supladong adik

 

Matamang naglalakad si Superpekpek Lavander papasok sa opisina ng makasalubong nya ang kanilang kapitbahay na si Dyimi, kapatid ng kumare nya. Kilalang batakero (lalaking panay ang batak..in short, adik sya) sa kanilang bayan. Napatingin ito sa kanya.. Ngitian nya ito sabay sabi ng "gud morning". Biglang binawi ng lalaki ang tingin at dali daling pumasok sa loob ng bahay.

Superpekpek Lavander: King ina nun ah.. suplado ....*para ng trike*

Sa opisina ay di masyadong nakapagtrabaho ang babae dahil na din sa palaisipan sa kanya kung bakit ubod ng suplado ang lalaking yaon samantalang ke bait bait ng ate nya. Mainit ang ulo at toxic ang babae, kaya naisipan nyang magtext sa boss nya dahil ayaw nyang magpunta sa kabilang table para magpaaalam. Nagpaalam sya na magha-half day sya. Dali daling nagreply ang boss nya na hindi sya pwedeng maghalf-day. Nagtext back ulit ang babae at duon ay binlak mail nya ang boss nyang bakla. Nagtext bak na namang ito, at tumatawad-- mag undertime na lang daw si Lavander at iyun daw ay walang kaltas sa sweldo. Pumayag na din ang ating bida dahil balak atang ubusin ng baklang yun ang load nya. Pagdating ng ala-3 y medya, agad na nagtungo si Lavander sa palengke upang uminom ng malamig na BJ.

Superpekpek Lavander: Elsa! Pengeng BJ!

Elsa: Hi lavander! * beso beso* Mukhang mainit ang ulo mo ah..

Superpekpek Lavander: Sinabi mo pa.. masyado akong toxic ngayon.

Elsa: Dahil siguro sa bagong hairdo mo... What happened to your hair ba?

Superpekpek Lavander: Taena mo, isa ka pa .. pakyu!

Elsa: E kasi nga di kami sanay na ganyan ang buhok mo..pra ka kasing uhmmm *isip* pankista.

Superpekpek Lavander: Kanina, ok naman ako eh. Papasok ako sa opis.. ganda ng mood ko.. Tapos yung kapatid ni janet, nakatingin sa akin..

Elsa: Tapos...

Superpekpek Lavander: Taena e di super ngiti naman ako.. king ina nun, biglang pumasok sa bahay..

Elsa: ay syet.. nyeta nun ah

Superpekpek Lavander: Taena nya.. balang araw, babalik din ang ganda ko tapos makakatikim sya sa akin.

Elsa: Baka nahihiya sayo.. kaya ganun, me taong ganun Lavander no!

Superpekpek Lavander: Wala akong pakeelam! Dapat nag gud morning din sya sa akin syet sya!

Elsa: Bueno, bueno.. wag ng masyadong mainit ang ulo mo at yang mata mo o, lumalaki na naman..baka di bumalik sa normal yan.

Superpekpek Lavander: Sumbong ko sya sa ate nyang syet sya! Taena nya pa rin! *ubos ang BJ* O sya elsa, uuwi na nga ako at oras na ng soap opera.. manunuod na naman ang mga longkatuls. Dapat di din sila masaya. Ingat ka sa pag-uwi daming gago ngayon lalo na yang paparating..

Baho: Mahal! Di ka pa ba mag-sasara? Bah.. di ba ikaw si... *titig kay Superpekpek Lavander*.. si ..*isip* puta sino nga yun?? Yesssss!! si Cacai!!

Superpekpek Lavander: Elsa, ilayo mo ang lalaking yan sa akin, ako papatay jan.

Baho: Uhmm... si aiza?

Superpekpek Lavander: Itiklop mo ang mukha mo! Bibigwasan kitang lalaki ka... naliliitan ka ba sa akin ha!?

Elsa: Baho, taena ka tumahimik ka na nga.. naiirita na ako sa boses mo.. Sakit sa tenga letse. *tingin kay Superpekpek Lavander* Sige, lavander.. ingat ka din ha..

Baho: Nyeeee.. si Lavander lang pala yun.. What's happened to your hairs?

Superpekpek Lavander: *sampal Baho* wala kang pakielam letse!

Elsa: ayan buti nga sayo.. pakielamero ka kasing hayup ka..

Baho: *himas ang pisngi* pak.. sakit nun ah.. kundi ka lang babae.. uupakan na kita.

