Sobrang init ng panahon ng maisipan ni Superpekpek Green na lumabas at kumain ng halo-halo. Napadaan sya sa tambayan at duon nakita nya ang mga lalaking walang ginawa sa buhay kundi ang magtsismisan ukol sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Kinawayan sya ng mga ito, nguni't inisnab nya lang ang mga ugok. Dumiretso si Superpekpek Green sa restokwekkwekan at duon umorder ng peborit nyang kwek-kwek at halo-halo. Kumain ang ating bida ng matiwasay ng biglang dumating si Elsa at kasama nito si Baho.
Elsa: *sigaw sa tuwa* Green!! Sa wakas.. makakalibre din ako ng miryenda..
Baho: Yehey! makakalibre tayo ng meriendss..
Superpekpek Green: *naasar dahil naistorbo sa pagkain* Hello Elsa! *beso beso* musta na?! At kasama mo pa biep mo ha!
Elsa: Mabuti naman.. nye!! taena di ko bf yan.. isa lang yan sa mga fans ko...
Baho: *tuwang tuwa ng madinig ang salitang Biep* hehehe.. ahem...
Superpekpek Green: Taenang to..*tingin kay Baho* feel na feel.. *tawa ng malakas* O sya.. umupo ka sa ibang table at baka isipin naman ng mga fans ko meron na ako kalabtim... *ngilo*
Baho: huh? Sa ibang table? pero...
Superpekpek Green: Walang pero pero.. dun ka, kung ayaw mong ihagis kita...
Baho: O sige.. basta yung kwekkwek ko ha... samahan mo na din ng halo halo...
Superpekpek Green: Walang problema dyan...*kaway sa weyter at umorder ng halo halo at kwekkwek para kay Baho* Ikaw Elsa? Ganito din kakainin mo?
Elsa: *tango* Sensya ka na sa kapal ng mukha ng isang yan... pinanganak ng ganyan yan eh!
Superpekpek Green: Wag lang syang abuso dahil kaya ko syang patayin gamit ang b-b-q stick.. O anong balita?
Elsa: Anong "anong balita?".. hmm.. hindi nyo ba ako tinitignan?
Superpekpek Green: Elsa naman.. hindi namna sa lahat ng panahon e ikaw na lang ang papanuorin namin.. tao na kami ngayon.. me social life na rin naman kami..
Elsa: Oo nga pala.... saka lab layp...
Superpekpek Green: *nasamid* lab layp ka jan.. taenang word yan o... *kain kwekkwek*
Elsa: Bakit? *tawa*
Superpekpek Green: Hindi pwedeng magkaron ng lab layp ang mga Superpekpek Heroes...
Elsa: Bakit ngaaaaaaa?!
Superpekpek Green: Dahil maapektuhan ang trabaho.. in short mga career women kami. At ikaw? Aber? Musta ang lablayp mo?
Elsa: Ito.. same old sheet..
Superpekpek Green: Musta si Doc?
Elsa: Sila pa rin ni Meldy at mukhang sila na nga ang magkakatuluyan... *ngilid ang luha* taena nila...
Inabutan ni Superpekpek Green si Elsa ng tisyu.. At pinunasan ng huli ang mga mata. Si Baho naman ay galak na galak sa tuwa dahil libre sya ng merienda. Ng me kumalabit sa kanya.. Ang karterong si Mang Eloy.
Baho: O mang eloy.. Kain ho ng merienda.. ayan ho sa kaibigan ni Elsa.. lapitan nyo at magpalibre kayo..tapos tumabi kyo sa akin..
Mang Eloy: *takip ang ilong* Hindi na Baho.. ito me sulat ka..
Baho: sus.. nahiya pa si Mang Eloy.. sige na ho at magpalibre na kayo dun sa kaibigan ni Elsa.. kanino ho ba galing ang sulat na iyan? *tingin sa sulat* Bah.. key Grawtsi, taena darating galing saudi yahooooooooo!
Superpekpek Green: HOY! Tumahimik ka.. kwekkwek lang yan.. Di ka dapat paapekto..
Elsa: Tangna ka Baho!! Kakahiya ka talaga...
Baho: Pero..pero...
Superpekpek Green: Walang pero pero.. taena di ka ba tatahimik? ikaw pagbabayarin ko nyang kinain mo! shet na to.. *inom*
Baho: Tahimik naman eh...
Ng matapos na ni Superpekpek Green ang pagkain ng kwekkwek ay nagpaalam na sya kay Elsa.. Minadali naman ni Elsa ang pagkain ng kanyang halo halo at sumabay palabas ng restokwekwekan. Kasunod si Baho.. Nagpaalam ang sira ulo na uuwi na muna sya at ipapaalam sa inang nya na darating ang pinsan nyang si Grawtsi.
Madaling inayos ni Baho ang bodega para magmukhang kwarto.. Sigurado maraming pasalubong sa kanya ang pinsan.. Bah.. close ata sila. Lumipas ang mga araw.. Dumating ang Grawtsi galing sa saudi. Sa airport palang ay nagkagulo na.. Dangkasi ang Grawtsi, nambibit-bit ng bag ng me bag! Mabuti na lang mabilis silang tumakbo ni Baho.. at naiwala nila ang mga pulis at asong humahabol sa kanila. Sa bahay..Tuwang tuwa si Baho ng abutan ng isang rim ng yosi ni Grawtsi. Yun daw ang pasalubong nya.. agad pinagbubuksan ni Baho ang mga package... wala syang pakielam kung hindi nya pangalan ang nakasulat duon. Hinayaan naman siya ng pinsan dahil ang mga binubuksan ng huli e puro pakipadala.
Grawtsi: *laro ng kwintas na ginto* Insan.. me tsiks ka ba jan?
Baho: *kapa sa bulsa* Wala insan.. dun sa bayan madami... tiyak na pagkakaguluhan ka dun...amoy dollars ka eh..
Grawtsi: *batok si Baho* Tado.. hindi lang dahil sa dollars yan.. nakikita mo ang mukhang ito? Yan! Yan ang tinatawag na tsarm.
Baho: Sang mukha?
Grawtsi: *tawa malakas* Taena insan.. tanga ka pa rin ever... maiba tayo ng usapan.. me GF ka na ba?
Baho: *naiba ang mood..* wala pa.. pero me nililigawan ako..taena insan tagal ko na nililigawan yun.. masyadong mailap..
Grawtsi: Anong mailap? e di rape-in mo!
Baho: Ikaw talaga, Kuya.. puro ka biro..
Grawtsi: Tange.. di ako nagbibiro..
Baho: Pero Kuya..
Grawtsi: Walang pero pero.. kung gusto mo sya.. dapat mo syang makuha..*labas yosi*
Baho: grabe ang sama talaga ng ugali mo! Bilib ako sayo! *sigaw* IDOL!!
Grawtsi: Di ka gumaya dito sa kuya mo *tampal ang dibdib* macho!! Medyo Guwapito... pero higit sa lahat.. marunong magmahal...*kilig*
Baho: Yikes... ano ba yun?! naiba ata ang tingin ko sayo...Kaw ba kuya.. me GF ka na?
Grawtsi: Macho Guwapito nga eh!! Anong Gf gusto mo? Sa sulat? sa Email? Sa telepono? Sa internet? Sa totoong buhay?
Baho: Wow.. hanep kuya ang dami mong GF!! *sigaw sabay akap sa kuya* IDOLLL!
Grawtsi: Tara Baho.. punta tayo sa bayan.. hanap tayo babae!
Baho: Sige kuya.. pero wag mo agawin si Elsa ha.. taena.. akin lang si Elsa my labs ko..
Grawtsi: Taena ka.. Pano kung sya mainlab sa akin? Sori ka na lang ha.. Pag palay ang lumapit sa manok... *hithit yosi*
Baho: Di ka matitipuhan ni Elsa.. mapili yun sa lalaki...Kung ako nga e di pumasa. ikaw pa!? sus...
Grawtsi: Alam mo kasi Baho.. laki ng pagkakaiba natin.. Mabango ako.. amoy Joban ako o! *taas kili kili* Kili kili palang ulam na..
Baho: Maligo ka kuya.. amoy arabo ka pa... Arabo ba o Kamel? Di mo madistinguish..
Grawtsi: Pano mo madidistinguish e kaamoy mo ang mga yun.. Amoy baktol... alam mo sumama ka sa akin sa Saudi.. di ka maiiba dun.. same same kayo..
Baho: Ikaw talaga kuya.. puro biro.. maligo ka na nga!!
Grawtsi: Sino nagbibiro? *sabay pasok sa bodega na mukang kwarto para kumuha ng damit* Taena Baho! Bodega tong tinutulayan ko no?!
Baho: Bodega ka jan Kuya!! Guestroom yan no!
Grawtsi: Taena mo!! Andito pa yung bote ng Gin na ininum natin nung isang taon o! Ilabas mo nga to.. daming kiti-kiti o!
Pagkalabas ng mga bote ng Gin ay dali daling naligo ang balikbayan. Pagkuwa'y hinanap ang nanay ni Baho para bigyan ng Pabango na bigay sa airplane. Tuwang tuwa ang matandang babae... bah.. pang pitong bote na nya ng pabango yun. Taon taon na lang.. ganun ang binibigay ni Grawtsi sa kanya. Sa bayan, ay panay ang lingon ni Grawtsi sa mga tsiks sa palengke.. minsan kumakaway pa ang ogag.. Dinala ni Baho si Grawtsi sa tindahan nila Elsa...
Issa: Elsa.. isang nyog nga.. yung malaki..
Baho: Good Morning my labs!
Elsa: Pakyu, Baho! Aga aga.. letse..
Baho: gandang umaga,Issa... ganda natin ngayon ah..
Issa: Baho sino yang kasama mo?
Grawtsi: Ahem! Ako nga pala si Grawtsi magandang dilag..*kinamayan si Issa.. pagtapos ay hinarap naman si Elsa* Hi Woman.. Do i like you?
Elsa: *irap kay Grawtsi, labas ang itak at biniyak ang nyog* Magpinsan nga kayo ng hudas na yan..
Issa:*tawa ng malakas* Grabeh... you're so funny..
Grawtsi: *kindat kay Issa* Uhmm.. you like some buko juice? Can I have your number?
Issa:*na-shock at kinilig* Oh sure. *bigay ang lahat ng number kung san sya makokontak*
Grawtsi: Uhmm.. baka naman me magalit?
Issa: Wala noh..
Grawtsi: Talaga?
Issa: Oo no...
Elsa: Ahem.. isang taon ko ng inaabot ang supot ng nyog...
Baho: Hehehe.. kakakilig naman..
Issa: Tenkyu Elsa.. Hintay ko tawag mo Grawtsi ha..
Grawtsi: *kindat*
Ng hapong iyon ay hindi magkanda-ugaga ang Issa sa pagbantay sa telepono.. Hindi nya iyon pinagagamit kahit na kanino.. Hintay sya ng hintay sa tawag ni Grawtsi. Twing nag-riring ang telepono ay para syang si road runner na nakikipag-unahan. Sinisiko ang mga nauuna sa kanya.. At laking dismaya ang nararamdam nya pag wrong number o tarantadong nais lang makipag phone pal pala ang tumatawag.... "Anong oras kaya tatawag si Grawtsi?" tanong ng dalaga sa sarili..Lumipas ang mga oras... Nabubulok na si Issa sa paghintay.. walang Grawtsi ang tumawag. Natulog na si Issa na nag-iisip kung totoo ba na type sya ng lalaki o nanggaggago lang ang hayup na balikbayan. Samantala.. nasa Cabaret pala ang dalawang manyak.. at tuwang tuwa ang haliparot na si Grawtsi dahil sikat na sikat sya sa Cabaret.. Sayaw dito, Sayaw dun.. Halik dito.. Halik dun.. Wala syang pakielam kung ano ang itsura ng mga babae.. basta babae... oks na yun sa kanya. Nakalimutan nya ang pangako kay Issa. Kinabukasan, nagkasalubong ang dalawa sa bayan..
Grawtsi: Hi issa.. sensya ka na di ako nakatawag kasi me inutos sa amin si tyang eh..saka wala pa akong cellphone..
Issa: Okay lang yun.. di ko naman naalala na tatawag ka eh.. Maaga ako natulog..
Grawtsi: Ganun ba? Pwede ba kitang yayain magmerienda?
Issa: Sure..
Nagmerienda ang dalawa at nagkakwentuhan.. Talaga namang nag excert ng extra effort ang Grawtsi para maging lovable sya at mahulog sa bitag nya ang dalaga. At hindi sya nagkamali..konting pakyut pa ay bumigay na ang dalaga.. Pag-uwi ng hapon na iyon ay may mutual understanding na silang dalawa.. Nangako na naman ang Grawtsi na tatawagan ang dalaga. Ngunit naulit na naman ang nangyari.. Walang Grawtsi na tumawag. Kinabukasan ay nagkita ulit ang dalawa..
Issa: Hindi ka na naman tumawag... naghintay ako last night..
Grawtsi: E kasi Issa.. me nagpunta sa bahay .. kumuha ng pakipadala..
Issa: Hindi ako pwedeng magtagal.. Me aayusin pa ako sa bahay.. Kita tayo bukas.. *plastik na ngiti*
Grawtsi: Huwag ka ng magtampo.. *himas balikat ni Issa* Sige.. bukas. ganitong oras din ha.. ma-late panget..
Issa:*tawa malakas* Tado..
Kinabukasan ay maagang tinapos ni Issa ang mga gawaing bahay upang makadating sya sa tagpuan on time. Naligo sya, nag-shave at kung ano anong kaartehan ang ginawa sa sarili para naman super duper ganda sya. Nagbistida ang lukaret dahil feeling girl.. Limang minuto bago ang oras ng usapan ay nandun na si Issa sa tagpuan. Umupo, umorder ng walang kamatayang (bottomless) iced tea at nagsimulang maghintay..Samantala sa bahay nila Baho..
Baho: Wow ang insan ko .. ambango ah.. ready para sa date nila ni Issa.. Uyyy!!
Grawtsi: Uuwi ako sa amin ngayon, tange..
Baho: Akala ko ba de-date mo si Issa? Naghihintay sayo yun gago..
Grawtsi: E masyado syang clingy.. mukang hindi pa nagkaka biep yun.. baka mahuli ako sa trap..
Baho: kung sabagay.. di ko pa nabalitaan na nagka bf yun eh... Kelan balik mo?
Grawtsi: Pag malamig na ulit.. tawagan mo ko ha..
Baho: Tado ka talaga kuya.. feeling ko me ginawa kang di maganda kay Issa kaya ka nagkakaganyan..*sigaw* IDOL!
Grawtsi: Wala pa nga.. e di lalong di bumitaw yun kung me ginawa ako... ambilis bumigay eh. nawala ang challenge...
Baho: Taena ka nilaro mo lang pala...wawa naman si Issa...
Grawtsi: Ikaw na muna bahala sa iba ko pang gamit.. at bahala ka na din magkwento ng kung ano ano kay Issa..
Baho: Oo na.. ako na magliligpit ng kalat mo dito!! Ganyan ka din nung isang taon ng buntisin mo yung anak ni Mang Pasing..
Grawtsi:*taas middle finger* tado.. sige alis na ako..
Nilapitan si Issa ng weyter sa tagpuan..
Weyter: Ma'm.. hindi ho ba kayo oorder ng iba?
Issa:*mataray mode* Baket? Me order naman ako na iced tea ah!
Weyter: Pero ma'm.. nakakadalawang pitsel na iced tea na ho kayo..
Issa: Wala kang pakielam..
Weyter: Saka 2 oras na ho kayo dito.. Ang haba ho ng waiting lists namin..pababaunan ko na lang kayo ng iced tea at umalis na kayo...
Issa: Anong Kayo? Di mo ba nakikita na mag-isa lang ako?! Na wala akong kasama? Tarantado ka ah..
Tumayo si Issa at lumabas ng pinto..Nakasalubong nya si Elsa.. tinanong ng huli kung ano ang nangyari at bakit nakasimalmal ang mukha ng dalaga.. Kinuwento ni Issa ang lahat lahat.. at sinabi nya na gusto nya maghiganti. "Hayaan mo makakaganti ka din sa hayup na yun.."sabi ni Elsa. Pinauwi na ni Elsa si Issa at pinainom ng madaming Valium para makatulog. Sa isang sulok ay kinontak ni Elsa ang Superpekpek Heroes at agad na nagresponde ang mga ito. Isa isang pumasok ang mga Superpekpek Heroes sa katawan ni Elsa.. nagtransform ang huli into a giant flying pekpek.. suot ang kapa..at hawak ang sheild..Binaybay ng superhero ang himpapawid para hanapin ang mapang-aping etits na ang pangalan ay Grawtsi. Hindi mahirap hanapin ang lalaki... Nasa terminal ang walangyang lalaki at nakikipaglandian namna sa babaeng nagtitinda ng gulaman at sago. Bumaba mula sa ere si Elsa the Superpekpek at hinarap ang lalaki...
Elsa the Superpekpek: Taena ka.. nahuli din kita sa wakas..
Grawtsi: Hi Woman!! Do I like you? *kindat*
Elsa the Superpekpek: Panahon na para supilin ang mga katulad mo na mapang-api..
Grawtsi: Baket? Ano ginawa ko?
Elsa the Superpekpek: Ginagawa mo lang naman laruan ang mga babae... Pinaghihintay mo sa wala..sasabihin mo na tatawag ka pero hindi naman.. sasabihin mo darating ka ..pero hindi naman pala darating..Malanding lalaki...Ito na ang araw ng pagbabayad... ito na ang araw ng paghuhusga...
Grawtsi: Pwede ba luka-luka? Umalis ka na dito..di ka na nahiya... muka kang pekpek..
Elsa the Superpekpek: Ah ganun?? taenang to.. hindi na ako magpapaligoy ligoy pa dahil wala ka namang kwentang kaeksena.. Sayang lang ang appearance ko dito sa scene na to kung di kita papatayin..
Grawtsi: Ganun? I don't give a shit..uuwi na ako sa amin..
Elsa the Superpekpek: *isip* Uhmm mas me maganda akong plano.. Para maranasan mo naman ang maghintay sa wala.. ito nababagay sayo shet ka!
Iwinasiwas ni Elsa ang Kapa at dinala si Grawtsi sa isang underground harem sa Saudi Arabia..
Grawtsi: Hehehe.. taena.. dami babae dito.. tiba tiba ako!!
Elsa the Superpekpek: Tanga.. magsisilbi ka dito hangga't di ka natuto.. at alam mo na ang mga arabo ay walang pinipili.. type din nila mga lalaki.. kaya magpalit ka na ng custome mo..*labas ng laser, lipstickasinta Grawtsi*
Grawtsi: Anong custome? Anong silbi? Di ko gets..
Nabalot ang kapaligiran ng usok..ng mahawi ito..ay lumabas si Grawtsi na naka Bunny attire at me dalang tray..
Grawtsi: Pero..pero..
Elsa the Superpekpek: Walang pero pero... magsisilbi ka jan o pugot ulo..*tawa malakas* Besides panget mo kaeksena..
Arabo-hok: Hello sweetheart..*pisil pwet ni Grawtsi* Have fun tonight?
Grawtsi: Taena pekpek..alisin mo ko dito.. di na ako uulit pramis!! SIge na.. tatwagan ko na sila lahat.. sisiputin ko na silang lahat..
Elsa the Superpekpek: fun daw .. sumama ka jan.. dako ang isang yan! Plamis... nakita ko eh! hehehe! babay grawtsi..kita kits na lang tayo whenever..
Kinarga si Grawtsi ng Arabo at dinala sa isa sa mga kwarto, di kanais nais ang mga susunod na pangyayari kung kaya't sumibat na ang ating bida. Nagbalik sa dating anyo.. nagpasalamat sa mga Superpekpek heroes pagkuwa'y umuwi sa bahay.. Me aral na naman syang nakuha.."Huli man daw at magaling.. huli pa rin!"
Si Grawtsi ay nasa saudi at nahihilig sa pagchachat- matatagpuan sya sa #edad25up ng Dalnet ..kung saan.. uhmm kayo na bahala humusga, taena...
Hanggang sa muling pagbabalik ng the adventures of Elsa and the Superpekpek Heroes.. (*pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:SAANG BANSA PINANGANAK SI TERIYAKI? SAGOT: Japan.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: BAKIT HINABOL NG MGA PULIS SI BAHO AT GRAWTSI SA AIRPORT?
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!