red: I won't stand for this.. Kailangan ma-destroy sya... ay mga mare, me bago akong prospect.. his name is nohhwell. *kilig*
Superpekpek Yellow: Buti ka pa.. ako, pumapangit na ako sa lintek na lo opis na yun..
Superpekpek Blue: Shit... *inis* Pa-straight na kaya ako ng hair?
Itinuloy ng mga bida ang panunuod sa gintong botelya ng gin.. duon napanuod nila si Kliphy sa harap ng compyuter nito at kausap ang babaeng nang-api sa kanya. Panay pa rin ang ingles ng parang bangag na si Kliphy... Nakita ng mga Superpekpek Heroes ang mga birada ng lalaki.. at naintindihan nila kung bakit dapat ngang paiyakin ang isang to. Masyadong malakas ang arrive nya.. para syang sabog sa rugby. Pero naisip ng mga Superpekpek Heroes na kung hahayaan nila ang babaeng ito na maging isang superhero din.. Ay malamang mawalan sila ng trabaho.
Superpekpek Orange: Puta.. kailangan umaksyon na tayo ngayon!!
Superpekpek Yellow: Pwede bukas na lang?
Superpekpek Orange: Di pwede bukas.. me appointment ako kay Cita, pedicure-manicure.
Superpekpek Blue: Pero tulog na ang babaeng yan..
Superpekpek Orange: Pakielam naman natin.. hindi naman ang tulog natin ang maiistorbo.. tulog nya di ba?!
Superpekpek Green: Me point ka dun, Olenje.. di dapat isabukas ang mga ganitong bagay.. dapat na nating sugurin ang babaeng yan.. taena.. kakairita.. Powers combine na tayo?
Superpekpek Lavander: Oo.. pero jologs na look lang ha...
Superpekpek Red: What are we waiting for? Let's go na!! wait.. lubricate ko lang my contacts..
Ang lukaret na Elsa naman ay nakatanga sa harap ng mga Superpekpek Heroes.. Talaga nakakalibang sya sa usapan ng mga luka-lukang ito. Hindi malaman kung mga komedyante o gago lang talaga magdeliver ng lines. Itinaas ng mga Superpekpek Heroes ang kanilang mga kamay.. tumingala sa langit at sumigaw ng "Superpekpek Powers Combineeeee!!" Ang buong paligid ang napuno ng usok at iba't-ibang kulay... Isa-isang pumasok sa katawan ni Elsa ang mga Superpekpek. Nag-transform ang ating bida.. Isa na syang Giant Pink Pekpek na me suot na kapang pink. Uy.. bagong hairdo ang pekpek! Naka-one length ang bruha. Lumipad ang ating bida... at pinuntahan ang tribo ng babaeng sugo ni Haring Labuyo. Nakita nya ang huli sa harap ng kompyuter at panay ang halakhak.. dahil marami na syang lalaking natarantado sa internet. Nagulat ito ng me malaglag na malaking pekpek mula sa bintana."What the fuck?! Who the hell are you?! What are you doing inside my room?!"sigaw ng babae. "Ah.. eh..hello.. Fuck you!!"sagot naman ni Elsa the Superpekpek sabay taas ng middle finger.
Elsa the Superpekpek: Taena.. kunwari di mo ako kilala?! Kunwari super inienglish ka jan!! Baket ? Akala mo hindi ako marunong mag-ingles.. try me! trrry me!! *labas laser lipstick* Tama na ang palabas Sugar... sabi nga .. There can only be one. Masyado masikip ang mundo para sa ating dalawa.
Sugar: *ninerbyos pero nagmataray pa rin* Baket? Pakielam mo kung naghihiganti ako sa mga etits na yan?! Di ba dapat matuwa ka dahil me katulong ka na sa pagtatanggol?
Elsa the Superpekpek: Gago! Gusto mo ko mawalan ng trabaho? Saka hindi tayo pareho ng breeding... Dahil ikaw.. ikaw na babae ka.. ay new breed ng pekpek ni Haring Labuyo!! *baril boobs ni Sugar, laglag ang silicon*
Sugar: *galit* Puta ka.. that boobs is 45,000 Php!! Besides, mga lalaki sa internet ang pinaghihigantihan ko!! Ibang world yan.. anong sinasabi mong liliit ang mundo?! letse ka...
Elsa the Superpekpek: Tanga! Malapit na din naming sakupin ang mundo ng chat.. bibili na kami ng computer.. kaya babushka sa pekeng mong boobs at sayo na din!!
Sa sobrang galit ni Sugar ay nagtransform din ang lukaret. Nabalot ng usok ang buong paligid at tumambad sa harap ni Elsa ang isang pekpek. Di kalakihan dahil na rin nag-iisa lang syang pekpek. Matapang ang ismol pekpek.. manang mana kay Haring Labuyo ang gaga.
Sugar: Tama na Elsa... I had enough of your rants!! I don't want to hear from you anymore! I don't even know what you're problem is...
Elsa the Superpekpek: Whatever.. Wala akong time makipag englisan. *shoots hair grower kay Sugar*
Sugar: Fuck you girl! *labas shaver* akala mo hindi ako ready sa mga gadgets mo?*shave ang sarili*
Elsa the superpekpek: I don't give a shit to you...eehh.. ahmm.. basta pakyu ka! *tawa malakas* Tignan natin kung kaya mo tong Regroe! shet ka.. *sprays hair grower*
Naglabasan ang sangdimakmak na buhok at binalot si Sugar... ang mga kamay nya ay natali ng mga buhok.. humaba ang buhok nya sa ilong at kili-kili. Naging isang giant hairball ang lukaret. Ng makita ito ni Elsa ay naglabas ang huli ng spray net at lighter. Itinapat ang spraynet kay Sugar, pinisil ito at binuksan ang lighter. Nabalot ang babae sa apoy. Umalingasaw naman ang amoy na buhok na nasusunog sa buong paligid. Naglabas ang Superpekpek ng hotdog at nagsimulang mag-ihaw. Di pa nasiyahan.. nagpatutog pa ito ng Great balls of fire at We didn't start the fire.. Na talagang super corny. shet! Pagkalipas ng ilang oras.. ay naubos na ang ismol pekpek.. Tuwang tuwa ang ating bida dahil nakakain sya ng inihaw na hotdog! Umalis sa lugar ng krimen.. este.. aksyon at naglabasan ang mga lukaret sa katawan ni Elsa.. Ang huli ay bumalik sa dating anyo. Hapong hapo ang ating mga bida.. Naisipan nilang wag lumabas ng gabing yun dahil madaling araw na din naman.. sarado na ang mga bars. Inihatid ni Superpekpek Green si Elsa sa kanilang bahay. Kinabukasan...dumaan si Kliphy sa tindahan nila Elsa..
Kliphy: Hello dear!
Elsa: Hi kliphy! Mukhang masaya ka today ah.. siguro me Gf ka na!
Kliphy: Oo man.. me Gf na ako... *ngiti*
Elsa: Mabuti naman.. ipinagdasal kita noh.. na sana magkaron na ng kapalit yung babaeng nanarantado sayo..
Kliphy: It's ok.. now i'm Back to my old normal self.. I think I'm going to be happy now. My Gf is coming over and will be staying with me... *ngiti*
Elsa: *disappointed dahil tama na ang english ni Kliphy* aaah.. ganun ba? Ay ibig sabihin meron ka ng tagaluto ng sinaing nyan... hindi ka na magkakaron ng tutong. O sya sya.. anyway, tapos na din naman ata ang pagkadik ng tatay ko sa tutong eh.. Pakilala mo ko pag dumating ha!
Kliphy: Yep.. no problem dear... Hey, I have to go. you take care..
Masayang pinanuod ni Elsa ang papalayong Kliphy. Isang adventure na naman ang natapos.. syempre, as usual me aral na namang napulot ang ating bida: Masarap ang tutong. Lagyan mo ng margarin at asukal. Kita kits ulit sa susunod na episode, Hanggang sa muling pagbabalik ng Elsa and the Superpekpek Heroes! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)
Sa mga nais makausap si Kliphy.. Maari nyo siyang dalawin sa channel: #Fili2000, Server: Dalnet. Paunawa: Magdala ng sangdimakmak na pasensya at ingles.
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode: 1. ANO ANG KAAYA-AYANG AMOY ANG INILABAS NI ELSA NA SYANG NAGING DAHILAN NG PANGHIHINA NG BOPOL NA SI BAHO 2. ILANG BESES KUMANTA ANG NANAY NI BAHO? 3. TITULO NG MGA KANTA NA INAWIT. SAGOT: 1. amoy feminine wash. 2. 2 beses 3. Thumbthumping at smooth criminal.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: BAKIT NAGING MALAPIT SI ELSA KAY KLIPHY?
a. dahil kyutipay ang lalaki. b. dahil naalala ni Elsa si Doc tuwing nag-iingles ang cebuanong lalaki. c. dahil sa dami ng tutong na binibigay ni Kliph. d. dahil feel nya lang.
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!