Superpekpek Lavander: O sige kunwari di ako babae hayup ka.. Kanina ka pa eh.. *sampal si Baho sa kabilang pisngi* Masyado kang epal eh! *sampal pa ulit sa kabila* Dyan ka na nga leste!

Elsa: Ikaw naman kasi Baho, alam mo naman na mainit ang ulo nun.. umeepal ka pa jan.. Hala isara mo na ang tindahan at ihatid mo na ako.

Baho: Elsa.. penge munang yelo, ang sakit manampal nung babaeng yun.. *sara ang tindahan*

Pinakamaagang dumating si Superpekpek Lavander sa lahat ng Superpekpek. Di magkandatuto ang mga longkatuls dahil final episode na ng "Pinako sayo", gusto nilang malaman kung ano nangyari kay claudia at Amor Powers at kung sino ba talaga ang pinako kanino. Matama silang nakaupo sa sofa.. me hawak na sopdrink at chichiria..ng biglang me nagbukas ng gate, umiyak ang aso dahil sa isang malakas na sipa... biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanila ang Pekpek ng masa. Alam agad ng mga longkatuls na mainit ang ulo ng ating bida kung kaya't agad agad silang tumayo.

Superpekpek Lavander: Nagluto na ba kayo? Anong palabas?

Mia: Kanina pa ati.. nakapagsaingg na din ako...

Brenda: Pinako sayo ati, katapusan na to.. ganda nga eh.. kakaexcite.

Superpekpek Lavander: Ganun ba? Sige ilipat sa news yan..

Mia at Brenda: Pero ati.. *ngilid luha*

Naantig ang damdamin ni Superpekpek Lavander ng makita ang luha ng mga dakilang longkatuls..kung kaya't pagkatapos ihagis ang mga gamit sa sahig ay dali dali itong lumabas ng bahay para magyosi sa terrace. Hinayaan na nyang mapanuod ng 2 ang soap opera na pinanuod nila sa loob ng 4 na taon. Lumapit sya sa may gate at duon nakita nya si Janet, ang kapatid ni Dyimi.

Janet: Hi, Lavander.. gandang gabi sayo. *ngiti sabay lapit kay Lavander*

Superpekpek Lavander: Hi janet.. *buga usok* musta ka na...

Janet: Ok lang naman.. ikaw?

Superpekpek Lavander: *hithit yosi* Ito.. toxic.

Janet: Bakit naman?

Superpekpek Lavander: Di ko nga alam eh..

Magtatanong pa sana si Janet, nguni't biglang lumabas si Dyimi upang tawagin ang kapatid dahil Pinako sayo na daw ang palabas.

Superpekpek Lavander: Bakit ang suplado nyang kapatid mo, Janet.. kaninang umaga nginitian ko.. inde man lang ako pinansin. Ilang taon na ba yan?

Janet: Nyek.. ganun? Trenta años na yan. Mahiyain kasi yan eh.. sandali.. Dyimiiiiiiii! halika nga dito.. me papakilala ako sayo.

Lumapit si Dyimi.

Janet: Lavander, si Dyimi.. kapatid ko. Ikaw ha.. ngitian ka nya kanina di mo man lang pinansin..

Dyimi: Di ko napansin ate..

Superpekpek Lavander: Ok lang yun Janet..*hithit yosi*

Super mega plastik na ngiti ang ginawad ni Lavander kay Dyimi sabay hithit sa yosi. Maya maya pa'y namaalam na ang magkapatid dahil manunuod pa sila ng soap opera. Nagsipagdatingan na ang iba pang mga Superpekpek Heroes, Pero hindi sumabay si Lavander sa hapunan. Andun lang sya sa terrace at pilit pinapatay ang sarili sa yosi. Lumabas sya upang manuod ng asong naghaharutan... At sya ang nagilalas dahil biglang kumubabaw ang aso ni Mang Pedring sa aso ni Aling Enyang, at nagsimula itong umindayog. Sumama lalo ang loob ni Lavander, kaya pinanuod na lang nya ang asong nagho-honeymoon habang nagyoyosi. Maya maya pa ay lumabas si Dyimi... Syempre, ayaw nyang maulit muli yung kaninang umaga kaya hindi nya pinansin ang lalaki. Naglabas ang lalaki ng yosi, pero wala itong pansindi. Lumapit ito sa kanya.

Dyimi: Me lighter ka ba?

Superpekpek Lavander: Meron... *abot* Taenang mga aso to...

Dyimi: *natawa* ambabastos no?

Superpekpek Lavander: Indi naman... inggit lang ako..

Napahalakhak si Dyimi.. at maya maya pa ay nagsimula na silang magkwentuhan at magkakilanlan. Narealize ni Lavander na indi naman pala suplado tong si Dyimi. Gumaan ang loob nya at napawi ang init ng ulo. Pinalipas ng dalawa ang oras ng gabi na nakukwentuhan habang ang kaninang dalawang naghaharutang aso naman ay naghihilahan kung saan sila pupunta. Kinabukasan ay papasok si Superpekpek Lavander ng makita nya ulit si Dyimi, dikatulad kahapon, Nauna pang bumati ang lalaki sa kanya. Nagpalitan sila ng number at naging magtextmate. Duon nagsimula ang isang magandang relasyon. Lumipas ang mga araw...

Superpekpek Lavander: Orange, bakit ganun? di man lang kami naglalaro ni dyimi, matagal na din naman kami ah..

Superpekpek Green: Ano ka ba, Lavander.. baka virgin pa sya..

Superpekpek Yellow: Baka naman makaluma sya...

Superpekpek Blue: Sheyts... lo batt na ako...

Superpekpek Lavander: Pakyu ka Blue!! Namumublema na nga ako dito.. txt ka pa ng txt jan..

Superpekpek Orange: Alam mo, tangna me mali eh... Me mali jan sa lalaki na yan. Usually kasi maglalaro muna bago magiging kayo...

Superpekpek Lavander: Alam nyo ba.. na talagang nagpapakalasing na ako pag lumalabas kami nyan, kahit nga di ako lasing-- nagkukunwaring lasing ako para wag na nya ako ihatid dito sa bahay eh. Taena, iuwi baaaaa!! *maktol*

Superpekpek Red: Ano ka ba lavander, you should give him more time to adjust. Pang-ilan ka ba nyang girlfriend?

Superpekpek Lavander: Pangalawa daw..

Superpekpek Green: Ilang taon na ulit yan?

Superpekpek Lavander: thirty..

Superpekpek Green: Bakla sya..

Superpekpek Lavander: Pag ako nabuswet sa kanya.. makakatikim sa akin yan eh.. Minsan talaga iiyak na ako tapos sasabihin ko sa kanya.. "Di mo ko mahal!! kung mahal mo ko patunayan mo.."

Nagtawanan ang ibang superpekpek.. nguni't ng pag-isipan ang plano ni Lavander ay nagsipandiri ang mga ito. Natapos ang usapan ng gabing iyun ng walang konklusyon ukol sa tunay na pagkatao ni Dyimi at kung bakit hindi pa din nito hinahalay si Lavander. Lumipas ang mga araw.. patuloy na lumalabas si Lavander at Dyimi.. Sinusundo sya ng lalaki sa opisina. Pero hanggang dun lang talaga ang nangyayari. HHWW ( holding hands while walking) lang talaga.. at pinakaintimate na yung laplapan session nila na di naman nangyayaring madalas, basta pagkagaling sa opisina o sa gimik ay inihahatid sya ng lalaki sa bahay kahit na dis-oras na ng gabi. Tulad ng nangyari sa ibang lalaking minahal nya... nagpakatanga na naman si Superpekpek Lavander as in mega kunyapit na naman ito, wa sya care kung sino ang kaharap nya basta yayakap sya kung gusto nya. Pero ang taenang lalaki... Sya pa ang me ganang mag-inarte. Inaalis ang kamay ni Lavander na parang nandidiri pa ito.

Isang araw, me natanggap na lang na sulat si Lavander galing kay Dyimi. Syet.. nakikipaghiwalay na ang lalaki sa kanya.. dahil akala pala ng huli e me sakit sya.. di na daw nya kaya ang laypstayl ni Lavander- masyado daw itong sosi, na imbes na ipunin ang pera pampagamot (taena kasing hairdo yan eh) e nauubos daw sa "Putang inang Bar na yan!". Sa sulat na binubo ng limang pahina ay nilabas lahat ng lalaki ang sama ng loob nya kay Lavander. Oo.. ganun kakapal ang mukha nya, sya pa ang me sama ng loob. Kaya nagkaron ng emergency toma session dahil sa pang-aaping nadanas ng pekpek ni Lavander.

Superpekpek Lavander: My Gass.. he hate my lifestyle..*inom alak*

Superpekpek Green: Hayaan mo na sya, lavander-- wala naman syang silbi eh...

Superpekpek Lavander: Galit na galit sya sa bar.. Bakit sya.. nag-aadik naman sya ah.. Gusto nya magbatak din ako? Dahil ok ang pagbatak kesa sa pag-inom at yosi?

Superpekpek Yellow: Baka nga ganun, gusto nyang iwan mo na ang yosi at bars.. para magsimula ka ng maging adik kamuka nya.

Superpekpek Orange: Taena, *buga usok* saka aanhin mo naman yung ganun?? Parang kinahihiya ka nya.. ayaw nya payakap sa labas ng bahay... Kapal ng mukha -- akala mo kung sinong gwapo..*hithit yosi*

Superpekpek Red: I know how you feel.. *ngilid luha*

Superpekpek Green: Grabeh na etoh!!!

Superpekpek Lavander: Tapos ipunin ko daw pampagamot!! Pakingsyet.. Bakit ba lahat na lang sila tinatanong, What happened to your hair?!! Mukha ba akong me sakit?! Taena! *hithit yosi*

Superpekpek Blue: Mukha ka kasing tinupus..

Superpekpek Lavander: Pakyu!! Bakit sya ganun?? Di man lang ako nakaiskor sa kanya..

Superpekpek Orange: Gusto mong umiskor? No problem.. *sigaw* Superpekpek powers combineeeeeeeeeee!!!

Lumabas ang mga powers mula sa singsing ng ating mga bida. Samantala si Elsa naman ay andun pa din sa harap ng kanyang vanity table at nagpapractice maglagay ng eyeshadow gamit ang mga basang brush. Isa isang pumasok sa kanyang katawan ang mga Powers ng Superpekpek... nabalot ang paligid ng usok... Ilang saglit pa ay lumitaw na si Elsa the Superpekpek. In fairness, iba ang ganda nya ngayon..dahil ang isang mata nya e me eyeshadow. Lumipad ito sa himpapawid upang hanapin si Dyimi. Unang pinuntahan sa bahay nguni't wala dun ang lalaki. Pilit na hinanap ni Elsa si Dyimi at natagpuan nya ang huli sa tambayan ng mga kaibigan nito.. duon ay bumabatak ang huli. Nagulat ang mga adik. Nagulat din si Elsa.. dahil andun si Haring Labuyo. Tangna.. pano nangyari yun?

Elsa the Superpekepek: Pakyu ka Haring Labuyo!!

Haring Labuyo: Well..well..well... Look what we here! Ang dakilang tagasagip ng mga pekpek na naapi.. Pano mo ko nakilala aber? Magaling ka talaga elsa..

Elsa the Superpekpek: DUH! As is! Meron kang kayang name tag, gago!

Haring Labuyo: Ay puta.. nga pala.. kalimutan ko alisin.. *alis name tag sa dibdib*

Ang mga adik naman ay matamang nanunuod dahil feel nila ay isang magandang pelikula ang nasa harap nila. Hayup ang tama ng acetone at rugby sa katawan.

Adik 1: Haring Labuyo.. pabili pa nga ho ng acetone..medyo natuyo na kasi tong rugby eh..

Haring Labuyo: Later.. me inaayos pa ako..

Elsa the Superpekpek: Pakyu ka Haring Labuyo, ikaw pala ang nagtutulak ng gamot dito! Kaya pala madaming adik sa subdivision namin ay dahil sayo! Dapat kang mamatay!!

Dyimi: Wow men.. lam mo pare.. mahal ko si lavander pero di ko talaga kayang tiisin ang lifestyle nya.. Masyado siyang sosi..away ba tong nasa harap natin?

Adik 1: Oo pare.. away.. hehehehe... mahal mo pala eh.. bakit mo iniwan?

Dyimi: Kasi nga..iba ang buhay nya.. di ako nababagay sa kanya.. saka ayaw ko sa alcoholic..

Elsa the Superpekpek: *sampal Dyimi* Tangna mo! Ayaw mo sa alcoholic e ikaw nga ang Adik jan gago!

Haring Labuyo: Bwahhahahahaha!! Ano Elsa.. akala mo ba ay sasaya na ang pekpek ng mga tutor mo? Pare-pareho lang kayo ng kapalaran...lahat kayo ay maapi, never kayong sasaya.. Alam mo naman na mababago lang ang lahat kung iaalay mo ang buhay mo.

Elsa the Superpekpek: Gago! Superhero ako, Hindi ako pangkaraniwang bayani lang!

Haring Labuyo: Kaya hindi maperpekto ang eksperimento sa new breed ng pekpek ay dahil sayo! Dahil buhay ka pa.. Pero dumating na ang oras mo Elsa.. malapit mo ng makasama ang iyong mga magulang.. malapit na kayong magreunion.

Elsa the Superpekpek: Aaahhh talk to hand!!! *harap palad sa muka ni Haring Labuyo* dami mo pang sinasabi. Tapusin na natin to!

Inilabas ni Elsa ang kanyang laser lipstick at iba't-ibang klase ng brush. Tinira nya si Haring Labuyo nguni't umilag ito kaya tinamaan ang isang adik na natutulog. Nasunog ang huli. Ang ibang adik naman , kasama na si Dyimi ay dali daling tumakbo dahil na din sa takot. Inilabas ni Haring Labuyo ang kanyang Pokemon. At hinayaan nitong sugurin si Elsa. Nagulat si Elsa. Ganito pala itsura ni mojako in person.. iba kasi sa TV, sa TV e kulay orange sya, dilaw pala in person. Isinaisip ni Elsa na ilagay sa reminder na tawagan ang gumagawa ng TV dahil sa pangyayaring ito. Dinikdik ni Elsa ang robot--madaling nasira ang huli dahil made in Taiwan lang kasi. Bago ay hinarap na nya si Haring Labuyo... nakatayo na lamang ito sa sulok. Ni-laser ni Elsa ang tarantadong lalaki... nguni't walang nangyari.. Biglang lumabas ang isang screen at dun ay nakita nya na isa lamang palang clone ang Haring Labuyo na nakaharap nya. Sama sama ng loob ni Elsa dahil naloko na sya e di pa nya naiskoran si Dyimi. Imbes na umuwi ay nagpatuloy ito sa paglipad.. ng me humingi ng tulong.. agad niyang sinalolokhan ang babae.. tinorture, dinurog at pinatay ang lalaking nang-api ng pekpek.

Bumalik sa dating anyo si Elsa, naghilamos ito at natulog.. bukas na lang sya mag-be-blend ng colors. Ang mga Superpekpek Heroes ay nasa toma session.

Superpekpek Orange: Puta.. *inom* di ako makapaniwala na nakapenetrate na dito si Haring Labuyo.. ilang clones pa kaya ang nandito sa earth??

Superpekpek Green: O nga e.. nakakabahala na talaga.. ibig sabihin masyado nang laganap ang kasamaan dito sa mundo...

Superpekpek Lavander: Haaaaaayyy.. wala.. di naman yun ang purpose natin di ba?

Superpekpek Red: I think I'm going to have my rest na.. Maaga pa ako papasok tomorrow e.. My boss is being a pain in the ass na naman..

Superpekpek Yellow: Me too.. goodnight everybody...

Superpekpek Green: Gudnyt din.. *tingin kay lavander* Bakit ganyan ang taste mo sa lalaki? remember your ex's? Dami din dun adik ha.. me 10 pogi points ba pag adik? Grabe kung gagawan ng graph ang lablayp mo lavander... nasa negative ka naaaaaa!!

Superpekpek Orange: O nga.. bakit ganun?

Superpekpek Lavander: Pakyu Green! *hithit yosi* Inde yun sinasadya mga lukaret... nagkakataon lang..

Superpekpek Blue: Bakit nga ba natin pinatay yung lalaki kanina?

Superpekpek Lavander: Ewan ko...

Superpekpek Orange: Ewan ko din.. Well.. ganun siguro talaga.. kasi ganun eh, when it's time. It's time.

Tumayo ang mga superpekpek, nagsipagligo at natulog na..Kinabukasan, nagising si Elsa na masakit ang katawan... nguni't nakita nya ang kanyang mga make-up at bagong brush, Biglang gumaan ang kanyang pakiramdam.. kaya umupo sya sa silya sa harap ng salamin at nagsimula syang magblend ng mga kulay. Ng biglang me aral syang naisip: "You can never really tell.. one day you're here, next day you are there.."

Isang episode na naman ang natapos..Hanggang sa susunod na adventure ng Elsa and the Superpekpek Heroes! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek!!!)

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:1. Sinong Superpekpek ang nakaloko sa tatlong lalaki? SAGOT: Si Superpekpek BLUE.

© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]

Instant Quiz: 1. ANO ANG IBIG SABIHIN NG NAGBABATAK?

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection