tang-na tag-ulan na

 

Linggo ng umaga, maagang naligo si Elsa dahil first day niya ng paggamit ng mga bagong bili niyang personal care products at kung ano ano pang abubot sa katawan ng mga gels…syempre from the shampoo for her hair down to the moisturizers ginamit ng ating bida… At dahil linggo ngayon, daming tao sa palengke..kelangan mangibabaw ang alindog niya. Isinuot ni elsa ang kanyang bagong "daster" na sosi dahil off shoulder ang design..tamang tama para makita ng lahat ang kanyang magagandang mga balikat. Inabot ang ating bida ng kulang kulang tatlong oras sa paghahanda sa sarili para sa araw na ito. Pero ok, lang dahil alas tres naman siya ng madaling araw nag umpisa kaya..ala sais ng umaga ay nasa palengke na siya at inihahanda na ang pagbubukas ng tindahan nila… At dahil nga maaga pa ay pakantakanta pa ang ating bida ng "I'm not a girl" ni britney spears (buti na lang maaga pa at kokonti pa tao sa palengke)…sa di malaman dahilan ay napatitig si ELsa sa kanyang manual na kayudan at may kung anong bagay na nag-udyok sa ating bida na magkayod ng nyog. kinuha nya ang kayudan , nagbiyak ng nyog at nagsimulang magkayod..

Elsa: I'm not a girllll.. not yet a wuman....~~humm-hmm*kayod niyog*

Kaya heto ang ating bida..tuloy pa rin ang kanta ng awitin ni britney..na makailang ulit na niyang inuulit ulit at sa bawat pag ulit ay naiiba ang lyrics..pero la syang care..basta..feeling beautiful siya ngayon…at tama naman siya sa isang banda, talaga naman may angking ganda ang ating bida. Larawan ng busilak na kagandahan ang ating bida sa pagkakasalampak niya sa kayuran ng niyog habang nagkakayod…ang buhok niya'y nakalugay at umaabot ang haba nito sa magaganda niyang balikat na lalong pinatitingkad ang ganda ng suot niyang off shoulder na daster….tuloy tuloy ang pagkakayod ni elsa..tuloy tuloy din ang pagyugyog ng buo niyang katawan kasabay ng ritmo ng pagkakayod niya..may ibang kasiyahan nadarama si elsa sa kanyang sarili habang nagkakayod ng niyog..animo may kiliting nanunuot sa kanyang kalamnan ang ritmo ng pagkakayod niya ng niyog…dahil mababa lamang ang tayo ng kudkuran ng niyog ay di maiiwasang di lumilis ang laylayan ng suot niyang off shoulder na daster..at lumalantad ang kanyang mga mapuputi at mabibilog na mga hita…talagang larawan ng kagandahan ang ating bida…habang tumutulo ang pawis niya mula sa leeg ay lalong lumalabas ang natural niyang alindog sapagkat nagiging rosy cheeks na siya sa pagkakayod ng niyog..morning blush yata tawag don…kayod lang siya ng kayod..siyang siya ang ating bida sa kanyang pagkakayod ng niyog..lingid sa kanyang kaalaman ay may taong kanina pa nakamasid sa kanya sa may pinto ng kanilang tindahan…tangna si goryong takusa (takusa pa rin ba..eh di ba biyudo na siya?)

Elsa: Syet!! Goryo, ano ka ba!?!?..kanina ka pa ba diyan? *sabay ayos ng daster para matakpan muli ang nakalantad niyang mga hita..pero secretly nag blush siya dahil sa pagkakatitig ni gorio sa kanya…titig na nakakapaso ngunit nakaka flatter. *

Goryo: Ah, eh..ah..eh..hindi naman..*pa-innocent effect*

Nanginginig nginig pa ang kamay na iniabot ni Goryo kay elsa ang dalang bulaklak at siopao..

Goryo: Para sa yo, napadaan ako sa bayan eh…bago ko pumunta rito sa palengke..

Elsa: Salamat Goryo ha..napaka thoughtful mo naman.. *abot*

Di na nagdalawang isip na kunin ng ating bida ang mga dala dala ni gorio para sa kanya dahil nalaman nya kahapon bago sya magsara na kaya pala wala ng nagbibigay sa kanya ng chicharong bulaklak, kwekwek at litro-litrong sago at gulaman ay ipinigkalat ng siraulong si baho na "going steady" (syet.bagets na bagets ang dating) na sila.

Elsa: Bibili ka ba ng niyog?..tanong nito kay gorio..

Goryo: Ah..eh..oo..maggagata kasi ako ng dilis…este kalabasa mamaya.*nginig boses* Alam mo Elsa, may trabaho na ulit ako simula bukas.

Elsa: Ganun ba, mabuti yon..*kagat siopao* kain tayo……*ngasab* Ano naman ang trabaho mo? *talsik mga siopao mula sa bibig*

Goryo: *punas ang pisngi* Cge busog pa ko eh..kaka almusal ko lang…ahh 2 niyog nga pala ang bibilhin ko..eto ang bayad oh.*abot ng pera* Internet cafe attendant ako jan sa bayan.

Elsa: ah.. marunong ka pala magkompyuter..

Goryo: Oo naman.. mula ng mabyudo ako e tinuon ko na lang ang buhay ko sa chat..

Elsa: Naku, wag ka na magbayad..dalawa lang na nyog..binigyan mo nga ako ng flowers tsaka siopao eh…tsaka tamang tama dahil dalawang niyog na ang nakakayod ko, teka ibabalot ko lang ha...

Napatulala si Goryo sa ganda ni ELsa at hindi nito namamlayan na kanina pa pala inaabot ng ating bida ang supot ng nyog.

Elsa: Goryo! Ang tumatalsik! Lumaway!! 48 years na akong nag-aabot ng supot ng nyog!! *irap*

Goryo: Ah..eh..sorry..natulala na naman ako eh..ang ganda mo kasi eh *ngiti*

Nag-init ang mukha ng ating bida dahil na din sa tinuran ni Goryo... At napahalakhak sya..tawang walang poise.. tawa na walang pakielam sa feelings ng iba...

Elsa: Pakyu ka Goryo!! niloloko mo na naman ako! Nyetang to...

Goryo: Naku Elsa... alam mo naman na kahit kelan di kita niloko..

Elsa: Hindi mo ko niloko? Hindi mo ko niloko? *aalala ang nakaraan* Naalala mo ba nung araw na nangopya ako sayo... pakopya ka ng pakopya.. mali naman pala kinokopya ko! Tapos.. ikaw.. pumasa ka, ako bagsak ako!! Yun pala binago mo yung mga sagot mo! Pa-emote emote ka pa after ng test!

Goryo: Hindi naman panloloko yun .. saka wala ng time para baguhin pa ang mga sagot mo..

Elsa: HIndi ba panloloko yung magpasakal ka sa babaeng adik sa bukayo...

Goryo: Pero mahal..... ginayuma nya lang ako..*shock sa sinabi* Ah eh... ang ibig kong sabihin eh..

Elsa: Ah.. syat up!! at di porke binigyan mo ko ng siopao at flowers eh akala mo.. napatawad ko na kataksilan mo!

Magsasalita pa sana si Elsa ng biglang dumating si Baho.. Bagong ligo ang hinayupak..

Baho: Gud am my labs!! Bah! Gorio is dat you, ma men!?

Elsa: Isa ka pa!! bakit ngayon ka lang!?

Baho: Bakit ka galit? Me ginagawa ba ako, mahal, na hindi mo gusto? *kuha kamay ni Elsa sabay kiss*

Goryo: Hi Baho!! Bagong ligo ka ha..

Baho: Oi pare, you are imbiteysyon in my wedding.. mahal! Ang galing ko na mag-ingles!! Sabi sayo nakakatulong ang Epol-Apple eh!

Goryo: Ah.. kayo na ba? Congrats pare...

Baho: Well..well... *ngisi*

Elsa: Tangna ka Baho! Lumayas ka nga!! Nyemas ka, kinakalat mo talaga sa bayan na giep mo ko!! *hampas Baho*

Goryo: Baka naman totoo Elsa.. oopss baka mahuli ako sa trabaho, maluto muna ang ginataan. Hmm.. Elsa, pwede ka bang mayaya mag-merienda?

Baho: Merienda? Pwede kami ni mahal.. what time pare?

Elsa: Pakyu Baho! Di ka kasama, kapal talaga ng peys mong syet ka *tingin masama kay Baho* sige, mamaya daanan mo ko dito sa tindahan..

Baho: Pero.. pero..

Elsa: Walang pero pero!! nyeta ka.. isalansan mo ang mga nyog!

Baho: *bulong* Kuuu Elsa ka, kundi lang kita mahal.. tagal ka nang nakatikim sa akin!!

Elsa: Ano kamo?

Baho: Wala.. sabi ko sabik na sabik na ako sayo..

Elsa: Pakyu! *taas middle finger*

Sinalansan ni Baho ang mga nyog at si Elsa naman ay nag-day dreaming.. inalala ang nakaraan nila ni gorio, ang masasayang araw nila sa talahiban pagkatapos ng iskwela.. ang mga araw ng panunuyo at araw na walang pagsidlan ang saya sa kanyang puso.. Nagulat pa si Elsa ng mauntog sya sa pader ng tindahan.. Bah, nakaidlip pala sya.. Maaga kasi syang nagising para mag-ayos. Naalala nya ang pagtingin ni Goryo sa kanya at ang pagkakadulas ng dila nito. Nagulat sya ng tumunog ang cellphone. Me text na dumating, syet, si Goryo.. pinapaalala ang lakad nila. Dahil walang load ang babae ay kinuha nito ang cellphone ni Baho at nakitext. Alas-5 ng hapon ay sinundo na ni Goryo si ELsa sa tindahan.

Elsa: Wow.. syet!! On time ka!!

Goryo: syempre naman Elsa..

Baho: Bakit Elsa, on time naman ako ah!!

Elsa: *irap kay Baho* Kasali ka ba dito? Maya tayo mag-usap ha.. punta ka sa bahay mga alas-8.

Goryo: Shall we go?

Elsa: *nataranta* We go shall .. uhmm *blush*... now???

Sa restokwekkwekan ay ayaw sanang umorder ang ating bida dahil feel nyang magpa-girl. Diumano ay busog sya gayung hindi naman siya nagmerienda, pero napilitan din syang umorder ng makita nya ang tapsilog at walang kamatayang iced tea. Syet! gutom pala sya. Inalala nila ang kanilang nakaraan ng bumuhos ang malakas na ulan.

Goryo: Nakuuuu!! ang lakas ng ulan.. me dala ka bang payong?

Elsa: Wala eh..

Goryo: Naku bakit di ka nagdadala ng payong-- baka magkasakit ka nyan *alala*

Elsa: *init ulo* E sira ulo ka pala eh.. bakit ako magdadala ng payong ng di naman umuulan kanina!!

Goryo: Maski na, hindi ka ba nagpapayong sa araw?

Elsa: Inde rin! *subo ang itlog* Titila din yan..

Lumipas ang ilang oras ay ganun pa rin ang ulan.. ayaw pa rin papigil nito... nakakadami na sila ng iced tea at dahil na din sa lamig ay pabalik balik na sila sa CR... nguni't ang ulan ay parang sayang saya sa pagkakalat. Wala na atang balak tumila ito.

Goryo: Elsa.. Sumugod na tayo sa ulan... mukhang di titila..

Elsa: Hay naku Gorio-- kanina ko pa nga balak maligo sa ulan.. baka nag-aalala na ang tatay ko.

Kaya naman ang dalawa ay sumugod sa ulan-- handa silang mabasa pero hindi sila handang lumangoy. Nyemas.. umapaw na pala ang ilog. Kaya naman ang mga daan ay napuno ng tubig. At hindi ordinaryong tubig dahil ang tubig sa ilog ay may karumihan na. Bah! Dun ata nya nakikita ang mga kalabaw na naliligo at minsan dun din nya nakikita ang tricycle driver na jumijingle. In short, kadire ang tubig. Naloka si Elsa, ang maganda nyang daster!!

Elsa: Puta, baha!! Gorio! BAHA!! *sigaw*

Goryo: Oo nga.. nakikita ko!! Syet... bago pa namna ang sapatos ko...*hubad sapatos*

Elsa: Bakit mo hinubad sapatos mo? Kung matibo ka?

Goryo: Mahal ang sapatos ko eh.. saka kakabili ko lang nito sa is-em.. di bale ng matibo.. sugat lang naman yun .. *lagay sapatos sa ilalim ng shirt*

Elsa: Sira ulo ka! Mas mahal mo pa ang sapatos mo kesa sa sarili mo!

Goryo: Bakit ikaw? Wala pa nga tayo sa baha.. taas ng paglilis mo ng daster mo?! Bah.. kita ko na ang panty mo dito ah!

Elsa: Tanga, dalawa ang suot kong panty! Me thong pa ako sa loob nyan..

Goryo: Patingin nga kung totoo!! *excited*

Elsa: Pakyu!

Goryo: Naku Elsa.. bumalik na tayo sa restokwekkwekan, madilim pala ang daan dun-- baka kung mapano pa tayong dalawa.

Elsa: Oo nga at kailangan ko pumunta ng CR..

Nagpunta sa CR ang dalaga at dun ay tinawagan nya ang kanyang ama, para ipaalam nito na inabutan sya ng baha. Pagkatapos ay tinext din nya si Superpekpek Blue para humingi ng tulong. Nag-reply ito na kayang kaya na daw nya ang sarili nya at ang ibang Superpekpeks ay natutulog dahil sarap daw matulog pag umuulan. Taena talaga naman.. pag sumusumpong ang sama ng asal, nangunguna ang Superpekpek Heroes sa pila. Lumabas sya at nakita si Goryo na nakaupo ulit dun sa kanilang table at nag-kakape. Nakiupo sya sa tabi ni Goryo at umorder ng hot tsokoleyt..Sa di kalayuan merong tatlong lalaki ang nag-uusap usap at dahil na din sa lakas ng boses ng mga ito ay hindi maiwasan ni Elsa na makinig.

Ashulhwan: Pare.. yung tsik na kasama ko kagabi haneeeep! ang galing wala ng gagaling pa dun!

Ashultu: Pare, wala yan sa kasama ko kahapon!! yun ang putaenangsyet pare!! fingerlicking good talaga!! Serious na ba mga pare?

Ashultri: Wala yan sa ka-deyt ko nung isang linggo.. pare!! Alam mo ba, sa trike palang.. give it to me baby na!! Taenang yan..*inom beer* Malamang tawagan ko yun mamaya pag medyo tipsy na ako..

Ashulhwan: Mukha mo!! Wala yun sa kasama ko last night!! Hanep pare... ang kinissss! Parang labanos! Serious? Naah!! Fun is the keyword pare.. mga babae, for fun lang sa akin yan..

Ashultri: Baka amoy labanos kamo! *tawang malakas*

Ashultu: Taena pare.. di ko malimutan yung kahapon pare.. hanep talagaaa!! taena..

Elsa: Wala kayo sa lolo ko!!! Oooppsss..

Goryo: *siko si Elsa* Ano ka ba? Nakikinig ka sa usapan ng me usapan!!

Elsa: E kasi naman Goryo.. feeling ng mga ito e kaakit akit sila.. pwede ba!! Taena mas kyut pa yung tuta ko!

Ashultu: Ano daw? Mga babae talaga, ang weird pare!! Naalala ko.. lagi na lang nila tayong pinagbubuntunan ng galit nila na para bang lagi na lang sila ang tama at tayo ang mali!! *inom beer*

Ashultri: Oo nga pare..pero sila naman tong mga manloloko..kung makalahat akala mo mga santa ang mga punyeta..

Elsa: Pigilan mo ko Goryo.. pagsasampal sampalin ko ang mga yan!! Lalo pa atang nilalakas ang mga boses nung nalaman na nakikinig ako...

Goryo: Kaw naman kasi.. nakikinig ka sa usapan ng me usapan. Di mo ba alam na masama yun?

Elsa: Alam ko...

Goryo: Alam mo pala e.. bakit mo pa ginagawa?

Elsa: Care mo ba?! *inom hot tyokoleyt*

Ashultri: Taenang yan pare.. ang mga ganyang babae pare.. niloloko.. *tawa malakas* Tanga pala sila eh.. Sabi nga nila.. Women can fake orgasms but men can fake the whole relatioship..! *inom beer*

Sabay sabay nagtawanan ang mga ito.. at parang na-feel ni Elsa na sya ang pinagtatawanan ng mga lalaki. Tumayo ito at Lumapit sa table ng tatlong asshole. Agad namang sumunod si Goryo.. Kilalang kilala na talaga nya si Elsa.. Bah.. mang-aaway na naman ang babaeng ire. Ganyan din ang ginawa nito nung high school sila eh..

Elsa:*pamewang* Do you mind?! Di nyo ba alam na babae ako!? At parang nade-degrade ako sa ganyang usapan..

Goryo: Elsa tama na.. baka mapahiya ka lang..

Ashulhwan: Este.. miss.. this is a free country.. we can do and say anything we want..

Elsa: Say anything you want your pwet!

Ashultu: Saka miss.. nilalabag mo na ang karapatang pantao namin na mag-dikusyon ukol sa bagay bagay.. Siguro hurt ka kasi applicable sayo yung pinag-uusapan .. yun e kung babae ka nga..

Tangna.. pinahiya na sya..e parang sinasabi pa na bakla sya..

Elsa: E gago ka pala eh!! Anong kung babae ako?! Bakit mukha ba akong bakla?!

Goryo: Pare.. Foul na ata yun.. konting dispensa naman..

Ashultu: Pare, yang syota mo ang lumipat dito at nakikielam.. e di sori..

Elsa: Sorihin mo mukha mo punyeta ka! *sampal ashultri* Ikaw mukhang bakla.. in fact mukha ka ngang bangkay hayup ka e..

Weyter: Ma'm.. sir.. ano ho ang problema dito? Kasi yung mga ibang kustomer ay natatakot na ho.. Konting hinahon naman..

Ashultri: Papatulan na kita ah!! *tingin sa weyter* Kasi tong babaeng to..sinugod kami at pinagmumura... medyo may sayad ata...

Hindi na nakayanan ni Elsa ang narinig.. tumakbo sya papuntang CR.. dinig na dinig nya ang lakas ng tawanan. Init init ng mukha nya dahil napahiya sya.. Syet!! Di yun kaya ng ganda nya!! Narinig din nyang pinagtanggol sya ni Goryo. Kinausap nito ang mga lalaking walang modo. Medyo disappointed din sya dahil wala man lang suntukan.. Si goryo talaga!! Mahinahon kahit kelan..syet! Tumawag si Elsa sa mga Superpekpek para ireport ang pang-aapi sa kanya. Dahil talaga naman feeling ng ating bida e sobrang nadehado ang pekpek nya ng mga mayayabang na etits na yaon. Biglang tumawa ang sira ulong si Superpekpek Blue.

Elsa: Taena ka, isa ka pa! Bakit ka tumatawa? Inapi na nga ako.. pinagtatawanan mo pa ako!

Superpekpek Blue: Fuck.. you don't have worry about anything.. Yang mga lalaki na yan yung nameet ko last week when I started my new job.

Elsa: Eyng? Ano naman ang pakielam ko dun?

Superpekpek Blue: Mga sira ulo na yun-- they're talking behind my back!! Sabi ng secret lang ang paglabas namin eh.. Di bale.. I got a new DVD player... a new cellphone and lots of load. not bad...*giggles*

Elsa: You mean kaw yung... yung.. Taena ka! Pokpok!!

Lumabas si Elsa na may kung anong glow.. Taena... Ngayon pa na alam na nya na yung balak manloko ang naloloko... Taena.. Revenge is sweet! Dumaan na naman sa table ng tatlong lalaki ang ating bida.. Ngumiti.

Elsa: Kung akala nyo na kayo ang nakaloko.. itanong nyo muna sino yung babaeng feeling nyo e niloloko nyo.. mga sira ulo! *taas middle finger*

Ashulhwan: Huh? dun ka na babaeng luka luka..

Elsa: *smile pa rin ever* di bale.. magkano nga ba ang DVD player? ang Cellphone at sang kahon ng load? Nah.. just wondering... *smile ganda*

Naiwan ang tatlong lalaki na nakanganga.. maya maya pa ay naglalakasan ang mga boses, Di nila makuhang makompeyr ng mga notes nila dahil alam nila na iisang babae lang ang nakaloko sa kanila. Sabay sabay na umorder ang mga lalaking na-one-two-three ni Superpekpek Blue ng beer. Nagpakalango ang mga ito... Dahil na din hulugan lang ang mga kuha nila sa mga iyon. Ilang buwan ding wala silang susuwelduhin dahil ang mahal ng mga pinagtuturo ng babae. Umuwing mga lango-- at di pansin ang rumaragasang baha.. Inanod ang kanilang mga trike papunta ng China Sea. Kinaumagahan, tumila na din ang ulan at baha ay di na gaanong mataas... Magkahawak kamay si Goryo at si Elsa habang naglalakad dahil walang gustong bumiyahe dahil na din sa sakunang nangyari. Hinatid ni Goryo si Elsa sa kanila. Sinalubong naman sila ni Mang Gusting na nakangiti..gustong gusto na nyang mag-asawa si Elsa. Nagpasalamat si Elsa.. Si Goryo naman ay umuwi na pipito-pito. Si Elsa ay naligo at nagpahinga at me aral syang natutunan: "Kaya may manloloko dahil maraming mukhang madaling maloko!".

Isang adbentyur na naman ang natapos... Hanggang sa muli! The adbentyurs of Elsa and the Superpekpek Heroes (*echo: Pekpekpekpekpekpekepekpekpekepekpekpekpekpek!)

Ispeysal tenks kay laponggga para sa illustrative description ng pagkakayod ng nyog.

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:1.ANO ANG GINAWA NI ELSA THE SUPERPEKPEK SA MGA NOBYO NG TANDERKATS BILANG PARUSA?SAGOT: Ginahasa ang mga ito.

© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]

Instant Quiz: 1. Sinong Superpekpek ang nakaloko sa tatlong lalaki?

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection