da weding planer

Tulad ng nakagisnan nya paggising.. tumayo si Ispeysal Child at pumunta sa komedor upang magtimpla ng kape...Naging bisyo na nya ang pag-inom ng kape kahit na anong oras.. mapaumaga, tanghali.. o gabi.. Kahit na tag-init ay umiinom pa rin sya ng kape. Kaya naman Kapeholic na sya. Ilang linggo na ang lumipas mula ng isumpa sya ni Elsa the Superpekpek Hero dahil na din sa pagiging mahadera. Nakikielam kasi sya sa usapan ng me usapan .. sya tuloy ang napagbuntunan ng galit at sama ng loob. Hindi nya lubos maisipkung bakit naman sa dinadami dami pa ng tao ay sya pa ang naisumpa at naparusahan ng ganun. Matiim ang bagang tumingin sya sa labas ng bahay para panuorin ang mga batang naglalaro ng piko sa tabi ng aso na umeebak... sabay higop sa mainit na kape. Kamakailan ay nagpadala ang kanyang kapatid na nagtratrabaho sa Japan ng package. Tuwang tuwa sya dahil me lamang Ramen iyon bukod sa laftap na matagal na nyang ninanais. Bah.. dagdag pogi points din ata yun. Me kasama pang sulat ang naturang package. At isinasaad duon na magpakabit ng sya ng internet para na din daw sa madaliang sulatan. Kaya naman.. yun ang aasikasuhin nya ngayon.. hahanap sya ng Internet Provider. Hindi pa sya masyado sanay sa paggamit ng laftap-- kaya naman hinihimas himas lang nya ito. Pagkatapos ng limang tasang kape ay naisipan din nyang maligo na dahil basang basa na ang flooring ng bahay nila ng pawis nya. Pagkuwa'y nagbihis at lumakad na.

Ispeysal Child: Taena.. bakit kasi sa bayan pa ang opisina ng mga internet na yan.. baka makita ko lang dun yung giant pekpek na yun o kaya yung babaeng nang-away sa akin...haaaaaay *sigh*

Ng mga oras namang yun ay bukas na ang tindahan nila Elsa. Siya ang matamang nagsasalansan ng mga nyog sa tapat ng tindahan ng matanaw nya si Ispeysal Child. Tandang tanda nya ang lalaking yun. Sya yung nakikielam sa usapan ng me usapan. Nagtama ang paningin ng dalawa...kumindat at ngumiti si God's Gift to Women.. Itinaas ni Elsa ang kanyang middle finger sabay irap. Pumasok si Elsa sa tindahan at nagkayod ng nyog... tuloy tuloy naman si Ispeysal Child sa kanyang layunin na makapagpakabit ng Internet. Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw ng...

Ispeysal Child: *katok sa tindahan* pabili... pabili nga ho ng BJ...

Elsa: *nawala ang ngiti ng makita ang peys ni Ispeysal Child* Maghintay kaa! Ilang Gallon ba bibilin mo ha? Taenang to....

Ispeysal Child: 2 Bj nga *kindat kay Elsa*

Elsa: Me sakit ka bang ugok ka?! Bakit ka kindat ng kindat?

Ispeysal Child: Wala naman.. masama ba ang humanga sa magandang dilag na kamukha mo?

Elsa: Oo masama.. di ko feel maging ms. Friendship sayo ha!

Ispeysal Child: Bakit naman masama? Dalaga ka naman .. binata ako..

Elsa: Simpleng rason lang.. ayaw ko gago! *abot ang 2 buko juice*

Ispeysal Child: *abot ang Buko Juice* lol...

Elsa: Lul ka din! Ang bayad mo kulang! kulang ka pa ng .50 sentimo!

Ispeysal Child: To naman.. .50 na lang e..

Elsa: Amin na kung ayaw mong batuhin kita ng nyog! Di tayo close para tumawad ka ha! ni hindi nga kita like eh!

