bukayo
Matumal ang benta kung kaya't si Elsa ay matamang nagbabasa ng Pinoy pocketbooks.. at talaga namang feel na feel nya ang binabasa...napaluha sya ng paiyakin ng bidang lalaki ang bidang babae, ng biglang dumating si Goryo...
Goryo: *smile* Gandang Araw Elsa.. *nagulat dahil nakitang luhaan si Elsa..* O bakit ka umiiyak? Me problema ka ba??
Elsa: *nataranta* ayy.. pitong kabayo na asawa ni kalabaw! ehe! ano ba yan goryo! *punas ang luha* ginulat mo ko.. sa susunod kakatok ka naman!! *singa*
Goryo: Ano nga ang problema? *ayos ang shade*
Elsa: Wala naman kasi... Bakit tanghali ka na?! Hindi ka na naman nagsaka...
Goryo: Alam mo naman si misis.. naglambing na naman kanina.. pabili ako ng 3 niyog..*Abot ang pera*
Elsa: Uy, grabe na ang pagkaadik nyong mag-asawa sa bukayo ha.. baka madiabetes kayo nyan..
Goryo: Di ko nga rin alam.. basta masarap ang bukayo sa kanin... Nakuuu elsa.. pwede pakidalian.. kasi me timer si kumander... Baka maabutan ako ng last two minutes.. magtatampo na naman yun.. *ngiti*
Madaling nagbiyak ng nyog si Elsa at kinayod ang nyog... iniabot nya ang supot kay Goryo. Nagulat ang dalaga ng haplusin ang kamay nya ni Goryo. Napatanga ang dalaga at parang nakuryenteng kinuha ang kamay.. "syet.. kras ko pa din sya.."turan ni Elsa sa sarili. Ex ni Elsa si Goryo nung nasa High School palang sya. Hindi sila nagkasundo dahil gusto syang dalhin ni goryo sa sementeryo at di pumayag si Elsa na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. Mabait si Goryong Takusa. Malambing at magpagserbisyo. Ipinagiigib pa nya nuon si Elsa ng Pampaligo. Matalinong bata nuon si Goryo-- dahil sya lang ang nakaisip na sumabay kay Elsa sa paliligo dahil diumano'y mas nakakatipid ang ganun. Pero mas matalino si Elsa dahil sinasahod nya ang pinagliguan upang ibigay kay Goryo..
Goryo: Me boyplen ka na ba Elsa?
Elsa: Ano ba namang tanong yan Goryo.. masyadong personal..
Goryo: Pra namang wala tayong pinagsamahan...
Elsa: Nakuuuuu.. wag mo ngang maisingit-singit yan!! Hanggang ngayon di ko pa rin maisip kung bakit kailangan mo pa ako dalhin sa sementeryo!
Goryo: Taena elsa.. tinanong ko lang kung me boyplen ka na!!
Elsa:*namula sa pagkaphiya*Wala pa... bakit?
Goryo: Wala naman e si Baho? Balita ko boylet mo daw yun eh.. totoo ba?
Elsa: Sus naman... si Baho? Putah... papakamatay na lang ako...
Goryo: Ah.. ganun ba.. hanggang ngayon ba-- mahal mo pa ako?
Elsa: Pakyu.. umuwi ka na..di ko sasagutin yang tanong mo..
Goryo: Magagalit ka ba kung sasabihin ko sayong mahal pa rin kita?
Elsa: Taena mo!
Goryo: Na hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman ng isip ko.... lagi ko iniisip siguro kung sumama ka sa akin sa sementeryo.. siguro ay mag-asawa na tayo ngayon at may mga tsikiting na..*buntung hininga*
Elsa: Oo nga. Maraming Paano kung -- Pero hanggang dun lang yun.. dahil me asawa ka na!! At alam ng sangbayanan kung gaano mo sya kamahal... mas minahal mo pa sya sa akin taena ka.. hala uwi ka naaaaaaa!!
Hihirit pa sana si goryo ng biglang me tumunog na bell...pagkuwa'y nasundan ng sunod sunod na pito at isang malakas na sigaw.."GORYO! Ang tagal naman ng nyog na yan?! Lintek..kanina pa ako naghihintay sa bahay!! Kumakalantare ka na naman ng ibang babae!!" Nataranta ang lalaki biglang tinalikuran ang nagsasalita pang si ELsa para salubungin ang galit na galit na asawa... Inis na naiwan si Elsa dahil.. kinikilig sya sa tinuturan ng lalaki..naalala nya yung landian nila nuon ni Goryo sa kantin.. Mabait talaga si Goryo--- lagi syang nasusunod..minsan lang talaga ito nagpilit pero sinampal sampal nya at saka niya hiniwalayan. Ahh, matagal na panahon na ang lumipas.. dati hindi mahilig sa shades si Goryo..simple lang sya. Pero ngayon, lagi na lang syang me suot na shades na lalong nagpagandang lalaki sa kanya. Lumipas pa ang ilang oras.. nagsara na ng tindahan si Elsa, dinaan ang ama sa tindahan ni Aling Selya at sabay na silang umuwi.
Samantala.. sa bahay ng mag-asawang Goryo at Kumander..
Kumander: Goryyyyyyyyyyyooo!! yung labada? natapos mo na ba?!
Goryo: Yes Dear...
Kumander: yung pinggan nahugasan na?
Goryo: Yes dear..
Kumander: sige.. maghain ka na.. luto na ang bukayo...
Goryo: Dear.. nakahain na kanina pa.. hindi ba tayo pwedeng kumain ng ibang ulam? Lagi na lang bukayo..
Kumander: *sampal si Goryo* Bakit ka nagrereklamo? Aber?! Kung ayaw mo ng ulam.. wag kang kumain.
Goryo: *himas ang muka* Yung sa akin lang naman eh. baka pwedeng mag-iba naman tayo ng putahe.. amoy latik na ako! Yung pawis ko langis na...
Kumander: *sampal ulit si Goryo* Ganun? Bah-Bah-bah.. sumasagot ka na ngayon sa akin?
Goryo: *himas ang dalawang pisngi* E kasi....
Di pa natatapos magsalita si Goryo ay sinampal na naman sya ng asawa.. binato ng baso at hinampas sa pader. Di pa nasiyahan si Kumander-- pumasok ito ng kwarto at kinuha ang baseball bat.. pero bigla itong napatigil at napatingin sa isang platitong bukayo.. Dinakot ng huli ang bukayo at sinalaklak sa bibig ni Goryo... Walang nagawa ang lalaki kundi lunukin ang sangkaterbang nyog sa bibig nya dahil nakaharap sa kanya ang baseball bat. Pagkalipas ng ilang minuto.. ay nag-iba na naman ang timpla ng katawan ni Goryo.. kahit pasa-pasa sya ay energetic pa ang ungas. Naging masigla at hinulma pa ang natitirang bukayo sa kawali... gumawa sya ng heart shape na bukayo.. bukayong bilog..bukayong square.. triangle.. star.. carrot-shape...at iba pang gulay. Siguro ay dulot ito ng pagnanasang makatikim ng ibang putahe. Lingid kay kumander ay bumili si Goryo ng Selpon...marami na syang naging mga kaibigan na babae. Ang iba nga ay nahuhulog ang loob sa kanya pero ni minsan ay hindi sya nagtaksil sa asawa.. pwera na lang pagdating kay Elsa.
Goryo: *kuha cellphone lagay sa bulsa* Honey.. sweetheart... punta muna ako sa CR.
Kumander: *tingin kay goryo* bakit? Anong gagawin mo dun?
Goryo: Sweetheart.. CR yun.. walang babae dun...
Kumander: Baka me magazine ka na pangbabae jan ha!! makikita mo sa akin.. naku ka Goryo.. wag kang papahuli sa akin lintek ka.. tatanggalin ko yan!! *tingin sa etits ni Goryo*
Goryo: *pinawisan* Swithart naman.. asawa mo na ako di ba? Saka mahal kita..*bulong sa sarili* kahit ganyan ka...
Kumander: Aaaaaaah.. pakyu....
Goryo: Tagal na ngang wala...
Pumasok ng CR si Goryo para i-text si Elsa. Duon ay nagapalitan sila ng mga pa-kyut na msgs. Lumpas ang ilang minuto..
Kumander: Goryo!! ang tagal mo naman jan! Nagbabatibot ka ba?! Lintek ka ah!
Goryo: *taranta* Sandali lang swithart... naligo na din kasi ako...
Kumander: Dalian mo jan.. tumawag na si kumareng sonya.. niyaya akong lumabas.. Gagamitin ko na ang CR.
Mas natutuwa pa ang lalaki pag wala ang asawa sa bahay kaya naman laking galak nito sa tinuran ng asawa. Sa wakas.. magiging hari na naman sya ng bahay. Pwede na syang manuod ng basketball at mga palabas na gusto nya. Pwede na rin syang humilata maghapon...
Kumander: Bumili ka ng Nyog ha!!
Goryo: Na naman?! Kakabili ko lang kahapon ah....
Kumander: *sampal si Goryo* Taena nagrereklamo pa eh! dI na lang sumunod... Gusto mo pa bang masaktan?
Goryo: *himas ang nasampal na pisngi* Oo na... letseng buhay to.. bait ko namang tao bakit ako ginaganito!? Ilang babae ang nagmahal sa akin bago sa kanya.. Ilaaaaaaan!!
Kumander: *labas ang panaksak* Bah.. letseng to ah! Lalaban ka?
Goryo: Tanong ko nga kung ilang nyog ngayon eh!
Kumander: 3 ulit.. sa susunod sabihin mo kay Elsa na Wag masyadong pinipino ang nyog..
Tumango ang mabait na lalaki... Naligo naman at nag-ayos si Kumander upang makipagkita sa mga kaibigan nito.. Pinsabay na ni Kumander si Goryo sa kanya para daw makatipid sa pamasahe... Binaba sya sa palengke pero siya pa rin ang nagbayad ng pamasahe. Malayo palang nag tanaw na nya ang ganda ni Elsa, ang mapupulang pinsgi.. ang mapupulang labi...ang maamong mukha. naisip nya kung bakit hindi si Elsa ang napangasawa nya... binati ni Goryo si Elsa..
Elsa: *sumigaw sa takot* Waaa!! Putah anong nangyari sa yo?!
Goryo: *Gulat* Haaaa?! Ay syet!! Nakalimutan ko shades ko...
Elsa: Naholdap ka ba?
Goryo: *iling*
Elsa: Napagtripan ka?
Goryo: *iling*
Elsa: Halika nga dito sa loob ng tindahan... ng matingnan ang mga pasa mo.. Ano ba nangyari sayo?? Alam ba yan ng asawa mo?
Goryo: Sya ang nag decorate sa akin nyan...
Kinuwento ni Goryo ang nangyayari sa kanyang buhay me pamilya. Kung paano sya nahihirapan sa kanyang asawa. Awang-awa naman si Elsa kay Goryo.. kaya sinara nya ang tindahan at nilaplap nya ito. Pero ibang klaseng lalaki talaga si Goryo.. matapat sya. Kuntento na sya sa holding hands.. at pagkandong ni Elsa sa kanya. Ng matapos ang pagtingin ni Elsa sa mga pasa ni Goryo ay nag-buko juice sila, pagkuwa'y pinauwi na nya ang lalaki dala ang 3 libreng nyog. Hindi maalis sa isip ni Elsa si Kumander.. hindi nya malubos maisip kung bakit me babaeng kayang saktan ang kanilang mga asawa.. lalo na ang sing-bait at singtapat ni Goryo... Kaya tinext nya si Superpekpek Green- ang kanyang gabay ukol sa buhay buhay.
Superpekpek Green: Mabuhey! O taena nong problema??
Elsa: Kasi.. me gusto sana ako ipagawa sayo.. *kwento ang buhay ni goryo* gusto ko sana imbestigahan mo yung asawa nya.. dahil me karapatan namang sumaya si Goryo.
Superpekpek Green: Sus... imbestigasyon lang pala eh! yakang-yaka yan.. libre mo muna ako ng kwek-kwek!
Pinalafang ng sangdimakmak na kwekkwek si Superpekpek Green... at balak ata patayin sa cholesterol. Nang mahilo na ang ating bida sa dami ng cholesterol na kinain ay umuwi ito. Nakasalubong nya si Kumander ng sya ang naghihintay ng tricycle-- nagkatitigan ang 2 babae. Umirap si Kumander.. Umirap din naman si Superpekpek Green. "taenang to.. makairap huh?!" sabi sa sarili. Ng makauwi.. kinuha ang botelyang ginto at nag-run ng background check sa asawa ni Goryong Takusa. Nagulat sya ng lumabas sa bote ang mukha ng babaeng nakairapan nya. "Bah ang putang yun pala ang asawa ni Goryo" sabi nito. Tinuloy nya ang panunuod mula sa simula ng pagkakakilala nila ni Goryo-- tindera pala ng Bukayo ang hitad na babae.. at ang lola ni Goryo ay adik dito.. kaya naman panay ang utos sa apo na bumili dun. At nagulat si Superpekpek Green ng makitang sinulot pala ng babaeng yun si Goryo-- Pinasok ni Superpekpek Green ang utak ni Kumander-- dun natagpuan nya na wala talaga itong utak at puro biyolens lang talaga ang laman nito. Ng me makitang tatoo si Superpekpek Green sa batok ni Kumander.. PUTAH! Ang simbolo ni Haring Labuyo... isang maliit na sili.
Superpekpek Green: Taena.. nagsimula na pala talaga ang breeding ng new pekpeks!! *kuha cellphone txt iba pang superpekpek heroes*
Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga ibang Superpekpek Heroes.. Galit na galit ang mga lukaret dahil di nila akalain na pwede ng gumawa ng new breeds of pekpeks gayong buhay pa si Elsa. Kaya naman nag-usap usap ang ating mga bida..
Superpekpek Orange: Putang ina talaga nyang labuyo na yan ha!! Ako naririndi na ako sa kanya..
Superpekpek Yellow: Grabeh no? akalain mong makagawa sya ng new breeds of pekpeks.. that is an insult!
Superpekpek Red: Precisely.. that's an insult to us as well to Pektonia... Goshh.. grabeh na sya...
Superpekpek Blue: Shit... *text*
Superpekpek Lavander: *nguya* Taenangshet... patayin...
Superpekpek Orange: Ano kaya at umuwi ako ng pektonia saka ko durugin ang hayup na Labuyo na yun??!
Superpekpek Green: Saka na si Labuyo.. ito munang si Kumander ng ayusin natin..I feel like killing the bitch.. grabe na ang ginagawa nya kay Goryo... bait bait pa naman nung tao.. tapos gaganunin nya?!
Superpekpek Lavander: Wa ako care noh.. pekpeks lang pwede ipaghiganti..
Superpekpek Green: Putah o.. sige na.. .nagawa na natin dati kay Kliph to ah.. bakit di pwedeng ulitin?!!? E halos same situation din naman sila?? Saka... gusto nyo ba na... mabuhay yang new breed ng pekpek na yan? Gusto nyo ba na sya ang gaganti sa mga lalaki?!
Parang mga nagising ang mga bruhita kung kaya't pumayag na din sila sa pang-uuto ni Superpekpek Green. Tuwang tuwa na tinext ni Superpekpek Green si Elsa upang sabihan ang huli ang mga bagong balita.... tuwang tuwa si Elsa at pinadalan nya ng sangdimakmak na kwek-kwek si Superpekpek Green para mahusto ang bayad. Kinabukasan ay holiday kung kaya't ang mga Superpekpek Heroes ay tumambay sa tindahan nila Elsa. Kay daming bumibili dahil na rin sa kakaibang yumi at ganda ng mga bruha.. Hapon na pero di pa dumarating si Goryo..
Superpekpek Orange: Puta Elsa.. ang baho ko na o!! Anong oras ba darating yung gagong yun? So dirty...
Elsa: Maya maya baka tinatanggal pa nya yung maga ng muka nya...
Superpekpek Green: Taena ano balita kay Ispeysal Child? Nakakita na ba sya ng magmamahal sa kanya?
Superpekpek Lavander: Hay naku.. I think I've seen him.. puta... *yosi* yun lang.. puta..
Superpekpek Red: Gosssh.. I'm so inip na here... I wanna go home na...
Elsa: Ayan na si Goryo.. sheeeett *kilig* puta.. ang gwapo nya... haaaaayyy...
Superpekpek Orange: *irap kay Elsa* Taena ha... feel na feel mo ah.. me asawa na yan gaga!
Superpekpek Blue: So kung me asawa?? *feeling affected*
Goryo: Hello Elsa.. ay.. andito pala mga friends mo.. *ayos shades* 3 nyog Elsa.... *smile*
Superpekpek Orange: *ngiting aso* Hello... ikaw pala si goryo.. madalas ka ikwento sa amin ni Elsa...
Superpekpek Green: Ex ka pala nya huh?! hehehe... asan asawa mong magaling?!
Goryo: Ah eh..
Superpekpek Yellow: Bakit di mo palitan ang asawa mo?
Superpekpek Lavander: Oo nga.. chuppangga noh!? Ang panget... in english U-G-L-Y sya!! Muka syang longkatuls....
Sasagot sana si Goryo pero biglang me tumunog na bell...pagkuwa'y nasundan ng sunod sunod na pito .. shet ang bruhitang asawa ni Goryo..sumusugod sa tindahan... lalo itong nagalit ng makita ang mga naggagandahang babae...
Kumander: Ayun!! taena ka!! kaya pala ang tagal mo bumalik... nanlalandi ka na naman!?!
Goryo: Kadarating ko lang dito sweetheart...
Kumander: *sampal si Goryo* shet ka ha.. pinapahiya mo pa ako gago ka!!
Goryo: Pero yun ang totoo..saka di kita pinapahiya...
Kumander: *siko ang sikmura ni Goryo* taena mo! Anong hindi? Gusto mo ko magmukang tanga no!? gusto mo ko mapahiya no?! *sapok si Goryo*
Di nakayanan ni Elsa ang nakikita.. sumabat ito..
Elsa: Tama na yan Kumander.. alam mo feeling pretty ka eh! Kung ano ano ang ginagawa mo sa asawa mo porke ang pangit mo!!
Kumander: *nagulat* Sinong panget puta ka?!
Elsa: Ikaw. *tawa*
Kumander: Puta kaaaaaaaaaaaaaa..*sunggab kay Elsa*
Superpekpek Orange: *hawak kamay ni Kumander* Putah.. hands off kay Elsa..
Kumander: Puta ka... Pakielamera..
Superpekpek Green: Ikaw ang puta... sabihin mo kay Haring Labuyo mo.. puta din sya..*tawa malakas*
Nagulat si Kumander... pagkuwa'y umikot ito..ikot ng ikot kaya naman nahimatay si Goryo at si Elsa ang mga Superpekpek Heroes naman ay bored sa kahihintay kung ano ba talaga kahihinatnan ng pag-ikot na iyon. Tumigil ang pag-ikot at tumabad sa harap ng mga Superpekpek Heroes si Kumander na nadagdagan lang ng kapa. Nagtawanan ang mga Superpekpek... at lalong nagalit si Kumander..
Kumander: Mga puta kayo!! Ito na ang panahon ng paghihiganti!! *tawa ng malakas* Uubusin namin ang mga matitinong lalaki!! hahaha!! Sa gayon.. maraming pekpek ang maapi!! Maraming pekpek ang maga-cry hahahahha!!
Superpekpek Green: Ahh pakyu.. bad breath ka! *taas kamay, tingin sa langit at sumigaw*Superpekpek powers combiiiiiiiineeee!!
Ng marinig ng mga Superpekpek Heroes ang sigaw ay nagsipag gayahan na din sila.. Umusok ang buong paligid at isa isang pumasok sa katawan ang mga Superpekpek Heroes.. Dahil na din siguro sa cholesterol na nababalot sa utak ni Superpekpek Green ay nagkamali ito ng pasok.. Imbes na kay Elsa sya pumasok ay napasok sya sa katawan ni goryo.. Taena naman kasi.. mahihimatay na lang yayakap pa! Nagulat ang ibang Superpekpek dahil hindi sila kumpleto... at alam nilang di naman aalis si Superpekpek Green sa katawan ni goryo.. kaya lumipat silang lahat sa katawan ni goryo.
Goryong Takusa the Superpekpek: Lagi mo na lang ako pinaiiyak! Punyetang babae ka!
Kumander: *tawa malakas* Ikaw? ikaw ang tatapat sa akin?! Pekpek na boses lalaki?! You must be kidding me. Gusto mo ng Bukayo goryo? Di ba gusto mo yun?! Di ba mas mahal mo ko pag kumakain ka nun?
Goryo the Superpekpek: Puta kang babae ka!! Ginagayuma mo ko ng Bukayo..ito ang nababagay sayo.*labas ng pamukpok at lubid* Kung akala mo di kita papatulan.. letse ka!!Ngayon papatulan na kita... dahil dahil.. sawa na ako sa bukayong pinakakain mo sa akin!! yun lang ang alam mong lutuin buset ka!
Itinali ni Goryo the Superpekpek si Kumander saka pinagsasampal. Tatlong sampal sa kada sampal na inaabot nya dito araw araw..Sinubukan lumaban ni Kumander pero nanghihina na sya dahil me isang oras na syang walang karga ng bukayo...Ng magsawa si Goryo sa pagsampal ay kinurot kurot nman nito si Kumander para naman sa mga paglalakwatsa nya at pagpapabaya sa kanya. Iyak ng iyak ang bruhita at nagmamakaawang patayin na lang sya... Napagod sa kasasampal at kakakurot ang giant pekpek na me malaking boses.. kung kaya nilabas nito ang maging lip shiner.. inasinta si Kumander.. sumabog ang utak ni Kumander na puno ng Violence. Minasdan ni Goryo ang nangingisay na asawa..pero wala syang maramdamang awa..dinuran pa nito ang asawa at tinapak tapakan ang mga daliri sa paa.. Winisikan nya ng feminine wash ang asawa... at ito ay unti unting naging latik -- kung kaya't isinupot sya ni Goryo at pinakain sa mga alagang baboy ng kapitbahay. Isa isang naglabasan ang mga Superpekpek Heroes sa katawan ni Goryo. At galit na galit ang mga ito kay Superpekpek Green! Kung kaya't iniwan nila ang huli at hinayaang maglakad pauwi. Samantala naiwan si Elsa at si Goryo...
Goryo: Elsa.. mahal pa rin kita...
Elsa: Goryo kamamatay lang ng wala mong kwentang asawa..letse ka *taas middle finger*.
Goryo: Alam ko mahal mo pa rin ako...
Elsa: Tigilan mo ko goryo.. dahil alam ko na ngayong wala na ang asawa mo.. ay bihira ka nang bibili ng niyog.. sana sa susunod na magaasawa ka.. piliin mo yung mahal mo talaga!! At wag kang papilit sa lola mo... Tanda na nun eh..takot ka pa rin sa palo nya.. nyeta ka.. Pakita mo naman na me balls ka...
Goryo: *hubad salawal* Ayan elsa o!
Elsa: *pikit isang mata* Puta ka Goryo.. lumayas ka ngaaaa!! Itaas mo yang salawal mo hayup ka!!
Goryo: Elsa....
Elsa: Lumayas ka dito!! hayup kaaaaaa! *kuha pamukpok*
Tumakbo papalayo si Goryo mula kay Elsa..Naiwan ang galit na si Elsa pero pagkuwa'y tumawa ito na parang kinikiliti ng 10 kabayo.
Aral na mapupulot sa kwento: Masarap ang balls.. lalo na ni manong.
Isang adbentyur na naman ang natapos... harinawang di na maulit ang ganitong istorya. Nyeta. Hanggang sa muling pagbabalik ng The Adventures of Elsa and the Superpekpek Heroes..(*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:1. ANO ANG TINURAN NI ISPEYSAL CHILD NA TALAGANG KINAINIS NG MGA KABABAIHAN. 2. SINONG SUPERPEKPEK ANG AFFECTED MASYADO SA TINURAN NG GOD'S GIFT TO WOMEN? SAGOT:1. Ang mga Pinay daw ay Boring. 2. Superpekpek Green.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: BAKIT NAWALAN NG GANA SI ELSA KAY GORYONG TAKUSA?
a. kasi wla syang balls. b. kasi nagpakita sya ng balls. c. kasi takot sya sa lola at asawa nya. d. kasi di na sya madalas bibili ng nyog. e. ALL OF THE ABOVE.
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!