Panahon na naman ng Semana Santa... Walang trabaho, Wala ng pasok sa iskuwela. Mahaba ang bakasyon... kaya naman ang ating mga bida ay nasa bahay lang at walang humpay sa pagyosi at sa pagkain ng halo-halo. Talaga namang terible ang init ngayon.. dahil na rin siguro me El Ninyo Phenomenon. Dahil na din sa sobrang init ay ayaw magserbisyo ng mga Superpekpek Heroes..
Superpekpek Yellow: *sigaw* Me nangangailangan ng tulong!! Me pekpek na naapi!!
Superpekpek Orange: *irap* Mainit.. *yosi*
Superpekpek Blue: *tingin na parang awa sa sarili* Uhmm.. init eh.. Hirap na hirap ako magbleach tapos ibibilad nyo ko sa araw.. shet!!
Superpekpek Green: *gaya ang gawa ni Blue* hirap ako magbleach tapos ibibilad nyo ko sa araw... *tawa malakas*
Superpekpek Blue: Pakyu! *ayos ang hair*
Superpekpek Green: Pakyu ka din!
Dinampot ni Superpekpek Blue ang kanyang cellphone sabay layas.. pumasok sya sa kwarto upang dun na lang i-spend ang mahal na araw. Talaga namang napakainit ng ulo ng mga tao ngayon.. dala na rin siguro ng init ng panahon.
Mahal na araw na naman... kaya naman bising-bisi si Elsa sa tindahan, dahil masyadong maraming order ng nyog ngayon! Ginataang monggo.. Ginataang Isda.. at kung ano ano pang pagkain na nilalagyan ng nyog. Nagsidatingan ang mga kamag-anak nya galing sa kalapit na bayan upang magbakasyon. Napakagulo na naman sa bahay nila Elsa... nagdatingan na naman ang mga pinsan nyang maiingay. Kay dumi ng bahay... at wala kang mapwestuhan. Byernes Santo ng umaga ng dumating ang mga bisita. Nakanganga pa si Elsa at tulo ang laway ng me dumamba sa kanyang kama upang sya ay gisingin. Me mga tao talagang makapal. Parang mga hudyo ang mga kamag-anak ni Elsa. Alam naman nila mahal na araw, ay sukat ba namang mag-videoke at banatan ang mga kanta ng Aegis.
Pinsanlukaret: Akala ko ikaw ay akin... bakulaw sa aking paningin..~~~
Ina ni Pinsanlukaret: Linysak kang bata ka!! Ang lakas lakas pa ng boses mo!! Naririnig ka ng mga kapitbahay!! Itigil mo yan!!
Pinsanlukaret: Ngunit ng ikaw ay akapin.. blah~blah~~
Ng ayaw pa ring tumigil ay kinuha na ng nanay ni Pinsanlukaret ang bambo at hinabol ang batang napakatigas ng ulo. Tawa naman ng tawa si Elsa dahil sya na din ang nag-udyok sa pinsan nyang kumanta. Ng matapos ang gawain sa kusina.. ay pumasok ito sa kwarto at naabutan ang iba pa nyang mga pinsan na nagkukwentuhan....
Pinsanlukaret: *ismid*Grabeh.. nakita ko yung asawa ni Pinsan12, mukhang hito..
Tawanan.
Pinsanmahadera:*tinging salbahe* Grabeh ka nga eh! ang kapal ng mukha mo!! Hahahaha!! Ang hahalay nyo.. byernes santo pa man din.. puro seks seks ang nasa isip nyo!! Tinanong nyo ba si Pinsan12 kung san gawa ang anak nya!?
Pinsantanda: Oo no.. di naman daw sa motel sa tapat ng iskul eh.. dun sa kabilang bayan!! Nga-dyi-dyip yung dalawang ungas!!
Pinsanarte: Kadiri pa.. biro mo... di sila gumamit ng condom... hehehe tapos dyutay pa..
Elsa: Hoy! in fairness no.. sabi ni Tita... In due time daw.. lalaki yun.. dapat lang daw lagi gagamitin! *halakhak*
Nakaramdam ng diri ang magpipinsan ng sabay sabay nilang ma-imagine si Pinsan12 na nakikipagseks sa Biep na ngayon ay asawa na nya dahil na rin sa grabeng katangahan.Ng mapansin ni Elsa ang isa nyang pinsan.. tahimik ito at lagi na lang nakatingin sa malayo. Mukang may dinaramdam ang lukaluka. Nilapitan nya ito at inalok ng manggang hilaw at bagoong. Tinanggihan nito ang alok ni Elsa na sya namang kinasaya ng huli dahil gustong gusto nito ang mangga at plastik lang pag-alok nito sa kanyang pinsan. Kinausap nya ito..
Elsa: Anong ineemote mo dyan?!
PinsanGanda: *nagulat* Anong inemote? ahhh.. Iniisip ko kung bakit ang ganda ko...
Elsa: Pakyu ka! Letse... akala ko pa naman tunay ang emote mo! Samahan mo nga ako sa tindahan buset!
PinsanGanda: Packinshet.. init-init eh! Ikaw na lang noh! *tayo sa kinauupuan*
Dahil na rin mas matanda si Elsa ay walang nagawa si PinsanGanda kundi samahan ang ate nya. Masama ang loob kaya di na sya nag-ayos. Naglagay lang sya ng pabango, pulbos, lipstick.. at me glitters na lip shiner at eyeshadow. Tahimik ang dalawa sakay ng tricyle. Byernes Santo kung kaya't sarado ang karamihan sa mga tindahan.. me mangilan-ngilan na nagbukas dahil na rin mga hudyo sila. Pagkatapos dumaan sa tindahan ay kumain ng kwek-kwek ang magpinsan. Tulala pa rin si PinsanGanda... siniko sya ni Elsa.
Elsa: Ano ba ang problema mo?
PinsanGanda: E kasi ate.. nagbreyk kami ng boyplen ko..
Elsa: So? Nakakamatay ba yun? Packinshet... move on no! Di lang sya ang lalaki sa mundong ibabaw! E bakit kayo nagbreak?
PinsanGanda: E kasi.. me babae sya eh!! Pinagtaksilan nya ako! *hikbi* Putaenangshet nya..
Elsa: Taksil? putaenanshet talaga.. Di mo kailangan ganyang lalaki.. Ikaw kasi.. di ka nakikinig, bira ka ng bira.. tigas tigas ng ulo mo! Ayan..shet! Kairita.. isang order pa nga ng kwek-kwek!
PinsanGanda: Wala ata talaga akong swerte sa pag-ibig Ate Elsa... Lagi na lang ako naloloko.. puta...
Elsa: Tanga ka kasi.. you brought that to yourself.. kung ikaw ba naman e nakinig nung pinagsabihan ka na tigilan mo yang lalaking yan e di... hindi ka sana nasaktan.. di sana tumutulo yang sipon mo ngayon.. taena.. punasan mo nga yan!
PinsanGanda: *Punas tulo sipon* Pasensya ka na.. manhid ako ngayon eh.. di ko alam kung bakit nagkaganun... Nung umpisa ang swet swet namin.. tapos..lagi nya akong miss.. lagi nya akong labs, Isang araw... nawala na parang bula yung swetnes na yun.. prang gago..
Mag-eexplain pa sana si Elsa tungkol sa mga kawalanghyaan ng mga etits na yan ng biglang me sumabat na taena, mahaderang lalaki.
Ispeysal Child: You wanna know why?
Elsa: *nagulat at nainis.. dahil pakielamero ang taenang lalaki* Putah.. o sige.. answer the paking kwestyon...
Ispeysal Child: dahil.. are u ready? dahil ang pinay-- Boring!
Elsa: Talaga lang ha? *kuha cellphone at nagtext* Sandali lang.. wait ka lang jan... kuha ako reinforcement... taena..
Nakatulala naman si PinsanGanda at nakikinig lang sya sa usapan ng dalawa. Maya maya pa-- nagsidatingan ang mga Superpekpek Heroes... sakay ng isang FX. Galit na galit sila dahil ayaw nga nilang lumabas ng bahay.
Superpekpek Orange: *yosi* Putangina.. ano ang problema? Balita ko me feeling daw dito..
Superpekpek Yellow: Pagod na pagod ako sa opis.. ito nalang time ko magpahinga.. Elsa naman eh! *irap ke Elsa*
Elsa: E kasi naman.. tong lalaking to *turo kay ispeysal child* sabi ba naman eh.. boring daw ang Pinay kaya laging naiiwan ng boyplen! Tama ba yun?
Superpekpek Red: *bulong kay Elsa* Girl.. you're not pinay.. We are not Pinay... We are pektonians.. So in short.. Wa tayo care!
Elsa: Pero Red... yung mga pinsan ko.. mga pinay sila.. at niyuyurakan ng shet na to ang puri nila.. taena.. feeling God's Gift to Women.
Superpekpek Lavander: *yosi din* Letse.. sige.. fine! Patayin na yan.. para makauwi na tayo..
Superpekpek Blue: Oo nga.. gosh.. yung bleach ko!! initt!!
Dahil gumawa ng komosyon ang pagdating ng mga Superpekpek Heroes.. ay may mangilan-ngilang kababaihan at kalalakihan ang nagsilapitan at nakinig. Nagsimula ang siraan ng puri. Ang mga babae ay walang humpay sa pag-ngak ngak at ang mga lalaking nakuha ni ispeysal child ay tawa lang tawa.. dahil ang lalaki ay nahuhulog na sa kumunoy ng walang kalaban laban. Naungkat ang kataksilan at sizes ng kung ano anong bagay. Tuloy ang debate kung sino ang boring at kung sino ang hindi.. ng bigla bumira si Ispeysal Child...
Ispeysal Child: meron nga isang girl... di-nump daw nya ako dahil two timing ako.. the nerve... di man lang naisip na i find her boring..
Napatigil ang lahat.
Elsa: Putang inaaaaaaaaaaa!! Di ko kaya to!! Excuse me! Excuse me..
Superpekpek Green: Oo nga pala... God's Gift to Women ka nga pala.. the nerve nya i-dump ka no?
Ispeysal Child: *manhid ang gagi* the nerve...
Lalakingtambay: that's shit, bro..
Wanting to be Superpekpek Black: That girl made the best decision EVER.
Elsa: Baka kasi.. boring ka din.. what goes around..comes around.. *proud kasi nakapag-english*
BitchBitchBitch: Di kaya nauntog sya?!!? shet.. feeling huh? *bulong kay Elsa* Putah.. hindi nga sya uhmm.. hmm eh! packinshet.
Hindi nakayanan ni PinsanGanda ang mga naririnig nya dahil naalala na naman nya ang nakaraan.. at hindi nya gusto na sya ang pagmulan ng ganitong away... Ang mga Superpekpek Heroes ay matamang nakikinig,pwera lang kay Superpekpek Green.. dahil ang feeling ng huli e.. affected talaga sya sa tinurang ng walanghyang god's gift to women. Naubos na ng mga Superpekpek Heroes ang kwek-kwek na inorder ni Elsa... kaya na-bore sila. Isa isang pumunta sa sulok... at Itinaas nila ang kanilang kamay... tumingala... at sumigaw ng "powers combine". Si Elsa ay nasa CR ng mga oras na yun.. para magretouch... Isa isang pumasok ang mga Superpekpek sa katawang ni Elsa. At ito ay nagtransform.. into a giant pekpek. Suot-suot ang kapang amoy downy.. na me tatak na "SP4ever". Lumabas ng CR ang Superpekpek. Bumalik ito ng CR.. dahil nakalimutan nya ang panangga na me tataka na "YOU CAN'T HAVE ME". Lumabas sya ulit ng CR para harapin ang maapangaping etits. Mabuti na lang at ang ilan sa tsismosa ay nagsiag-alisan na... hinarap ni Elsa the Superpekpek si Ispeysal Child.
Elsa the Superpekpek: Psst... Puta ka..
Ispeysal Child: *nagulat sa laki ng pekpek sa harap nya* Oh hi...You know me?
Elsa the Superpekpek: Oo naman.. Sino ang hindi nakakakilala sayo dito.. e God's gift to women ka nga..
Ispeysal Child: Really? *na-excite* hmmmmm
Elsa the Superpekpek: Really.
Ispeysal Child: lol
Elsa the Superpekpek: lol ka din ... gago! Wala akong panahon makipagprenship sayo.. tama na ang pang-aapi mo sa mga pinay pekpeks.. nagdi-discriminate ka pa ha!!
Ispeysal Child: huh? I don't know what you're talking about.. lahat naman sila e minahal ko..
Elsa the Superpekpek: Tanga .. hindi yan ang issue dito.. ang issue dito eh.. racist ka! Kaya dapat kang mamatay...*labas ang laser lipstick*
Ispeysal Child: Can I have your number?
Elsa the Superpekpek: Puta... papatayin na nga kita eh.. nung number number yang hinihingi mo!?
Ispeysal Child: Oh..well... If one must die.. One must die with courage. I might lose the battle.. but it's better to lose fighting. I won't quit on you... I am not a coward.
Elsa the Superpekpek: *nalito* What the hell..kahel. Uhmmm.. ganun ha!?? *turo laser lipstick kay Ispeysal Child* You are ready to die?
Ispeysal Child: lol
Lalong nainis si Elsa sa tinuran ng God's Gift to Women.. dahil hanggang sa huling sandali ng buhay nya e nambobola pa sya.. At ang feeling pa nya ngayon eh sya ang naagrabyado...taenang male ego yan o! Inasinta ni Elsa the Superpekpek sa birdie-bird ni Ispeysal Child ang laser lipstick at tinira ito... di pa nasiyahan si Elsa the Superpekpek .. nag-chant pa ito at isinumpa ang bird ni Ispeysal Child...
Elsa the Superpekpek: Laging malambot..laging malambot..ay yong etits ay mapagimbot... Ibibigay , ibibigay sa babaeng totoong magmahahal...Laging malambot laging malambot ..walang sayang idudulot... ibibigay ibibigay sa babaeng hindi mahalay..~~~
Nakaramdamdam ng kakaibang sensaysyon ang lalaki.. Sinubukan nyang lumaban..
Ispeysal Child: ~to all the girls i've loved before....who came in and out of my door...~~ aarrrrghhhh.. and etits kooooooooo!! aaaah.... Mabuti pa pinatay mo na lang ako...
Elsa the Superpekpek: Wag kang magulo! nakikielam ka ng plano ng me plano! In due time gago... isang espesyal na kamatayan ang nakalaan para syo.. In the meantime.. have fun with that *turo sa bird ni Ispeysal Child*
Ispeysal Child: *kapa ang dating 7 inch (no personal knowledge of the writer to ha! accdg. to the owner yan) na bird* Geeezzeee...
Elsa the Superpekpek: It's a itsy bitsy..tiny yellow.. polka dot.. uhmmm *pito* bwaahaha.. o darn.. Ay sheet... Time na ng Soap Opera.. kailangan makauwi na para di makapanuod mga longkatuls.. bwahahahaha!! Dyan ka na.. kainin mo kwekkwek mo sayang!
Naiwan sa table niya si Ispeysal Child... at tinuloy ang pagkain ng Kwek-kwek.. umorder pa ng BJ ang lalaki....Samantala ay nagbalik anyo na si Elsa... Ang mga Superpekpek Heroes ay nag-uwian na dahil hahabulin ang soap opera. Bumalik sa lamesa si Elsa at nakita ang pinsan na nakatingin na naman sa malayo... pero.. nakangiti...
Elsa: O bakit nakangiti ka jan?
PinsanGanda: Nagtext ang Ex ko.. nakikipagbalikan..
Elsa: Ano balak mo? Papatulan mo ba?!
PinsanGanda: Tinext ko sya.. sabi ko punta sya dito...ayan na ang gago.. shet..
LalakingHindiKyutPeroFeeling: Hello! *smile*
Elsa: Putangina.. yan yung iniiyakan mo?! Sapatusin ko pa yan eh! Gusto mo sinelasin ko?
PinsanGanda: Easy ka lang dyan ate..
LalakingHindiKyutPeroFeeling: Uhmm.. musta ka na? *akbay kay pinsanganda* alam ko namiss mo ko.. Sabi ko naman sayo.. na mahal kita..
PinsanGanda: E pano yung isa?
LalakingHindiKyutPerFeeling: Mahal ko din sya.. Look.. mahal ko kayo pareho.. Ngayon.. ang decision e nasa iyo...
Hindi nakayanan ni Elsa ang narinig.. tumayo ito at hinubad ang sapatos.. tapos.. Pinukpok nya sa ulo ang hayup na lalaki... Tinakong din nya ang nguso nito. Nagulat naman si PinsanGanda sa pangyayari.. kaya sinapak nya ang Ex. Nagpagpag ng kamay ang dalawang gorgeous na babae at lumayas ito. Sa labas ng restokwekwekan...ay lakas ng tawa ng dalawa. Umuwi sa kanilang bahay ang mag-pinsan at nagpakasaya. Ang magpipinsan ay nagpakasaya imbes na magpakabanal. MGA HUDYO!
Isang episode na naman ang natapos.. Hanggang sa muling Pagbabalik ng Elsa and the Superpekpek Heroes! (*pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)
Aral na makukuha sa kwento: Magtaksil ay di biro... kaya wag papahuli.
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:BAKIT NAGING MALAPIT SI ELSA KAY KLIPHY? SAGOT: letter B. dahil naalala nya si Doc Tarugo twing mag-iingles ang cebuanong lalaki.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz:1. ANO ANG TINURAN NI ISPEYSAL CHILD NA TALAGANG KINAINIS NG MGA KABABAIHAN. 2. SINONG SUPERPEKPEK ANG AFFECTED MASYADO SA TINURAN NG GOD'S GIFT TO WOMEN?
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!