Ispeysal Child: Alam mo.. siguro type mo ko... kasi lagi kang galit sa akin.. like mo ko .. ayaw mo lang aminin na ganun.

Elsa: *taas middle finger* Pakyu!

Ispeysal Child: sure kelan?

Elsa: Lumayas ka na hayup.. akala mo naman me maipagmamalaki ka e.. itsy bitsy ka na no!

Ispeysal Child: *namula sa hiya* Alis na ako, Elsa.. ito ang limang piso..

Elsa: Teka ang sukli mo.. Singkwenta sentimos lang ang kulang mo ungas..

Ispeysal Child: *lungkot* Di bale na Elsa...*sabay talikod at alis*

Naiwan namang feeling guilty si Elsa..ayaw ni Elsa ang ganung feeling dahil ayaw nyang makasakit ng kalooban. At inisip nya-- bakit nga ba sya nagagalit kay Ispeysal Child? At naalala nya ang sagot na ang feeling nga pala ni Ispeysal Child ay regalo sya ng Dyos sa mga babae. At dun biglang nawala guilty feeling na nararamdaman nya. Pumito sya ng itsy bitsy tiny weeny polka dot achuchu habang tinutuloy ang pagbasa ng komiks na nahiram nya sa mga tambay. Masamang masama ang loob ng dumating sa bahay si Ispeysal Child.. kaya nagpunta siya sa kusina para uminom ng kape. Pagkatapos ay tinext nya ang kapatid sa Japan para sabihin na meron na syang Internet bukas ng umaga. Pinag-aralan ni Itsy bitsy.. este ni Ispeysal Child ang laftap. Marunong naman na kasi syang mag computer dahil nagiinternet cafe naman sya sa bayan. Excited sya kaya di sya nakatulog ng gabing yun kaya naman unang tilaok palang ng manok ay binuksan na nya ang laftap at nag-check ng email. Pagkatapos ay nag download sya ng program na pangchat.. Sa madaling salita ay online na ang tarantado. Lumipas ang mga araw ay hindi halos makausap ang Ispeysal Child.. ni hindi na rin sya lumalabas ng bahay-- inom lang sya ng inom ng kape. Ang bahay nila ay amoy kapetirya na.. masyado na syang nao-obsess sa internet. Minsan ay napapanuod pa nya si Kliph na nasa cam at nakahubad.

Lumipas ang ilang araw me nakikilalang babae na taga Japan. Ang pangalan ay Teriyaki. Mabait si Teriyaki.. makuwento kahit pa hirap na hirap itong mag-ingles. Lumaki kasi sya sa Japan sa inang pinay at tatay na hapon. . Nagkakausap ang dalawa tuwing dumarating ang babae mula sa trabaho pero nuknukan ng pagkaselosa ang bruha. Kailangan ay laging nagrereport sa kanya ang Ispeysal Child..Tuwang tuwa si Ispeysal Child dahil sa wakas ito na ang babaeng magmamahal sa kanya ng tapat. Mahal din naman nya si Teriyaki pero di pa nya ito masyadong kakilala. At ayaw pa nyang mag-asawa.

Teriyaki: Good pi-em my husband san..

Ispeysal Child: *ngilo* Good am sweetheart..

Teriyaki: How are you my husband san?

Ispeysal Child: I'm fine sweetheart.. I miss you so much..

Teriyaki: I miss you to my sweetheart san..

Ispeysal Child: I wish you are here sweetheart, I want to hug you and kiss you...

Teriyaki: Ok, husband san..I'm going there next week..

Ispeysal Child:*naloka* ah..eh.. That is good..sweetheart.. Don't you have work sweetheart?

Teriyaki: Ok, husband san.. I'm taking a leave off the office so I can spend time with you husband san..So we can plan our wedding san...

Ispeysal Child: *nandiri ng madinig ang salitang wedding* ok sweetheart.. I miss you.. I'll pick you up in the airport..I'll be staying there in Manila whole time you are here sweetheart...

Teriyaki: I miss you too husband san..but I have to go and rest.. have work tomorrow.. Don't talk to other girls sweetheart san..

Ispeysal Child: Ok sweetheart..sleeptight and sweet dreams..

Ng umalis si Teriyaki ay dali dali namang naghanap ng ibang makakausap ang lalaki.. Wala syang nakita kaya naman naglaro na lang sya ng tribya. Ng mahilo dahil na rin sa radiation ay pinatay na nya ang kanyang laftap at natulog. Sa kanyang panaginip ay hinahabol sya ni Teriyaki.. dala dala ang marriage certificate at pinapipirmahan sa kanya.. Sya naman ay takbo ng takbo pero nahuli pa rin sya ng babae. Nagising sya na pawisan.. tumayo sya at uminom ng tubig ng bigla syang mapatingin sa kape. Nagiging nerbyoso na sya. Pero isang tingin pa sa kape ay hindi na nya nakaya ang tawag ng kape. Nagtimpla sya habang nakikinig sa musika ni April Boy Regino. Iniisip nya ang pagdating ni Teriyaki.. wala na syang matatakbuhan.. ayaw pa nyang mag-asawa. Hindi pa sya sawa sa buhay binata.. Gusto pa nyang magkipaglaro sa iba't-ibang babae. Nais pa nyang mag-saya.. at naalala nya ang sumpa.. pano sya makikipaglaro ng ganung size na lang ang etits nya? Paano nya sasabihin kay Teriyaki na ayaw pa nyang mag-asawa at hindi pa sya handa...Paano? Paano? Tinapon ni Ispeysal Child ang malamig na kape at uminom ng iced tea. Lumipas ang mga araw.. ay sinundo nya si Teriyaki mula sa Airport. Naalala nya si Elsa.. At gusto nyang magyabang na sya ay tunay na regalo ng Dios sa mga babae dahil me nagmamahal pa sa kanya. Ng makapagpahinga na si Teriyaki ay dali dali nya itong ipinarada sa bayan.. Idinaan pa sa tapat ng tindahan ni Elsa at dun sila naglampungan.

Ispeysal Child: Sweetheart.. You want BJ?

Teriyaki: Bj sweetheart san?

Ispeysal Child: Oh.. *akap ang gf* that is so sweet of you sweetheart.. later? Bj, plamis huh?

Teriyaki: *Walang alam sa sinasabing Bj ng gagong si Ispeysal child* Oh yes.. plenty...

Ispeysal Child: *silip sa magandang tsiks * Uhmm sweethart... I missed you so much.. I want to hug you and kiss you...

Pinatulan naman ng lukaret na babae ang panglalandi ng lalaking ma-L. Nakipagharutan ang haponesa sa lalaki. Nakita ito ni Elsa at pinagmumura ang dalawa. Dali dali namang hinila ni Ispeysal Child ang nobya dahil ayaw nya ng gulo at feeling nya pag aawayan sya ng dalawang babae. Minsan nainip si Elsa ay tinext nya si Superpekpek Lavander para hiramin ang gintong botelya. Hindi maalis sa isip nya si Ispeysal Child, iniisip nya kung bakit nakakita ito ng babaeng magmamahal gayung di naman talaga to likeable! as in. Dumating ang Superpekpek na mura ng mura dahil nasa shooting sya ng i-text ni Elsa. Hinagis at bote at walang sabing lumayas. Pinanood ni Elsa si Ispeysal Child. Duon nakita nya na madami pala talagang babae ang hayup na ito. At habang ang super selosang nobya nya e ayos ng ayos ng papeles para sa kasal, sya naman ay deny ng deny sa mga taong nagtatanong sa kanya. Hindi malaman ni Elsa kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang lalaking ito..."Puta..lakas ng powers mo itsy bitsy ah" sabi ng babae sabay simangot.

Isang umaga, mainit ang ulo ni Elsa dahil nabwisit na naman sya ni Baho.. ay dumating ang God's Gift to Women... Huminto ito sa tapat ng tindahan nila Elsa. Nakatingin lang ang ating bida at naghihintay ng sasabihin ni Ispeysal Child... ng makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin nagsasalita si Ispeysal Child, ay binasag na ni Elsa ang katahimikan...

Elsa:*dilat mata* Ano putang ina ka!? Anong tinitingin tingin mo jan?

Ispeysal Child:*nagulat at parang na-offend* Wala baket?!*taray mode*

Elsa:*war mode* Bah.. nagmamataray ka... di mo carry..

Ispeysal Child: *taray mode* Ayaw na kitang kausap!

Elsa: Baket feeling mo mamatay ako kung di mo kausapin?! Sino ka ba? Kaw ba me gawa ng hininga?! syet na to....

Ispeysal Child: Baket? kinakausap ba kita? Di ba kasasabi ko lang na ayaw kita kausap pero kausap ka ng kausap ,e ayaw ko na nga kitang kausapin...

Elsa: *nalito sa sinabi ni Ispeysal Child* Ha.. ah pakyu!...

Dadagdagan pa sana ni Elsa ang sasabihin ng biglang nakita ang nobya ni Ispeysal Child. Sumusugod ang made in japan. Malamang ang nakita nito na naguusap sila ni Ispeysal Child at feeling nya e kaagaw agaw talaga ang nobyo nya.

Teriyaki: Sweetheart San! What is this all about?! Who is this girl san?!

Ispeysal Child: *automatic lying machine mode on* Ah.. no one sweetheart san.. just a nobody..

Teriyaki: Our wedding has been set sweetheart san *akap sa nobyo*.. everything is ok san.. the gown.. the church.. I fixed them already..

Elsa: *halakhak ng malakas*

Teriyaki: What are you laughing about? bakero...

Elsa: *natigilan* Huh? magnyo-nyog ako di ako baker tanga! I don't know what you are talking about.. talk to the hand bitch. And for your information that man.. is a ahh.. ehh.. that man.. *isip*.. he is no good!!

Teriyaki: *lito* What is she saying san?

Ispeysal Child: Don't mind her sweetheart... That is all lies.. she is a liar ... she is you know *ikot index finger sa temple* like this.. crazy sweetheart..

Elsa: Hoy, tang ina ka.. alam ko liar ah!! Luka luka pa ako ha? hindi ako sinungaling!! Gagong to!! *talikod kuha ang cellphone at tumawag* you wait there bitch huh...

Kinutuban ang lalaki na darating ang mga babaeng tinext ni Elsa nun. Magkakaletse- letse na naman ang buhay nya! AT hindi sya nagkamali dahil maya maya ay dumarating na ang mga babaeng super ang mga pekpek.

Superpekpek Orange: Puta.. ikaw na naman ba?! Wala ka talagang kadala dala ha...

Superpekpek Green: Ay taena.... ano problema?*hithit yosi*

Elsa: Sinungaling daw ako... saka luka luka...

Superpekpek Lavander: Ganun? Ako matagal na akong nagtitimpi sayo lalaki ka ha!! Bakit ka ganyan ha!? SAn ba ang kuta mo ng matapos na namin ang lahi mo!

Teriyaki: *nandiri at naninibago* Sweetheart... who are these people...why are they shouting.. and mad?

Ispeysal Child: They are looney tunes sweetie..

Superpekpek Orange: Puta ka ah! Sino ang looney?! *labas magic bote* hey you.. Girl from japan.. come and watch this..

At napanood ni Teriyaki ang nangyari simula nuon pa.. kung paano lumiit ang etits ng nobyo nya at mga babae sa buhay nito. Pero nagulat ang mga babae.. hindi natinag ang paghawak sa kamay ni Ispeysal Child...

Teriyaki: I still love you Ispe... No matter what...

Ispeysal Child: I love you too...*silip dun sa tsiks na walang bra*

Nandiri ang mga superpekpek heroes sa narinig.. at hindi nila hahayaan na dumami ang lahi ni teriyaki dahil na din sa sobrang katangahan ng babae! Kaya ang mga Superpekpek Heroes ay tumingala sa langit.. itinaas ang dalawang kamay at sumigaw ng "powers combine" Isa isa silang pumasok sa katawan ni Elsa at nagtransform sya into a Giant pekpek. Hindi rin naman sila papayag na magkakaanak ang dalawang ito.. dahil grabeng kombinasyon na iyon... biro mo...dadami ang lahi ni Ispeysal Child.. Ganun din naman ay dadami ang lahi ng tangang babae.. pag ganun ang nangyari ay hindi makakapag retire ang mga Superpekpek Heroes dahil patuloy na maapi ang mga tangang pekpek at hindi na matutupad ang pagbabakasyon nila sa New York.

Teriyaki: *nagulat at na-offend sa laki ng pekpek sa harap nya* Eeeiww what is that?

Elsa the Superpekpek: I'm Elsa the Superpussy you idiot!

Teriyaki: I can see that.. that is so.. immoral.. you turning into a giant pussy san..

Elsa the Superpekpek: Mind your own business.. *labas laser lipstick*

Ispeysal Child: Tigilan mo si teriyaki my labs ko! Ako ang harapin mo! Tutal ay sa akin ka naman galit!!

Elsa the Superpekpek: Taena.. hilig mo talaga makielam no? Gusto mo mauna?!

Ispeysal Child: I'm not a coward! I will die fighting for my one true love...

Elsa the Superpekpek: Ganun? Me one true love ka pang nalalaman eh no? *asinta si Ispeysal Child*

Ispeysal Child: *bulong kay Elsa* Ano number nung babaeng nakasando na walang bra? Yung nagtitinda ng isaw? Ang seksi grabe..

Teriyaki: I don't know what will they do to us, sweetheart san.. i want you to know.. I love you so much..

Nakaramdam ng kakaibang sensasyon ang lalaki sa kanyang bird... kinapa nya ito at sya ang namangha! Pagkuway, sumigaw sa tuwa, Bumalik na ang dating size ng etits nya! Inakap ni Ispeysal Child si Teriyaki. Biglang dumating ang pari.. Nakita ito ni Ispeysal Child at nahintakutan na naman sya.. nagtatakbo sya papalayo.. humabol ang tangang babae. "de javu" sabi ni Ispeysal Child. At tulad sa panaginip.. Nahuli si Ispeysal Child.. naikasal sya sa nobya. Nguni't dahil ayaw ng mga Superpekpek Heroes na dumami ang lahi ni Teriyaki at lalo na ni Ispeysal Child.. ay ni laser lipstick nila ang etits ng huli at nilagyan ng permanenteng condom at ang babae naman ay pinag menopause na. Pagkatapos ay tinapon ang mag-asawa sa isla na kung saan ang tanging babae lang ay si Teriyaki. Sila ay nabuhay ng hindi masyado mapayapa... at hindi gaanong masaya.

Naglabasan ang mga Superpekpek Heroes sa katawan ni Elsa at umuwi na. Naiwan naman si Elsa sa tindahan kasama ang aral na: J.A.P.A.N. - Just Always Pray At Night.

Isang adventure na naman ang natapos.. hanggang sa pagbabalik ng The adventures of Elsa and the Superpekpek Heroes...(*pekpekpekpekpekpek)

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:BAKIT NAWALAN NG GANA SI ELSA KAY GORYONG TAKUSA? SAGOT: E. All of the Above.

 

© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]

Instant Quiz: SAANG BANSA PINANGANAK SI TERIYAKI?

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection